KABANATA 58: WEDDING DRESS

2226 Words

THIRD PERSON POINT OF VIEW Kalam ng sikmura ang gumising sa nahihimbing na si Rosana. Mula sa maliit na butas sa bintana ay tanaw niya ang liwanag sa labas. Patunay na maaga na. Kaagad na nagwala ang tiyan niya ng maamoy ang ginigisang bawang. Tila may nagsasangag. Mabilis na tumayo si Rosana at nagtungo sa kusina upang maghilamos ng mukha at magmumog. Nakalimutan niya panandalian ang nangyari sa kanila ng kanyang ina ng nagdaang gabi. Alas tres na siya inabot ng antok kanina. Gaya ng dati, laman ng isip niya si Andres. Naupo siya sa lamesa at kahit nagugutom na ay matiyaga siyang naghintay hanggang sa matapos ang kanyang ina sa pagluluto. Nagtimpla muna siya ng kape pero ng tangka niya ng iinumin iyon ay naalala niyang bigla ang bilin ni Joaquin sa kanya. Muli niyang naibaba ang hawak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD