"We'll leave you two, Okey?" Sambit ni Don Menandro ng matapat na sila na malaking bahay. "H-huh? Pero-" tutol ni Rosana. "Okey na ako, Rosana. Nag-aabang si Roldan sa akin kaya 'wag mo na 'ko isipin. May pupuntahan yata kayo ni Joaquin," dagling tugon ni Aling Rosing saka ito nagmamadaling bumaba ng sasakyan kasabay ang matandang Don. Walang ideya si Rosana sa sinasabi ng kanyang ina tungkol sa sinasabi nitong lakad nila ni Joaquin. Gusto niya sanang umuwi na lang at magpahinga, masama ang pakiramdam niya pero sa halip na tumutol ay nagkibit-balikat na lamang siya. Mukhang hindi naman siya mananalo sa ina kung tatanggi siya. Pagsilip ni Rosana sa bintana ay agad niya namang natanaw ang kapatid na si Roldan. Gaya ng sinasabi ng kanyang ina, naroon nga ito at naghihintay sa pagdating ni

