"Come, let's go inside." Yakag ni Joaquin kay Rosana. "Puwede bang libutin ko muna dito sa labas bago pumasok sa loob?" Sandaling natigilan si Joaquin saka nag-isip, "Uhm, sige. Pero sasamahan kita, hintayin mo lang ako dito at ipapasok ko lang ang mga gamit na nasa likod ng sasakyan, okey?" "Uhm," himig na pagsang-ayon ni Rosana. Hindi man lang niya nagagawang lingunin si Joaquin dahil ang mga mata niya ay patuloy na gumagala sa kabuoan ng lugar. "Okey." Mabilis na tinungo ni Joaquin ang likuran ng sasakyan at doon inilabas lahat ng pinamili nila kanina. Hindi niya na inabala si Rosana, nais niya sanang magpatulong dito dahil may karamihan ang kailangan niyang hakutin pero tila ini-enjoy ng dalaga ang nakaka-relax na tanawin. Hindi niya masisisi si Rosana, tunay namang napakaganda doo

