Madaling natapos ang pagpapa-rehistro at pagpapa-vaccine namin kay Rosquin. Matapos iyon ay iginala naman kami ni Joaquin sa malaking mall sa bayan. Ikinain sa kilalang fastfood chain at ipinanuod ng sine. Kitang-kita ko sa mga mata ng mga kapatid ko ang labis na tuwa. "Sana palagi niyo kaming igagala ng gaya nito, Ate." Maya-maya'y bulong ni Raymond sa akin. Ang pinakabunso sa amin. Nasa loob kami ng sinehan at nanunuod ng cartoons. Kimi akong ngumiti sa kanya saka ginulo ang kanyang buhok. "Huwag kang mag-alala, kapag dadalhin namin si Rosquin sa vet niya, isasama namin kayo." Namilog ang mga mata niya kasabay ang isang malaking ngiti. "Wow, Ate. Salamat." Mahina niyang bulalas saka yumakap sa akin. Napakalambing talaga ng batang ito. Habang si Randy at Joaquin naman ay tulala sa pal

