"Paano mo nagagawang sumaya sa piling ng iba, Mahal ko?" May kung anong kirot ang naroon sa mga tinig ni Andres. Hindi ako makakilos. Parang may kung anong bagay ang sumaksak sa puso ko. Nanikip iyon hanggang sa tuluyan na nga akong napahikbi ng nagbabadyang luha. "Guguluhin ko ang kasal niyo ni Joaquin!" Mahina subalit mariing sambit niya. Akma ko sanang hahawakan ang mga kamay ni Andres pero unti-unti na rin siyang nagiging malabo sa paningin ko. "Iniwan mo ko, Andres. Pinabayaan mo 'ko." Mahinang sumbat ko sa kanya. Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigil. Pero hindi na ulit kumibo si Andres. Ng magpunas ako ng mga mata at muling sumulyap sa kinaroroonan niya ay wala na siya. Lalo akong napa-iyak. Kung saan siya nagpunta, wala akong ideya. Hindi rin ako sigurado kung

