ROSANA's POINT OF VIEW Pag-uwi ay agad naman kaming sinalubong nina Inay. Agad akong nagmano gayundin si Joaquin saka ko hinayaang magtatakbo si Rosquin sa loob ng bahay. Napansin iyon ni Inay pero tila hindi niya naman inintindi. "Pumasok ka muna Joaquin at ipagtitimpla kita ng kape," masayang imbita ni Inay. Malugod naman siyang pinaunlakan ni Joaquin pero bago yun ay makahulugan pa siyang tumingin sa akin na tila nagtatanong kung ayos lang. Ngumiti na lamang ako sa kanya bago nagpatiuna ng pumasok sa loob ng bahay. Agad hinanap ng mga mata ko si Itay. Tinungo ko ang kwarto nila ni Inay pero wala siya doon, hindi ko rin siya makita sa kusina kahit sa sala. "Inay, nasaan ho si Itay?" agad na tanong ko. "Ah, Oo nga pala. Hindi ko nabanggit sayo kaagad. Pinadala siya ni Don Menandro

