Lumipas ang ilang araw at wala namang masyadong nagbago sa turingan nina Rosana at Joaquin. Kumportable pa rin naman si Rosana habang si Joaquin ay patuloy na pinipigilan ang sarili sa bawat gabing katabi niya ang dalaga. Nariyang tatalikod na lang siya at yayakapin ang unan hanggang sa makatulog siya. Hindi rin naman totoong nauuna siya makatulog parati. Ang totoo ay hinihintay niya munang mahimbing si Rosana bago siya matutulog. Yun ay para masiguro na kumportable na ang dalaga at hindi na rin ito mag-isip pa.. "Kailan tayo ulit babalik dito, Joaquin?" tanong ni Rosana habang hinihintay si Joaquin. Kasalukuyang inila-lock nito ang pintuan ng bahay. Napabuntonghininga si Joaquin saka iginala ang paningin sa buong bahay. "I don't know. Ikaw, kailan mo ba gustong bumalik dito?" Nagkibit

