KABANATA 65: PROPOSAL

3562 Words

NG SUMUNOD NA ARAW ay maaliwalas na ang panahon. Maagang nagising si Joaquin. Marahan niyang sinilip ang bintana sa kwarto ni Rosana. Maaliwalas na ang panahon sa labas at payapa na rin ang alon ng dagat. Sumungaw ang masayang ngiti sa labi ni Joaquin. Makakaligo na sila ni Rosana sa dagat mamaya. Nakakatuwang walang anumang dumi na galing sa mga tao ang napapadpad sa dalampasigan nila kahit matapos ang napakalakas na bagyo. Mga sanga ng kahoy at nasirang corals lamang ang nagsisilbing dumi doon at sigurado si Joaquin na hindi naman iyon makaka-apekto sa paliligo nila. At sa plano niya! Maingat siyang naglakad upang hindi niya maabala ang tulog ni Rosana. Bumaba siya at naghanda ng almusal pero nakaluto na siya at nakapaghanda sa lamesa ay hindi pa rin bumababa si Rosana kaya inakyat niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD