Sunod-sunod na bahing ang pinakawalan ni Joaquin ng tila may masinghot siyang kung ano. Kaagad na nag-angat ng tingin si Rosana sa kanya. "Ayos ka lang ba, Joaquin?" Tumango naman si Joaquin, "Wala ito, baka nalamigan lang ako." nakangiti niyang paliwanag. "P-pasensya ka na sa pagiging mapilit ko." "Wala 'yon. Iinuman ko lang ng kae ito." Kiming ngumiti na rin si Rosana saka muling ibinalik ang tingin sa inaalagaang aso. "Hi, Rosquin," masayang bati ni Joaquin sa aso habang nakaupo sa tabi ni Rosana. Hawak sa kamay ang umuusok-usok na kape. "Bagay ba sa kanya yung Rosquin?" tanong ni Rosana. "Oo, bagay na bagay. Bakit nga pala yun ang naisip mong ipangalan?" "Pinagsama ko yung pangalan natin dahil ako ang nakakita sa kanya tapos ikaw naman ang nagligtas." Hindi siya nililingon ni

