“O, bakit sambakol ang itsura mo ngayon? At mukhang hindi nagalaw ang pagkain.” Puna ni Clara sa kanya pagbalik niya ng kusina. Nakatingin ito sa tray na inilapag niya sa ibabaw ng mesa. “Naku! Sigurado ko na. Sinungitan nanaman siya ni Sir Magus.” Palatak ni Lito na sumasabay na mag-agahan sa iba pang mga kasambahay. Nakakamay ang mga ito sa ulam na daing. “Totoo ba Juliet?” Si Aling Conching na naroroon din. Lalong nalukot ang mukha niya. Naupo siya sa isang bakanteng silya at humarap sa mga ito. “E oho… ano pa nga bang bago roon?” napapabuntong-hiningang sabi niya. Dumampot siya ng isang daing at dire-diretso iyong ipinasak sa bibig niya. “Bakit nanaman? Tinawag mo nanaman siyang baka?” nangingiting sabi pa ng matanda. Nasa tono rin nito ang pagkaaliw. “Hindi ho baka…” sagot niyang

