Chapter 17

1329 Words

“TINATANONG kita. Sumagot ka dahil kung hindi ay ikaw ang ibibilad ko sa bukid.” Mababa ang tinig pero may pagbabantang sabi ni Magus sa kanya ng hindi kaagad siya makasagot. Sa halip na sumagot ay biglang napaubo si Juliet. Ubong parang pinipigilan ang pagkawala ng tama. Ewan niya pero parang nakakatawa ang sinabi nitong siya raw ang ibibilad sa bukid na para bang sinakyan nito ang sinabi niyang mukha itong baka. Kung hindi lang ito seryosong-seryoso ngayon ay iisipin niyang nagjo-joke ito. Na siyempre ay malabong mangyari. Pinameywangan siya nito. “Tinatawanan mo ba ako? Anong nakakatawa?” Matigas ang leeg at sunod-sunod siyang umiling. Nilunok niya ang lahat ng natitirang pagkain sa loob ng bibig dahil baka maibuga niya iyon sa mukha nito. Saka siya sumagot. “Ho? N-Naku Sir Magus, h-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD