SA MGA sumunod na umaga ay kinasanayan na ni Juliet na gumising ng maaga. Sinigurado rin niya na bago pa ngumawa ng ngumawa ang amo niya na parang baka sa paghahanap nito ng kape ay nakahanda na iyon bago pa ito umatungal. Kagaya nalang sa umagang iyon. Wala pang alas siyete ay nagtitimpla na siya ng kape sa kusina. Eksaktong alas siyete ay dapat na harap na nito ang kape nito. Napansin din niya sa mga nakalipas na araw na hindi ito masyadong kumakain ng agahan. Kape lang madalas ang tinitira nito. Kaya naman naisipan niyang ipaghanda ito ng breakfast. Sigurado kasing pupunta nanaman ito sa palayan ng hindi nag-aagahan. O magbababad sa opisina ng walang laman ang sikmura bago ito magsimulang magtrabaho. Tapos na siya sa pagtitimpla ng pumasok doon si Clara. “Bah! Mukhang hindi lang ka

