CHAPTER 7 - AYANNA KERR D'ALLEVA
Aya's POV
"Ang bagal!"
"Heto na. Maka-sigaw naman!" bulyaw ko sa pinsan kong pinag-lihi sa bato at balon. Nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil hinihintay na ako ni Lola at Kuya Rockwell sa labas ng gate.
"Bagal talaga." reklamo ulit ni Kuya Rockwell nang matanaw akong aligaga sa paglagay ng neck tie ko. Naka-angkas na siya sa big bike niya.
"Tama na yan. Oh siya, sumakay ka na at nang maka-sibat na kayo." singit ni Lola at sinenyasan akong sumakay na sa motor.
"Pasok na kami, La." paalam ko kay Lola at hinalikan siya sa pisngi.
"Umayos ka sa pagma-maneho, Rockwell. Wag kang singit ng singit." bilin ni Lola kay Kuya.
"Opo, La." sagot niyang labas sa ilong.
Sus, kung alam mo lang Lola mas kaskasero pa yan sa kaskasero. Hanep kaya yan sa bilis!
Umangkas na ako sa likod ng big bike ni Kuya at sabay naming isinuot ang mga helmet namin. Nang maayos na yung pwesto ko ay bumisina na si Kuya at saka kami sumibat.
Lagi akong isinasabay ni Kuya Rockwell sa motor niya kapag pumapasok siya sa trabaho. Wala kaming kotse hindi tulad ng mga kaibigan at schoolmates ko. Hindi naman kasi kami mayaman. Naka-pasok lang ako sa Westdale High dahil sa scholarship ko as athlete at syempre dahil na rin sa galing ng utak ko.
Nakarating na kami ng School at swabe naman yung pagiging kaskasero ng pinsan kong pinaglihi sa bato at balon.
"Yung bilin ko huwag mong kakalimutan." pa-alala sa akin ni Kuya habang pababa ako ng motor.
"Umiwas lagi sa g**o. Huwag pumatol sa panget. Opo, memorized ko na yan." pagsisinungaling ko.
Pumatol kasi ako sa mga panget noong Monday dahil sa kapatid ni Cassidy na lapitin ng mga lalakeng inggitero sa kapogian niya. Alam ni Kuya na lagi kaming napapa-sabak sa away dahil pinsan niya ako. Leader kasi siya ng g**g dati at maraming kaaway kaya nga niya kami tinuruan ng martial arts ng mga kaibigan ko kasi dinadamay na kami ng mga kaaway niya minsan.
Tinanggal ko na yung helmet ko at inabot sa kanya.
"Ingat sa paghataw ng big bike, Kuya." paalam ko at bigla ba naman akong binatukan.
"Masaket!" sigaw ko sa kanya. Akmang babatukan niya ulit ako kaya nagtago ako sa likod ng motor niya.
"Subukan mo akong isumbong ulit kay Lola, babatukan ulit kita hanggang humiwalay yung ulo mo sa leeg mo." pananakot niya.
Sinumbong ko kasi siya kay Lola na lagi siyang sumisingit at nago-overtake sa mga kotse. Delikado kasi yun!
"Oo na, hindi na!" mangiyak-ngiyak kong hinihimas yung ulo ko. Brutal amp!
"Pumasok ka na sa loob. Male-late na ako sa trabaho ko." binaba niya na yung lens ng helmet niya at sumibat na.
Nakasimangot akong pumasok sa Entrance Gate ng School habang hinihimas pa yung ulo ko. Taena, may after shock yata yung pagbatok sa akin.
Natanaw ko si Jaxx na naglalakad mag-isa patungong Senior Building.
"Pogi!" tawag ko sa kanya pero iba yung lumingon. "Pogi!" tawag ko ulit sa kanya pero iba nanaman yung lumingon. Mga feeling amputs!
"Ganda!" tawag ko sa kanya at bigla siyang lumingon. Anakanamputs! Nag-slide na talaga siya sa rainbow.
Huminto siya sa paglalakad at hinintay akong maka-lapit sa kanya.
"Morning." bati niya nang nasa harap niya na ako.
Natigilan ako ng mapansin kong putok yung labi niya. "Anyare sa labi mo?"
Umiwas siya ng tingin at hindi sumagot.
"Sino gumawa sayo niyan? Gagantihan ko." at pinatunog ko yung mga kamao ko.
Sinuntok ba siya ng mga nambu-bully sa kanya? Taena, hindi pa nga ako nakaka-recover sa ginawa nila sa kanya kahapon tapos ano nanaman ito? Unli ba ang bullying dito? Hindi ako informed ah. Sisihin ko kaya si Trianne? De, joke lang. Baka patalsikin niya ako dito. Panigurado walang alam yun sa nangyayaring kababalaghan dito sa School nila. Dami kayang sikreto nitong Westdale High kaya nga tiba-tiba si Natalie sa nakakalap na tsismis eh.
Naging blanko yung ekspresyon ng mukha ni Jaxx. "Wala ito. Mauna na ako sayo."
"Aabangan ka namin sa canteen!" sigaw ko sa kanya dahil tumalikod na siya at iniwan ako. Hindi ako sinagot amp!
Napansin kong nagbulungan yung mga estudyanteng kasabayan ko. Akala siguro sila binantaan ko si Jaxx. Hindi ganoon yun uy!
Sinamaan ko sila ng tingin. "Ano? Baka gusto niyo abangan ko din kayo sa canteen?"
Natigilan sila at patay malisya akong nilampasan. Tss, mga bubuyog!
*****
"Yow!" bati ko kay Emery at Trianne na naka-tayo sa tapat ng bintana ng classroom at seryoso ang mga aura. Pagkatapos kong isabit yung bag ko sa side ng table ko ay pinuntahan ko sila.
"Morning." sabay nilang bati sa akin.
"Ang aga niyo mag-tsismisan. Tungkol ba yan sa pagiging immortal ni Cardo Dalisay?" Tanong ko.
Kumunot yung noo nila. Hindi maka-relate sa sinabi ko amp!
"We're talking about Jaxx here. Duh?"
"Deh dih doh duh." Dagdag ko sa sinabi ni Trianne. "Anong meron?"
"It's about what happened yesterday." sabay flip niya ng hair.
Ipa-kalbo ko kaya 'to? Nakaka-banas yung mannerism niya pero parang ang pangit atang tignan kung kalbo na siya eh todo flip pa rin siya ng hair niya. Huwag na nga lang!
"The bullying started last month pa pala and Ms. Diane doesn't know about it. Jaxx complained to the wrong person." Tumikhim siya. "Actually...I already know the person and the reason why they bully him."
"Natalie, ikaw ba yan?" kunwaring gulat na sabi ko. Tsismosa din pala amp!
"So who's who?" kibit-balikat na tanong ni Emery.
"Ahm, I can't tell it right now." sagot ni Trianne at ngumiti ng pilit.
Tumango si Emery. "I understand."
"Apakadamot!" nagtatampo kong sabi.
"Oh come on, Aya. I really can't okay?" singhal niya.
"Oo na. Highblood ka naman agad." singhal ko din sa kanya.
Biglang nag-ring yung bell kaya itinigil na namin yung tsismisan namin. Umirap si Trianne sa kawalan at tumungo sa upuan niya. Umupo na rin kami ni Emery sa upuan namin. Pumasok na si Ma'am Hanna Yoon sa classroom. Siya and Math Teacher at Adviser ng IV-I. Section namin.
"Good Morning everyone!" masaya niyang bati sa amin. Binati din namin siya at nagsimula ng magcheck ng attendance at pagkatapos ay madugong bakbakan ng numero at letra.
*****
"Okay, Class. That's it for today. Don't forget to pass your essays tomorrow." paalam ni Sir Yomoda. Third subject namin at lumabas na ng room.
Agad akong tumayo sa upuan ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa Ladies CR. Ang tagal talaga mag-turo ni Apolloski. Sasabog na ang pantog ko oh!
Mabuti nalang hindi pa nagsilabasan yung ibang estudyante kaya solong-solo ko yung CR dito sa first floor.
Natapos na akong umihi at tumayo na. Ifa-flush ko na sana yung toilet bowl kaso naestatwa ako dahil sa nakaka-kilabot na titig sa akin ng ipis.
"King ina!" tili ko ng lumipad yung ipis papunta sa gawi ko. Marahas kong binuksan yung pintuan ng cubicle at tumakbo palabas ng Ladies CR. Sumalubong sa akin si Cassidy.
"Bakit ganyang ang itsura mo?" Kunot-noong tanong niya.
"May ipis sa CR!" mabilis kong sagot.
"Sus, ipis lang pala." kampanteng sabi niya at nilampasan ako. Pumasok na siya sa loob ng CR at makalipas ang ilang segundo.
"Waaaaah! Yung ipis lumilipad!" tili niya at nagmamadaling lumabas ng CR. Nagtago siya sa likod ko.
"Ipis lang pala ah hahaha." Napahawak na ako sa tiyan sa kakatawa. Takot din pala amp!
"Lalabas na ihi ko huhuhu." Pagpipigil ni Cassidy at hindi mapakali sa pagpapadyak-padyak ng paa.
Agad ko siyang hinila. "Tara sa second floor. Doon ka na lang umihi. Baka walang ipis doon. Pfft!" Hindi ko pa rin mapigilang tumawa.
"Bilisan natin. Hindi ko na talaga kaya!" At ako naman na ngayon ang hinila niya.
Muntikan pa akong matalisod sa hagdanan sa pagmamadali niya. Mabuti nalang walang masyadong estudyante sa ladies CR ng second floor kaya walang karibal si Cassidy sa mga cubicle. Dumeretso ako sa sink para maghugas ng kamay dahil hindi ako nakapaghugas kanina. Epal kasi yung ipis na feeling butterfly!
"Ang sarap talaga umihi." Sabi ni Cassidy sa loob ng cubicle kasabay ng pag-flush ng toilet bowl.
"Mas masarap tumae." Bungad ko sa kanya ng lumabas siya sa cubicle.
"Talaga? Anong lasa?" Tanong niya. Dumeretso siya sa sink at naghugas din ng kamay.
Oo ngapala, literal nga palang mag-isip ang babaeng 'to. Pero minsan hindi mo alam kung seryoso o nanti-trip lang eh. Hindi ko na siya sinagot dahil baka makutos ko siya ng wala sa oras.
"Gusto mo silipin natin si Jaxx saglit?" Anyaya niya at tinignan yung repleksyon ko sa salamin.
Nagbuntong hininga ako. Ano ngapala ang nangyari sa isang yun? Parang napaka-masikretong tao at may trust issue. Tanggap naman namin siya kahit sino pa siya. Tao lang tayo, hindi perpekto.
Hindi naman siguro masama kung sisilipin muna namin siya diba? Tsaka gusto ko din malaman kung anong estado niya ngayon lalo na noong nakita ko yung putok niyang labi.
"Tara lets." Payag ko at nauna na akong lumabas ng Ladies CR.
"Aya, hintayin mo ako!" Habol niya sa akin.
Nakarating na kami sa room ng Section 5. Para kaming mga stalker na sumisilip sa bintana nila. Pinagtitinginan tuloy kami dito sa labas.
"Ano? Nakikita mo ba siya?" bulong ko kay Cassidy. Hindi ko kasi makita si Jaxx sa loob ng classroom niya eh.
"Hindi eh." Sagot niya at itinigil na ang pag-silip. "Baka nag-recess."
Bumuntong hininga ako. "Bumalik na nga tayo sa room natin. Makikita naman natin siya mamayang lunch break."
Ngumuso siya at tumango. Alam kong gustong-gusto din ni Cassidy na kumustahin si Jaxx kahit sa simpleng pag-silip niya. Sa aming magka-kaibigan, siya ang mabilis ma-excite lalo na at may bagong mukha sa grupo namin. Teka, di kaya nagsa-sawa na ito sa pagmumukha namin kaya kinalimutan niya na si Harper?
Aalis na sana kami ng may sumigaw.
"Harvey!"
Nagulat ako ng may biglang humablot sa kamay ko at agad akong inakbayan.
Watdapak!
Sisikuin ko sana kung sino itong gagong bigla nalang umakbay sa akin nang magtama yung paningin namin sa isa't-isa. Halata yung gulat sa mga mata niya pero napalitan din ito ng pagka-aliw.
Sa kamalas-malasan naman oo, bakit si Harvey pa?
"At sino naman yang babae na yan Harvey?" nanggagalaiting tanong ng babaeng estudyante na nasa harap namin. Kulang nalang sakmalin niya ako sa itsura niyang parang gusto akong ilibing ng buhay.
"You don't know her, Hicarry?" preskong sagot ni Harvey at hinigpitan yung akbay sa akin. Para na siyang naka-yakap sa akin mula sa likod ko.
Tinignan ako ni Hicarry mula ulo hanggang paa. Aba, eh kung tusukin ko kaya mata nito?
"Oh, you're Aya D'Alleva right? Ang babaeng sanggano ng Westdale High." naka-ngisi ito at tinignan pa ulit ako mula ulo hanggang paa.
Wut!? S-sanggano!?
"You really dont know her?" tanong ulit ni Harvey.
Pucha, ano bang gustong palabasin nito? Kilala na nga ako eh, tinatanong pa?
"She's my new girlfriend."
Bigla akong nasamid sa sarili kong laway sa sinabi niya.
Ako!? Girlfriend niya!? Kailan pa!?
Pinagtitripan nanaman ba ako nito? Eh kung tusukin ko kaya yung mata niya ng barbeque stick ni Lola.
"What!? That's impossible Babe! Ipagpapalit mo ako sa isang sanggano? Oh come on, she's not your type dahil ako ang type mo at tayo pa rin hanggang ngayon." pagpipilit ni Hicarry at akmang lalapitan kami pero nahinto siya dahil sa malakas na tawa ni Harvey.
Baliw na dre?
Lumuwag yung pagkaka-akbay niya sa akin kaya nakakuha ako ng pagkakataon para matanggal yung kamay niya at maka-layo kaso ang bilis amputs. Inakbayan ako ulit.
"Not so fast." Bulong niya.
"Babaerong supot." bulong ko din sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin at naramdaman ko yung paghigpit ng akbay niya. Kulang nalang i-headlock niya ako. Tumingin siya kay Hicarry at seryoso na yung mukha niya.
"What are you talking about, Hicarry? I'm sorry pero 3 days na tayong break."
"That's not true dahil hindi ako pumayag sa break up natin remember?" pagmamatigas ni Hicarry.
Lahat ng estudyanteng naka-kalat sa hallway ay nakapalibot na sa amin. May mga nagsilabasan pa sa classrooms nila.
Bakit ba kasi ako nadamay dito??
"Sorry, pero break na tayo wether you like it or not." pagtatapos ni Harvey sa usapan.
"You s**t! Mang-aagaw ka!" biglang sigaw ni Hicarry at galit na galit na sumugod sa amin.
Na-alarma ako kaya hindi ko namalayang nakawala na ako sa akbay ni Harvey at malakas siyang itinulak pasalubong kay Hicarry.
Napa-aww yung mga estudyante sa paligid nang matumba sa sahig yung dalawang letter H ang pangalan.
Napatakip ako ng tenga dahil sa high pitch na boses ni Hicarry.
"You biiiiitch! Humanda ka sa akin! Harvey, get off me! Ang bigat mo!" .
Agad tumayo si Harvey at ang sama na agad ng tingin sa akin. "Bakit mo ako tinulak?"
Na-itikom ko yung bibig ko para pigiln yung tawa ko sa itsura niya. Lumalaki na kasi yung butas ng ilong niya sa galit.
"You b***h! You ruined my shoes!" mangiyak-ngiyak na si Hicarry habang hawak-hawak yung sapatos niya at pilit na ibinabalik ang naputol na takong.
Nag-ring na yung bell kaya agad kong hinila si Cassidy paalis sa eksena nung dalawa na nakakarindi.
Saved by the bell!
"Kerr!" tawag sa akin ni Harvey. Gusto ko siyang balikan para isigaw sa mukha niyang "AYA" ang itawag sa akin dahil ayaw na ayaw ko ang "Kerr"!
Nakarating na kami sa first floor at hinatid ko muna si Cassidy sa classroom nila.
"Wag mong itsi-tsismis kay Natalie yung nangyari sa taas ah." Paki-usap ko kay Cassidy.
Tinignan niya akong ng nanunuksong tingin. "Aye, aye! New Girlfriend!" Sagot niya at tumakbo pa-pasok sa loob ng classroom nila.
Ang sarap niyang batukan!
Mabuti nalang wala talaga si Natalie kanina kasi kung sakaling nandoon siya panigurado may pictures na ako. Naka-akbay pa man din sa akin si Harvey. Kadiri!
Humanda talaga sa akin yang babaerong supot na yan. Babatuhin ko ng maraming bato yung bubong ng bahay nila kahit Three story house pa ito. Wag na wag lang siyang magkakamaling bumili ng tinitindang balat at isaw ni Lola mamayang hapon kung ayaw niyang siya ang ihawin ko.
Bumalik na ako sa classroom namin at nanunuksong tingin ni Trianne at Emery ang bumungad sa akin. Huwag nilang sabihing?
"New-" sambit ni Trianne.
"-Girlfriend." Dugtong ni Emery at sabay silang ngumiti ng mapang-asar.
***