CHAPTER 6

2598 Words
CHAPTER 6 - NATALIE BECKETT and Lestoy. Natalie's POV "Natalie, sorry na." suyo sa akin ni Cassidy. The classes are over at naka-upo ako sa desk ko habang isini-silid yung notes ko sa bag samantalang siya ay naka-sandal sa table ko habang sinusundot-sundot yung pisngi ko. "Stop." suway ko sa kanya. She stopped and pouted her lips. Sinamaan ko siya ng tingin."Next time, i-check mo muna yung schedule mo kung available ka o hindi bago ka magdecide." "Nakalimutan ko talaga na may meeting yung Club namin. Sorr-" "Cassidy, halika na. Male-late na tayo." Putol ni Carla sa sasabihin niya. Pareho silang nasa Arts Club at balita ko strict yung Advisor nila. Nagpalipat-lipat ng tingin si Cassidy sa amin ni Carla, natutuliro kung sinong uunahin. I sighed. "Sige na. Baka ma-late pa kayo. You're the President so be responsible on your position." Bigla siyang nabuhayan. "Bati na tayo?" Tumango ako at tumayo na sa upuan ko. "Mauna na ako. Para maka-uwi ako agad." "Sige, ingat ka ah. Sasamahan kita sa susunod. Promise!" then she raise her right hand. Diba dapat left hand yun? "Ingat ka habang naglalakad pauwi. Sabay na kayo ni Eriol kung tapos na din classes niya." Bilin ko sa kanya. "Isang malupet na yes!" Tugon niya wearing her sweet smile. I also smiled at her and left the room. Pinaki-usapan ko si Cassidy kanina before mag-start yung P.E. Class namin na samahan niya ako sa bahay nila Haddaway at pumayag siya pero at the last minute ay may meeting pala sila ngayon sa club nila. Umasa pa man din ako. Kung ayain ko kaya si Trianne? Kaso baka may practice sila sa Theater club. Si Aya kaya? Kaso baka may practice din panigurado yun. Taekwando Athlete kasi siya at pambato din ng School. How about Emery? I grabbed my phone and texted her. To: Clarus  Ems, nakauwi kna? Samahan mo nman ako. Nag-reply siya agad. Ang bilis ah? From: Clarus Sorry. Nagka-emergency sa bahay kaya umuwi ako agad after our last subject. To: Clarus Aw, sige oks lng, ingat ka. Thanks. I sighed after sending my reply. No choice, solo flight ako. Absent naman kasi ng absent itong si Haddaway. Ako tuloy yung nai-istorbo. Kinuha ko yung half sheet of paper kung saan naka-sulat doon ang address ni Haddaway. Malapit lang pala sa subdivision namin yung lugar nila. Lumabas na ako ng School at pumara ng taxi. Sisingilin ko si Sir Yomoda bukas. Na-istorbo na nga, abonado pa ng pamasahe? I'm a class president and not a sponsor. Ibinigay ko kay Kuya driver yung address at umalis na kami. Ibinaba ako ni Kuya Driver sa isang modern black gate at may nakapaskil na Haddaway Residence. Katabi nito yung door bell kaya lumapit ako doon at pinindot yun ng dalawang beses. "f**k you!" Narinig kong sigaw sa loob kasabay ng malakas na kalabog. And after that, a guy suddenly stormed out the gate. Napakurap-kurap ako nang lagpasan niya ako. He didn't notice me and he looks so pissed. May mga galos yung mukha niya at may band-aid sa labi. "Anong kailangan nila?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at naka-dungaw sa maliit na parte ng gate ang isang mid-40's na babae. Tumikhim ako. "Pasensiya na po sa istorbo. From Westdale High po ako at inutusan po ako ng Class Adviser ko na ibigay po ito kay Matt Lester Haddaway." Ini-angat ko sa harap niya yung kanina ko pang hawak na brown envelope.  "Ay Ineng, kung si Lestoy ang hanap mo eh kaka-alis lang niya." nanghihinayang nitong sabi. Lestoy? Kaka-alis lang? You mean siya yung guy kanina? Hindi ko siguro siya nakilala agad dahil sa estado ng mukha niyang parang kaga-galing sa rambol. I guess, I have no choice but to left this brown envelope dahil ito naman talaga ang rason in the first place. Tumikhim ulit ako. "Ganun po ba? Pa-bigay nalang po ako nito sa kanya." Inabot ko sa kanya yung brown envelope. "At pinapasabi po ng Class adviser namin na pumasok na siya bukas dahil two days na siyang absent." Dagdag ko kahit wala naman sinabi si Sir Yomoda. Ayoko na kasing bumalik dito. Kinuha niya naman ito. "Sige, Ineng. Ibibigay ko sa kanya ito pagbalik niya." Nginitian ko siya. "Thank you po. Alis na po ako." Nginitian niya din ako. "Ingat ka, Ineng." I smiled again at saka tumalikod paalis. Maglalakad nalang ako pauwi since malapit lang yung subdivision namin dito sa lugar ni Haddaway. Habang naglalakad ay napansin ko ang isang grupo ng guys na naninigarilyo sa gilid ng kanto at mukhang malalim ang pinagu-usapan. Lumingon yung isa sa gawi ko at napansin ko yung senyas niya sa mga kasama niya kaya lumingon din ang mga ito sa gawi ko. Dahil tinatamad na ako at uwing-uwi na ay patay malisya akong naglakad sa harap nila. Ramdam ko yung tingin nilang naka-sunod sa akin. Napa-hinto ako nang may humarang sa daan ko. "Mukhang nag-iisa ka cutie pie?" naka-ngisi ito at amoy na amoy ko yung usok ng sigarilyo sa kanya. May piercing ito sa labi at dahil naka-tank tops siya ay kitang-kita ang kanyang lizard tattoo sa kanang braso. Why the tattoo looks so familiar? Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad kaso ramdam ko yung kamay niya sa likod ko na hahablutin yung backpack ko kaya mabilis ko siyang hinarap at tinapik yung kamay niya. Kita yung gulat sa mukha niya. "Mabilis." komento nung isang guy with a lizard tattoo din at mabilis nitong pinitik yung upos ng sigarilyo niyang papunta sa akin na iniwasan ko agad. Kita din yung gulat sa mukha niya. Actually, lima sila. The two tattooed guy and the other one looks older than me and the two behind them looks like teenagers at naka-ball cap pa yung isa kaya di kita ang mukha niya. Since the two are still in shock, I take the chance to escape from them but the other older guy stopped me by grabbing my left arm. "Bitiwan mo ako." piglas ko at sinamaan siya ng tingin. "Matapang." komento din niya at hinigpitan ang hawak sa braso ko. Hinatak niya ako pabalik sa kasamahan niya at itinulak ako sa naka-ball cap na guy. Mabilis niya akong sinalo at nakita ko yung mukha niya. The ball cap guy is...Haddaway? Naka-hawak siya sa dalawang balikat ko bilang suporta. Kumunot yung noo niya."You look familiar." bulong niya. 'Malamang, classmates tayo eh' yan ang gusto kong sabihin sa kanya kaso tinamad ako. "Gecko, kunin mo yung bag ni Cutie pie." utos nung tank top guy doon sa humablot sa akin. Gecko pala name niya? and Holdap ba 'to? When I felt his presence of at my back, I immediately bent my knees to get away from Haddaway's grasp. My left hand hold on the ground to balance my self and hardly kicked Gecko's legs that caused him to fell on the ground. As if on cue, I take again the chance to escape and run as fast as I can dahil yung iba ay hinabol ako. Natatanaw ko na yung subdivision namin. Lumingon ako sa likuran ko at natatanaw ko yung tatlo na medyo malapit na sa akin. Shit! Hindi ako pwedeng pumasok sa Subdivision dahil malalaman nilang doon ako nakatira. May pagkamadaldal pa man din yung naka-duty na guard sa entrance. May natanaw akong eskinita at pumasok doon dahil kailangan ko muna silang iligaw. Base sa mga pinapanood ko ay sa trash bin nagtatago yung mga hinahabol kaya wala naman problema kung gagayahin ko diba? I'm in a state of urgency! May nakita akong basurahan pero walang trash bin! Habang tumatakbo ako ay nag-isip ako ng pwedeng pagtaguan. Lumingon ako sa likuran ko at bumagal yung takbo ko hanggang sa huminto ako. Wala na sila? "s**t! That was so clos-mmmm" Biglang may tumakip sa bibig ko at hinili ako sa isang medyo masikip na parte. Isinandal niya ako sa pader habang naka-takip pa rin yung kamay sa bibig at ilong ko. Haddaway?  "Sshhh..." senyas niya sa akin at agad naman akong tumahimik kahit gusto kong magreklamo dahil sa amoy sigarilyo niyang kamay. It's almost sunset kaya unti-unting nababawasan yung liwanag sa parte namin at dumidilim na dito. May naririnig akong yabag papalapit sa gawi namin at nalipat doon ang atensyon ko. Papalapit ng papalapit yung yabag hanggang may huminto sa tapat namin. Nanlaki yung mata ko dahil si Gecko yung tumambad sa amin at nakatalikod. Uusog sana ako para lumayo pa kaso pinigilan ako ni Haddaway at sinenyasan akong huwag gawin iyon dahil maririnig yung kaluskos ko. "Ano nahabol niyo ba?" "Taena, tinakasan tayo." "Pucha, Pre. Nag-short cut na kayo hindi niyo pa rin naabutan?" "Nasaan si Lester?" "Hindi ko alam. Nauna yung gago dito sa akin eh." Nilipat ko yung tingin ko kay Haddaway na naka-tingin na pala sa akin. He looked away nang taasan ko siya ng kilay. "Baka nasa dulo, puntahan natin." Naka-hinga ako ng maluwag nang mawala na sila sa tapat namin. Tinanggal na ni Haddaway yung pagkaka-takip sa bibig ko at lumayo sa akin para silipin yung mga kasamahan niya. "Wala na sila." Sambit niya habang nakatanaw sa dinaanan ng mga kasama niya. "Umalis ka na dito." Pagka-sabi nito ay inayos niya yung ball cap niya at na bahagyang natatakpan yung mukha niya at walang lingunan niya akong iniwan. ***** Naka-uwi na ako sa bahay at hini-hingal na tinahak yung kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ay patalon akong dumapa sa kama. Hindi pa nakaka-uwi sina Mommy at Daddy tapos si Kuya Nash malamang naka-duty pa. Si Kuya Nale naman panigurado nasa Resto pa. Actually tatlo lang kaming magkakapatid at ako yung bunso. 10 years ang gap ko kay Kuya Nash at 6 years naman kay Kuya Nale. Si Manang Sinta lang ang sumalubong sa akin dito sa bahay at gulat na gulat siya sa itsura ko. Para daw akong tumakbo ng mabilis dahil taeng-tae na. Nang kumalma na yung katawan ko ay bumangon na ako sa kama para maligo. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Ngayon lang ako sinipag uminom dahil tinamad ako pagkadating ko. Binuksan ko yung fridge at hindi nakawala sa paningin ko yung isang box ng cupcake. May kasama pa itong note. To my one and only Princess. I smiled. Mommy baked cupcakes for me. Sinilip ko yung loob ng box and it has 6 pieces. Kinuha ko yung box of cupcakes sa fridge at dumeretso sa dirty kitchen para bigyan si Manang Sinta. "Manang Sinta, cupcake po." Inabot ko sa kanya yung isang piraso habang naghihiwa siya ng gulay pang-sahog siguro sa dinner namin. Si Manang Sinta ang all-in-one kasambahay namin at matagal na siyang naninilbihan sa amin. Siya din ang alalay ni Mommy na nag-alaga sa akin noong baby pa ako. Tumigil siya sa ginagawa at kinuha yung cupcake."Naku, Salamat." "Kumain na po muna kayo bago niyo ipagpatuloy yan." Tatalikod na sana ako ng magsalita siya. "Oo ngapala, Natty. May napansin ka bang itim na kotse sa labas nung dumating ka?" "Wala naman po. Bakit po?" Nagtataka kong tanong. "Kaninang tanghali kasi may humintong itim na kotse sa tapat ng bahay natin. Akala ko nga bisita kaya sinilip ko sa gate kaso wala namang bumababa sa kotse. Hinayaan ko nalang." "Nagtagal po ba siya ng stay sa labas?" "Oo kasi sinisilip ko kada oras eh." "Baka naki-park lang sa tapat Manang Sinta." Tumango-tango siya. "Baka nga. Oh siya, umakyat ka na sa kwarto mo at baka may assignment ka pang gagawin. Tumawag yung mga magulang mo, pauwi na daw sila." "Sige po." Sagot ko at bumalik na sa kwarto. Nilapag ko ung box of cupcakes sa study table ko at kinuha yung phone sa bag kong nasa kama. Mabuti nalang mabilis ako kanina kung hindi na-holdap na ako. But, I can't believe that Haddaway is with them. Balita ko, Doctors yung parents niya then why He's doing such an act? Nagrerebelde ba siya? O dahil sa influence ng friends niya? Well, ano nga bang paki ko? Sana pumasok na siya bukas para hindi na ako utusan ni Sir Yomoda na puntahan ulit siya. Bumalik na ako sa study table at umupo sa swivel chair. Binuksan ko yung laptop ko and its...back-up time! I remember Misa's situation kanina sa Juniors Building. I have a hunch na hindi siya magkakaroon ng haters dahil kay Theo kundi kay Calix na isang celebrity Teen Star at malawak ang fan base.  Wala naman akong paki-elam sa situation nila basta wag lang nila kami, ng mga kaibigan ko and I already include Jaxx, na guluhin sa magulo na naming buhay sa school because secrets will be revealed in a moment. Kinuha ko yung isang cupcake at sinimulang kainin. Habang hinihintay matapos yung transfer of files ko ay naglog-in muna ako sa f*******:. I smiled when I saw a notification. Taner Jaxx Devilla accepted your friend request. Sinipag akong I-add siya sa sss while I'm on my way to Haddaways. I stalked his profile. Walang masyadong feeds. More on shares lang. Si Lupin III pa yung profile picture niya. Lalakeng-lalake ah. Kumuha ulit ako ng cupcake dahil naubos ko na yung nauna. I left Jaxx profile at tumambay nalang ako sa newsfeeds ko. While scrolling, napansin ko sa bandang right side ng screen ko yung pag-online ng hindi ko inaasahan. Si Harper! Mabilis kong inopen yung chatbox at magta-type na sana kaso biglang nagpop-up yung message ni Emery. Emery Carrington: It's me. Nalaglag yung cupcake sa bibig ko na kanina ko pa kagat. Natalie Beckett: Hinacked mo account ni Harper? Emery Carrington: Yup. Natalie Beckett: Kainis ka akala ko siya na eh. Emery Carrington: Sorry, I just want to check her old convos to have a hint. Hanggang ngayon ba naman, nagi-imbestiga pa rin siya sa nangyari kay Cassidy at pagkawala ni Harper. It's been two years. Natalie Beckett: So may nahanap ka naman ba? Emery Carrington: Yes Magta-type na sana ako kaso... Emery Carrington: And It's juicy just like our schoolmates secrets. Natalie Beckett: Anong ibig mong sabihin? Emery Carrington: I'll show it tomorrow. I need to logged out her account now baka mahuli pa ako. Natalie Beckett: Okay. At pagkatapos ay nag-offline na yung Account ni Harper. I messaged Emery again. Natalie Beckett: Show to us except Cassidy. Baka hindi niya kayanin at biglang sumakit ang ulo. Emery Carrington: Noted. Naglog-out na ako dahil tapos na ang  pagtransfer ng files ko sa laptop. Sinarado ko na yung laptop ko at kinuha yung cupcake na nalaglag sa floor at sinubo yun lahat.  Grasya ang pagkain kaya wag sayangin. Tumayo ako at humiga sa kama ko. Nakatulala lang sa kisame. Ako din, gustong-gusto ko rin magimbestiga at tulungan si Emery dahil may kutob na ako kung sino ang salarin. Nang dahil sa kanya, nasira yung pangarap naming banda. Nandoon na kami eh, nakilala na kami. Kaso...nasira lahat ng yun. Nilingon ko yung gitara kong nakapatong sa single sofa. Bumangon ako para kuhanin yun at umupo sa single sofa. I started to strum and a flashback started to play in my mind. We, enjoying our band.  Trianne's singing. Cassidy's playfully beating the drums. Emery and I strumming our guitars. Aya's playing with the piano. And Harper...watching us from the stage while filming us. I hope Cassidy could also remember this flashback in her mind...with Harper. I stopped strumming when I heard a knock on the door. Ilalapag ko na sana yung gitara ko nang makapa ko yung naka-ukit sa likod nito. Prima I sighed. Itinuloy ko na ang paglapag sa gitara at tinungo yung pintuan. Naka-uwi na siguro sila Mommy. I open the door and I'm right.  "I miss my Princess." bumungad sa akin ang nanggigigil na yakap ni Mommy. "M-mommy h-hindi ako maka-hinga." pini-pilit kong kumawala sa kanya. "Oh I'm sorry anak." at niluwagan yung yakap niya sa akin. "Mommy naman, araw-araw naman tayong nagkikita eh." Reklamo ko sa kanya. "Eh sa nami-miss ko ang baby princess ko eh." ngumuso siya. Nasanay ako sa kaka-nguso ni Cassidy dahil kay Mommy. "Si Daddy?" changed topic ko dahil baka mag-drama nanaman siya.  Mommy is still treating me like a baby eh I'm already 16 years old! Yung pag-nguso niya ay napalitan ng ngiti. "Nasa Dining na siya. Tara, dinner is ready." At hinila na niya ako papuntang dining area. Sa totoo lang, wala na akong hihilingin pa pagdating sa pamilya dahil sa kanila palang, busog na ako sa pagmamahal. *** A/N: Thank you for reaching this Chapter. I attached at the top yung pinupusuan kong portrayer ng Beckett siblings. (Credit to the owner of the photos.) I'm done for Natalie's POV for now. Sana na-enjoy niyo yung company niya pati  na rin ni Cassidy. Next is Ayanna Kerr D'Alleva.  Ngayon palang humihingi na ako ng paumanhin kung may mga grammatical errors po sa writings ko. I'll try to fix it. Salamat! Regards, LuLu
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD