CHAPTER 5 – NATALIE BECKETT and her Paparazzi ways!
Natalie's POV
I still can't believe. Bumigay na talaga si Jaxx.
Well, He is now part of our group dahil si Emery na mismo ang nag-offer sa kanya na sumabay siya sa amin every lunch time at ito ang first time namin na magkaroon ng bagong mukha sa grupo namin. How I wish Harper is also here para makilala niya si Jaxx.
"Nakita ko pina-iyak nila si Jaxx sa Canteen."
"Baka may nagawa siyang mali sa kanila."
"Balita ko bakla si Jaxx kaya siya binu-bully sa Section nila."
"Talaga? Sayang naman."
Hindi ko na tinuon yung atensyon ko sa mga naririnig ko sa paligid habang dumadaan kami sa hallway. After ng drama kanina sa canteen, ipinagpilitan ni Cassidy na ihatid namin si Jaxx sa room niya na nasa second floor ng Senior's Building. Naka-tungo lang si Jaxx at hinahayaan yung mga bulungan. He's also a Senior at nasa Section 5 siya.
"Kalat na pala ditong bakla siya." bulong sa akin ni Aya habang naglalakad kami. Hindi ko siya sinagot dahil kakaiba ang feeling ko sa lugar na ito.
This is actually our first time na umakyat dito sa second floor dahil sa first Floor ang room ng Section 1 at 2. Kaka-iba rin yung vibes dito, it feels like your not welcome because of the glares that we get.
"Hi, Trianne." bati ng isang lalake kay Trianne. She gave him a small smile. The guy blushed.
"Lakas ng karisma mo, Marei." Aya teased. Trianne Marei just flipped her hair.
Nakarating na kami sa room ng IV-5 (Fourth year-Section 5). Huminto kami sa back door ng room.
Jaxx sighed and look at us. "Thank you."
"Saan ang desk mo?" usisa ni Cassidy habang sumisilip sa loob ng room. Hindi sumagot si Jaxx.
Nagulat kami dahil biglang pumasok si Emery sa loob ng room at dumeretso sa isang table na may mga kalat na naka-patong doon. Napa- "O" yung labi ko. Akala ko sa mga movies at series lang nangyayari ang mga ganito.
"b****y Hell!" mura ni Trianne at sumunod kay Emery.
"Sandali lang." natatarantang pigil ni Jaxx pero hindi na niya naabutan yung dalawa. Wala ng sabi-sabi at pumasok na rin kami sa loob.
Tumahimik yung ibang mga Classmates ni Jaxx at ang sama ng tingin sa amin.
"Anong ginagawa nila dito?"
"Nagsumbong yata si bakla."
"Akala mo kung sinong mga hari-harian dito sa School."
I looked at the girls na nagka-kumpol sa gilid. Tumigil sila at kunwaring may ginagawa.
"Taena." - Aya
"Pakshet na malupet." - Cassidy
I heard them say when they saw the desk.
"Shit." I almost whisper when I saw it too. There are wrappers of junk foods, crumpled papers on top of the desk and... vandals.
Bakla
Nakakadiri ka.
Nakakahiya ka.
Isa kang salot.
Go to hell.
...and many more.
"Come to Senior Building, Section 5. Now!" galit na sabi ni Trianne using her british accent at binaba yung phone niya. "Nats, take a picture of this f*****g desk ." utos niya.
I immediately get my phone and took a picture of the messy desk in different angles. "Done." I told her.
"This is obviously your desk." she looked at Jaxx. "Kelan pa 'to?"
He didn't answer. He's just looking at the floor.
"So you're not gonna answer?" Trianne raised her voice. Nai-irita na.
Bakit sila ganito sa kanya? Anong masama sa pagiging bakla? Tao din naman at may feelings sila. Hindi naman nila ginusto na may puso silang babae eh. Anong masama doon?
Pero, na-iinis ako kay Jaxx. Why He's not fighting for his right or atleast do anything to give him respect?
"H-hayaan niyo na. Mapa-pagod din sila." mahinang sagot niya.
"Hindi naman ata tama yan." hindi sang-ayon ni Aya. Sounds so pissed.
Lumapit si Cassidy sa kanya. "Jaxx, kelan pa nila ginagawa 'to? Bakit 'di ka nagsusumbong sa mga Teachers?"
Tumingin siya dito. "Wala namang magbabago kung magsusumbong ako eh."
"But atleast you should have tried." Sabi ko.
"I did." mabilis niyang sagot at tumingin sa amin. "Pero may nagbago ba?"
I saw pain in his eyes. A pain that is hoping for...cure.
"I can't believe this." Trianne said with dismay.
"Is there any problem here?"
All of us in the room look at the door and Ma'am Diane Guterrez, our Guidance Councelor, came in. The half Spanish and Half Filipino Secret Secretary of Trianne and her sister Maiane in this School. Ka-age lang niya si Kuya Nale which is 6 years older than us.
"Mira lo que paso aqui, Miss Diane." Trianne looked at her pointing angrily at the desk. (Translation: Look what happened here, Miss Diane)
Trianne is now talking to her in Spanish so no one can understand them.
"Por qué?" Ma'am Diane looked confused and walk towards the desk. "Quien hizo esto?" (Translation: Why? Who did this?)
"No quiero que esto vuelva a pasar" Trianne said with authority. "Volveré a hablar contigo después de mis clases." (Translation: I don't want this to happen again. I'll talk to you again after my classes.)
"Bien, esperaré en mi oficina." tumango si Ma'am habang binabasa yung mga vandals. (Translation: Okay, I'll wait in my office.)
"Marei, papalit mo na din yung table. Nakaka-trigger yung vandal eh. You know what I mean." suggest ni Emery.
"Wag niyo ng palitan, okay lang ako." tanggi ni Jaxx.
Hindi na napigilan ni Aya at binatukan na siya sa ulo. "Kanina pa ako nangi-gigil sayo. Isa pang tanggi mo."
Hinimas ni Jaxx yung ulo niya. "Kahapon ka pa ah." bulong niya at kami lang ni Cassidy ang nakarinig.
Based on the story, sinuntok siya ni Aya kahapon tapos binatukan naman ngayon.
Lumapit si Trianne kay Ma'am Diane at may sinabi dito. Tumaas yung kilay ni Ma'am sa kanya pero napalitan ng pag-aalala kalaunan at tumingin kay Jaxx.
"Mr. Devilla, come with me. You're excuse on your next subject." sabi ni Ma'am at hinila na si Jaxx palabas ng room.
"Let's go." aya din ni Trianne at sabay-sabay na kaming naglakad. We were about to go out of the room nang may nagsalita.
"Kaya siguro hindi kayo nasu-suspend dahil may kapit kayo sa Guidance."
Hindi na sana namin papansinin kaso si Cassidy pinatulan pa.
"Bakit naman kami masu-suspend?"
"Sa dami ng offense niyo, bakit hindi?" Another guy said.
"What are these offenses?" pumatol na din si Trianne.
"Offense niyo, hindi niyo alam?" Sabat ng isang girl.
"Itatanong ba namin kung alam namin?" isa pa itong si Aya.
Nagbuntong hininga ako at tinignan yung wrist watch ko. 10 minutes before our next subject. Baka ma-late kami nito.
"Si Jaxx nga pina-iyak niyo sa canteen." bwelta naman ng isang girl.
"Shut up. You don't know the whole story, dimwit."
I guess kailangan na talaga namin umalis dahil si Emery na yung sumagot. Sa aming anim na magka-kaibigan, siya ang pinaka-ayaw naming magalit. She's a silent killer!
"Let's go. Male-late na tayo." anyaya ko na sa kanila at bahagyang itinulak silang apat palabas ng room.
"Shut up. You don't know the whole story, dimwit." pangga-gaya ni Aya kay Emery. "Takte, Ems. Ang astig nun."
"Gusto ko din ng ganun, Emery. Turuan mo ako." excited na sabi ni Cassidy at inakbayan si Emery.
"Ang alin doon? Yung pagiging dimwit?" natatawang sabat ko.
Inirapan niya ako. "Si Emery ka-usap ko." at nauna na silang bumaba sa hagdanan pababa sa first floor.
"I'll see you later, Babe." parang kinikiliting sabi ng kasalubong namin sa hagdanan. Paakyat sila ng second floor.
"Okay, Babe." sagot ng Guy and guess what? It's Theo. Kinurot niya pa ng mahina yung pisngi ni girl na parang lintang naka-kapit sa kanila.
"PDA, Amputs!" bulong ni Aya. Disgusted.
'Babaero kamo' yan ang gusto kong sabihin kaso tinamad ako. After kay Misa from Junior, sa Senior naman ngayon. Tsk, kawawang Misa.
*****
"Go, Cassidy!" cheer ko kay Cassidy na seryosong umiiwas sa bola.
Nandito kami sa Gym for our P.E. Class and we are playing dodgeball. I'm already out of the game dahil tinatamad akong tumakbo. Ka-team ko ngayon si Cassidy at siya ang aming pambato. Siya nalang kasi ang na-iwan sa gitna. Goodluck sa other team dahil dodgeball is Cassidy's thing.
We are so busy cheering when one section from Juniors came to the gym. They are wearing P.E. uniforms. I guess sila ang makaka-sabay namin sa Gym.
Nahagip ng mata ko yung familiar faces. It's Misa and Calix. So they are classmates and seems so...close? Kung saan kasi pumunta si Misa ay sumusunod si Calix.
Ibinalik ko na yung atensyon ko kay Cassidy na sa halip na mapagod ay nage-enjoy pa.
"Magpatama ka na, Cassidy! Pagod na ako kakahagis ng bola." reklamo ni Jasper at ibinato sa kanya yung bola pera dahil mabilis si Cassidy. Naiwasan niya ito agad.
"Huwag kang makikinig diyan! Go Cassidy!" cheer ni Marissa. Ka-team namin.
Natatawa na kami kasi hindi talaga matamaan ni Cassidy.
"Ano ba! Sinabi ko ng tama na eh!"
Natigilan kaming lahat dahil sa umalingawngaw na boses sa loob ng gym.
Lahat kami ay nalipat ang atensyon sa Juniors. Naka-indian seat sila pero may isang nakatayo. Si Misa...and she's glaring at Calix. Bigla siyang tumakbo palabas ng gym.
"Cassidy, you're out!" agaw atensyon ni Sir Policarpio, our P.E. Teacher. "The ball is touching your foot."
Lahat kami ng classmates ko ay tumingin sa bola na nasa tabi ng paa ni Cassidy. Nanlumo kaming mga ka-team niya. Na-lingat lang kami, na-out na siya bigla.
"Yes! Kayo naman ang taya." sigaw ni Rasty sabay suntok sa hangin.
Mangiyak-ngiyak na lumapit si Cassidy sa akin. "Madaya sila." sumbong niya.
Natawa nalang ako sa itsura niya.
*****
"Tara, shower na tayo." yaya sa amin ni Nida after ng P.E Class namin.
"Pinagpawisan ako sa laro natin." dagdag ni Carla habang pinupunasan ng pawis yung noo niya.
"Mahuli, pangit!" sigaw ni Antonette at na-una na sa amin sa shower room ng Gym. All of the girls on our class run towards the Ladies shower room. Kahit alam kong maganda ako, naki-takbo pa rin ako pero sa kasamaang palad ay ako pa rin ang nahuli.
"Si Natalie ang pangit." tudyo ni Cassidy. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumuso siya at lumapit kay Marissa. "Ang sama ng tingin sa akin ni Natalie." sumbong niya.
Nagtawanan tuloy sila.
Kahit kaliwa't kanan ang rumors sa amin ni Cassidy at kinatatakutan pa ng lower years ay hindi pa rin iba ang pakiki-tungo ng mga classmates namin sa amin. Sabi nga ni Sir Yomoda, sa lahat ng Seniors, yung section namin ang may pinaka-matatag na unity. And guess what? Dahil daw sa kanya. Pwe!
Natapos na kami sa aming kaartehan at pabalik na kami sa Senior Building. Na-una na yung boys kaya nagmamadali kaming bumalik sa room dahil may next subject pa kami.
Napa-hinto kami dahil may narinig kaming malakas na kalabog sa Juniors Building. Katabi lang kasi ito ng Gym kaya madadaanan siya kapag pupunta kang Seniors.
"Ano yun?"
"Parang galing sa Ladies CR ng Juniors."
"Silipin natin."
"Tara na, baka ma-late pa tayo."
"Saglit lang, parang may sumisigaw."
"Silipin na kasi natin."
"Saglit lang ah."
Dahil na-intriga din ako ay sumunod ako sa kanila. Kumapit si Cassidy sa braso ko at may binulong. "Parang boses ng babae kanina sa gym yung sumisigaw sa CR."
Bilib din ako sa pandinig ng bruhang to, ang bilis maka-alala ng boses. Kung boses kaya ni Harper ang iparinig ko, maa-alala niya kaya?
"Sigurado ka?" paninigurado ko. I guess si Misa yung tinutukoy niya.
Tumango siya. "Pareho yung pitch eh."
Kunsabagay, sumigaw si Misa kanina tapos sumisigaw pa siya ngayon.
Habang papalapit kami sa CR ay lumilinaw yung isinisigaw nito.
"Buksan niyo ito! Palabasin niyo ako dito!"
Nadatnan namin yung tatlong Juniors na nagtatawanan sa labas ng CR at nakaka-kapit ng mahigpit sa door knob para hindi mabuksan.
"Hoy! Anong ginagawa ninyo? Isusumbong namin kayo sa Guidance." sita ni Antonette sa kanila.
Binitiwan nila yung door knob at biglang tumakbo. Kumalampag yung pintuan.
"Buksan niyo ito!" sigaw ulit ng nasa loob.
Dali-dali namin itong binuksan at bumungad sa amin si Misa.
"Sabi ko na nga ba, siya yun." kumpirma ni Cassidy. Oh edi siya na ang magaling sa Voice recognition.
"Okay ka lang Miss?"
"Bakit ka nila kinulong?"
"Ang salbahe naman nila."
Usisa ng mga classmates ko. Pinasadahan ko ng tingin si Misa and she looked okay naman. Hinintay lang siguro siyang mag-CR saka siya sinaraduhan ng pinto.
"Tara na. Male-late na tayo." anyaya ko sa kanila. Ako ang Class President at ayaw kong mapagalitan.
"Thank you." Mahinang sabi ni Misa.
"No worries."
"Sa susunod magdala ka ng kasama mo."
"Oo nga. Para may bantay ka."
Ngumiti lang si Misa at tumango sa amin.
Umalis na kami at nagpatuloy na papuntang Senior's.
Pagdating namin sa room ay may mga sumisilip na ibang students sa magkabilang pinto ng room namin. Wala pa siguro yung Teacher namin kaya naka-dumog sila sa pinto. Pina-una ko na yung mga classmates ko sa loob at nagpahuli ako. Class President ako kaya kailangan ko silang paalisin dahil ofcourse ayaw kong mapagalitan.
"Ang gwapo pala talaga niya sa personal."
"Hindi lang gwapo kundi talented pa."
I rolled my eyes. Mga Fangirls pala ang mga ito. Pati Freshman, Sophomore at Juniors nandito.
Sinundan ko yung tinitignan nila.
Tsk. Si Zedrick lang pala na pasimpleng mina-masid si Cassidy na busy sa pagligpit ng gamit niya.
Kaninang umaga pa 'to. Is He studying my friend?
"Sayang wala si Matt Lester. Gwapo din yun eh."
"Ang lakas kaya maka-bad boy. Nakaka-inlove."
Tumikhim ako para lumipat ang atensyon nila sa akin.
"Please leave. Magsisimula na ang klase namin." Taboy ko sa kanila.
Natakot yung Freshmans, Sophomores at Juniors kaya umalis sila agad samantalang yung natitirang Seniors ay sinamaan muna ako ng tingin bago umalis.
Pumasok na ako sa room dahil na-itaboy ko na ang dapat itaboy. Ang hirap talaga kapag may gwapo sa klase mo. Dinudumog yung room niyo.
Nakaka-stress maging Class President!
***