CHAPTER 4 - NATALIE BECKETT
Natalie's POV
"Kuya dito mo nalang ako ibaba."
Bumagal yung takbo ng Vintage Mercedez Benz ni Kuya Nale at tinabi sa gilid ng kalsada. Hinahatid niya ako sa School every morning before siya pumasok sa Le Beckett Cuisine. Siya na ang Master Chef doon ngayon dahil busy na yung parents namin sa iba pa naming business.
Hindi niya na ako tinanong kung bakit gusto ko ng bumaba dahil nakita niya rin yung nakita ko habang binabaybay namin ang daan papuntang School. Maglalakad nalang ako after getting what I want.
"Pagkatapos mo maki-tsismis Bunso, pumasok ka na sa School at baka ma-late ka pa." and then He smirked. "Pwede ka ng maging Paparazzi sa ginagawa mo."
I smiled while wiggling my eyebrows. "Exciting kaya 'to." Nilabas ko na sa bag yung phone ko at bumaba na sa kotse. "Ingat ka, Kuya!" paalam ko at sinara yung pinto. Bumusina si Kuya at saka umalis.
Since hindi ko dala yung DSLR ko, cellphone muna ang substitute ko na may mataas na Megapixel. Pasimple akong naglakad papunta sa eskinita at nagtago sa malapad na poste. I immediately check my camera settings to OFF the sound and the Flash. After that, I did what I wanted.
Taking photos of our prominent Student Council President kissing a girl.
Luminga muna ako sa paligid bago umalis sa pwesto ko at pasimpleng nagpatuloy sa paglalakad papasok sa School. While walking, I zoomed the photos at napa- "O" yung labi ko ng mapagtanto kung sino yung girl. It's Misa, the wallflower of Juniors.
Kapag nalaman ito ng School panigarudong dudumugin si Misa ng haters. Heartthrob kasi si Theo, our Student Council President.
Well, my hobby is taking photos of something that catches my interest at hindi ko ugali ang ilabas ito sa public pwera nalang kung may nagawa ka sa aking hindi ko nagustuhan.
You're secret's will be revealed the next day.
"Good Morning, Natalie!" tumambad sa akin si Cassidy pagka-pasok ko ng room.
"Good Morning." I greeted her casually. Umupo na ako sa table ko at inilagay sa bag ko yung phone. I'll transfer the photos to my laptop once I got home. Lagi akong nagbaback-up every night dahil delikado kapag hinayaan kong sa phone lang naka-store ang mga yun.
Sumandal si Cassidy sa table and looked at me. Smiling from ear to ear.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Ang saya mo ata ngayon?"
"Magkakaroon na ko ng Electric Drum Set!"
Sinsero ko siyang nginitian. "I'm happy for you."
"Oo ngapala, may malupet na chika ako sayo." kapagkwan ay dagdag niya. Napalitan ng seryoso yung mukha niya. "Grabe, ang daming ganap pagka-labas namin ng Resto niyo kahapon."
Na-intriga ako. "Bakit? Anong nangyari maliban sa katangahan mo kahapon?"
Sinamaan niya ako ng tingin. Natawa tuloy ako nang ma-alala ko ulit yung pagsalubong niya sa Glass door. Sa aming magkakaibigan siya yung 1st honor sa pagiging clumsy. At siyempre, isip-bata madalas, I mean, minsan. But, she's the friendliest.
She was about to say something nang pumasok sa room si Sir Yomoda. Di ko napansin na tumunog na pala yung School bell.
"Chika ko sayo sa recess." pahabol ni Cassidy at bumalik sa table niya. Sinundan ko siya ng tingin ng mahagip ng mata ko yung new student. He's name is Zedrick and he's looking intently at Cassidy. Ibinalik ko na yung tingin ko sa harap ng magsalita si Sir Yomoda.
"Good Morning, Students!"
"Good Morning, Sir!" we answered in unison.
Binuklat niya yung class record niya at nagsimula ng magtawag ng pangalan for attendance.
After 10 minutes...
Natapos na ang checking of attendance at isa sa amin ang absent.
"Two days in a row ng absent si Haddaway." bulong ni Sir Yomoda at sinarado yung class record tsaka tumingin sa akin.
"Ms. Beckett, go to the faculty room after my class." pagkasabi niya ay nagsimula na siyang magturo.
Nagbuntong-hininga ako. Heto nanaman tayo, panigurado uutusan akong puntahan yang si Haddaway.
Nakakapagod maging Class President!
*****
"Isusumbong kita sa Mommy at Daddy mo kapag hindi ka sumunod." pananakot sa akin ni Sir Yomoda.
I grinned. "Edi...sasabihin ko din kay Ma'am Hannah Yoon na type mo siya?" pagdidiin ko sa Fullname ni Ma'am Hannah.
Agad siyang luminga sa paligid ng Faculty room. Mabuti nalang at on-going yung mga klase kaya kami lang ang tao dito ngayon.
"Hindi ko nga siya type." tanggi niya gamit ang mahinang boses.
"In denial ka pa eh buking ka na. Tsk."
Pilit niyang sineryoso ang mukha at saka tumikhim. "Duty ito ng isang Class President."
"Duty yan ng isang Messenger at hindi Class President." pagtatama ko.
Hindi nga ako nagkamali, inu-utusan niya akong pumunta sa bahay ng Classmate kong si Haddaway after classes.
"Natalie..." sita niya sa akin. "Isusumbong kita kay Nale that your talking to me informally." pananakot nanaman niya.
I rolled my eyes. 'Edi magsumbong ka' gusto ko sanang isagot kaso tinamad ako.
Si Kuya Poll, I mean, si Sir Apollo Yomoda at Kuya Nale ay mag-Best Friend. Actually, tatlo sila. Dahil ang isa ay si Kuya Rockwell, pinsan ni Aya.
"Here." inabot niya sa akin yung modules ng lahat ng subjects.
Umakto akong nabigatan. "Ang bigat naman."
Tinaasan niya ako ng kilay ."Sige magpaka-OA ka. Isusumbong talaga kita." banta na niya. "Oh ito yung address niya." at inabot sa akin ang isang half sheet of paper. Tinanggap ko yun ng hindi binabasa.
Biglang bumukas yung pinto ng faculty at pumasok si Ma'am Hannah.
"Good Morning Ma'am Hannah." I greeted her.
"Good Morning." nakangiting bati din ni Ma'am Hannah tapos tumingin kay Sir Yomoda. "Good Morning, Mr. Yomoda."
Tumikhim si Sir. "Good Morning." he said calmly.
"Mauna na po ako, Sir. Baka nakaka-istorbo ako sa batian niyo." I teased.
He glared at me. "You can go now, Ms. Beckett."
"Bye, Ma'am Hannah." paalam ko kay Ma'am Hannah na busy sa pag-aayos ng notebooks sa table niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Bye, Ms. Beckett."
"Bye, Mr. Yomoda." I teased him again emphasizing the 'Mr.' and walked out the Faculty room bago niya ako kutusan.
Hindi ko maiwasan na pagtripan si Sir Yomoda kahit nasa School kami at Adviser ko pa siya. Close kaming anim na magka-kaibigan sa kanya dahil sa kanila nila Kuya Nale at Kuya Rockwell, Siya yung approachable at pala-biro pero pikon kapag siya naman ang inasar. Actually, ayaw ni Sir Yomoda na ipa-alam sa School na we know him dahil nahihiya siya. Bakit? Maloko kasi siyang tao sa labas ng School pero kapag nasa loob ay akala mo kung sinong napakaseryosong tao. Change of personality agad-agad.
Wala pa yung next subject teacher namin which is Physics, pagpasok ko sa room. Mabuti nalang at may 15 minutes interval ang bawat subject dahil kawawa naman ang mga Teachers sa pagpunta ng mga classrooms. May sariling building kasi ang bawat year at may Five Sections per year.
Aside from High quality education of Westdale, this school treat the students equally, I guess? Hindi kasi porket Bobo ka ay sa lower section ka na. No, it's not. They mixed the students in one section. I mean each sections have their own version of Geeks, wallflowers, jocks, hearthrobs, Celebrities, Bullies and ofcourse the Badass.
We called the First year as Freshman and the color of their neck ties are Green. Second year as Sophomore and the color is red. Third year as Junior and its blue. Lastly, Fourth year as Senior and the color is yellow.
Sinulyapan ko muna si Cassidy before umupo sa upuan ko. Busy siyang nagdu-doodle sa sketch pad niya. Kagat labi pa. Nagbilin si Kuya Nash na bantayan ko siya kasi in any moment baka bigla siyang maka-alala at magtamo ng concussion. She was diagnosed with Dissociative amnesia dahil hindi niya ma-alala kung anong nangyari noong na-kidn*pped siya at ang pinaka-malala sa lahat ay hindi niya ma-alala si Harper. One of our Best Friends and the one who was with her when the k********g incident happened two years ago.
Unfortunately, Harper is not with us right now and we don't know if where she is. The last time we saw her was two years ago. Before the incident happened. Before the issues and before we're still The AM!C!S.
*****
It's recess time at naghihintay ako sa Chika ni Cassidy na nangyari daw sa kanila pagkatapos nilang umalis sa Resto. Pero, ang bruha, wala sa table niya at hindi ko alam kung saan nagpunta. I guess umihi lang siguro yun. Wiwi girl kasi yun.
Magbabasa sana ako ng libro kaso tinamad ako kaya I get my phone and check the photo that I took this morning. I zoomed it again at napa- "O" ulit yung labi ko ng mapansing hindi lang pala si Theo at Misa ang nakuhanan ko kundi tatlo sila. Yung isa ay naka-silip sa isa ding malapad na poste at ang paningin ay deretso sa pwesto ko.
Shit! Someone saw me!
I zoomed the photo again para makilala kung sino man ito and I was shocked. It's Calix, the celebrity guy from Juniors. But, I guess, He doesn't saw my face dahil malayo yung pwesto niya.
"Natalie!"
"s**t!" Muntikan ko ng malaglag yung phone ko sa gulat dahil sa sigaw ni Cassidy na patakbo papunta sa pwesto ko.
"Alam ko na kung anong Year at Section ni Jaxx."
"Sinong Jaxx?"naguguluhan kong tanong sa kanya.
Natigilan siya. "Oo ngapala, hindi mo siya kilala." Lumapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko.
"Siya yung ichchika ko sayo. Si Jaxx yung muntikan ng masagasa kahapon sa tapat ng Resto niyo. Mabuti nalang at iniligtas siya ni Aya."
I looked at her with disbelief. "Talaga?"
Tumango siya and was about to say something nang nag-ring yung bell at kasabay ito ng pag-pasok ni Ma'am Jeca, our Filipino Teacher.
"Mamayang lunch na lang." Pambibitin ni Cassidy at pumunta sa table niya. Sinundan ko ulit siya ng tingin at nahagip nanaman ng mata ko si Zedrick na naka-tingin sa kaibigan ko.
What's wrong with this guy?
And wait? Masagasa? Yun ba yung tinutukoy ng isang staff namin kahapon? Na may muntik ng masagasaan sa tapat ng Resto? Nasa Kitchen kasi ako noong umalis sila kaya naging busy ako doon. Mabuti nalang at ligtas yung Jaxx kundi gagawa nanaman ng issue yung mga competitors namin. Ma-stress nanaman si Mommy at Daddy at isama mo pa yung dalawang Kuya kong saksakan ng Gwapo. Pwe!
"...Hanapin na ninyo ang inyong nais na maka-pareha."
I came back to reality when I heard the word 'pareha'. Nagsimula na pala ng class si Ma'am Jeca at hindi ko narinig yung una niyang sinabi.
May naramdaman akong presensya sa gilid ko.
"Partner tayo." She said.
I looked at her. "May choice pa ba ako, Cassidy?"
Ngumuso siya at umupo sa katabi kong table na bakante na pala.
*****
It's lunch break at naglalakad ako mag-isa patungong Canteen. Pina-una na ako ni Cassidy dahil nag-CR muna siya. Ang hilig kasi sa tubig kaya laging nai-ihi.
Nakarating na ako sa canteen and as usual, bulungan nanaman yung mga estudyante sa tuwing nakikita kami. Dapat kasi nabaon na sa limot yung issues namin noon kaso walang tigil yung mga Juniors sa pagka-kalat ng tsismis sa Freshman at Sophomores. Natatakot tuloy sila sa amin.
"Where's Cassidy?" tanong sa akin ni Trianne pagdating ko sa table namin. Since maraming aloof sa amin dahil sa badass image kuno ay sinulit nanamin. Sabi ni Aya panindigan nalang daw para marami kaming benefits. Like our table right now sa Canteen. Sakop-sakop namin yung pang-sampung taong table na maganda ang spot dahil tutok dito ang aircon at nasa bandang bintana pa.
"Umihi lang." sagot ko at umupo sa tabi ni Emery at Aya. Picnic style yung mga tables sa canteen kaya nasa tapat namin ngayon si Trianne. "Kanino tong salad?" kapagkwan ay tanong ko sa kanila.
"Mine." sagot ni Trianne then flip her hair.
Isa din ito sa benefits namin na hindi alam ng karamihan. May nagse-serve ng pagkain namin every lunch kaya uupo nalang kami sa table at lalamon ng libre dahil ide-debit nalang ito sa account ni Trianne. The truth is, Trianne's family is the owner of this School at kami lang ang nakaka-alam pati na ang Faculty. Lowkey lang si Trianne sa buhay, hindi nga rin halata na siya ang Heiress ng Ferucci's. Mapapa-lingon ka nga lang sa kanya dahil sa ganda niya.
"Oh ayan na si Cassidy. Teka, si Pogi ba yung kasama niya?"
Napa-lingon kami sa sinabi ni Aya. And guess what? Si Cassidy ay may kasamang lalake at nakapulupot pa yung braso niya sa braso nito. Medyo matangkad ito kay Cassidy. The guy looked so shy dahil yumuyuko ito sa mga nadadaanan nilang table.
"Is that Jaxx?" Trianne asked Aya.
"Takte, siya nga!" Aya confirmed. "Dito pala talaga siya nag-aaral."
I'm clueless about this Jaxx guy. Eh kasi naman, bitin yung chika ni Cassidy. Ang alam ko lang ay siya yung muntik ng nasagasaan. Lumapit na yung dalawa sa table. Napa-titig ako sa guy kasi He looks so cute.
"Upo ka." yaya sa kanya ni Cassidy at sapilitang pina-upo ito sa tabi ni Trianne tapos tinabihan niya ito. Nasa tapat ko na ngayon yung Jaxx. It's awkward dahil pinagtitinginan kami ng mga students. It's the first time a guy sits with us. Maybe Cassidy has a reason kaya niya dinala ito dito.
"Still alive, eh?" biro sa kanya ni Emery.
He grimaced.
"Napadaan ako sa Boys CR at narinig ko yung pamilyar niyang boses na sumisigaw. Wala namang tao kaya pinasok ko na tapos ayun naka-kulong siya sa isang cubicle." paliwanag ni Cassidy at nagtinginan sina Aya, Trianne at Emery.
I'm still clueless!
"Binu-bully ka dito sa School?" pangungumpirma ni Aya kay Jaxx.
Tumungo si Jaxx at hindi sumagot.
"Let's eat." basag ni Trianne sa katahimikan dahil parang may dumaang anghel sa table namin. Tumahimik bigla.
Nagsimula na kaming kumain at hindi ko pa rin matanggal yung tinginko kay Jaxx. Kahit nai-ilang ay sinusubukan niya pa rin ubusin yung pagkain na binigay ni Cassidy. Punong-puno kasi yung plato niya.
Mahina akong siniko ni Aya at bumulong. "Pogi noh?" Tatango sana ako bilang tugon kaso bigla akong nabilaukan sa sumunod niyang sinabi. "...kaso bakla."
"Huy! Okay ka lang? Eto tubig." nagmamadaling inabot sa akin ni Aya yung bottled water dahil inu-ubo na ako.
"Sayang!" hindi ko sinasadyang ma-isigaw tapos kinuha ko yung bottled water sa kanya at nilagok yun.
"Anong sayang?" inosenteng tanong ni Cassidy. May laman pa yung bibig.
"Don't talk when your mouth is full." sita sa kanya ni Trianne. Ngumuso tuloy siya at mabagal na ngumuya.
"Sayang talaga." sang-ayon sa akin ni Emery at saka ininom yung bottled water niya.
I'm not against Gays, sadyang sayang lang talaga lahi niya kasi ang Cute niya.
"So anong nangyari sa inyo kahapon after niyong umalis sa Resto?" tiningnan ko si Emery. "Enlighten me please."
Siya ang gusto kong mag-kwento dahil detalyadong-detalyado hindi gaya ni Cassidy na pahapyaw na nga, pabitin pa. Nilapag ni Emery yung bottled water at kwinento na sa akin.
May gusto akong itanong kay Jaxx after ko marinig yung kwento. Tinignan ko si Jaxx na naka-yuko. Para siyang isang maliit na ibon na nasa loob ng kanyang shell at hindi pa handang lumabas.
"Jaxx, may mga kaibigan ka ba?"
Inangat niya yung tingin sa akin at saka tumango.
"Real friends?" follow-up question ko.
Ngumiti siya ng mapait at umiling.
"Are you close with your family?"
He nods his head. Doubtful.
Maybe as of this moment. He needs someone to lean on and accept him even though not by blood.
"Ako ngapala si Natalie." I smiled at him. This is my first time to offer my hand to someone whom I just met.
Bigla siyang natulala sa kamay kong naka-angat sa harap niya.
"Ako naman si Cassidy." at ginaya niya ako. Dalawa na kaming naka-angat ang isang kamay.
Kumunot yung noo ko sa kanya. "Dinala mo siya dito tapos hindi ka pa pala nagpapakilala?"
Ngumiwi siya sabay himas ng batok at tinuro yung tatlo. "Pati din naman sila eh."
Lalong kumunot yung noo ko.
"Aya nalang, pogi." pakilala ni Aya at inangat yung kamay.
"Trianne here." she also offered her hand while flipping her hair.
"Emery."
And the five of us offered our hand to him. Biglang may tumulong luha sa mata niya.
"Hey, don't cry. I know we are so pretty to be your friends." Trianne joked to make him stop crying pero nagpatuloy pa rin yung luha niya. Walang imik siyang umi-iyak habang naka-tingin sa mga kamay namin. Na-unang binaba ni Cassidy yung kamay niya na sinundan naman namin. Hinaplos-haplos niya yung likod ni Jaxx.
"Huy, Pogi. Tumigil ka na. Baka isipin nila ina-away ka namin." suway ni Aya habang nililinga yung paningin sa Canteen. Pinagtitinginan na kami.
"First time mo ba 'to?" I asked him out of the blue.
Natigilan siya sa pag-iyak at simi-singhot na tumingin sa akin. Ang cute niya talaga!
"Y-yes...and...and...I-i really don't know what to say."
"Bakit wala kang masabi? Eh may nasabi ka nga ngayon." komento ni Cassidy habang hinahaplos yung likod niya.
Hindi nalang namin siya pinansin dahil umiral nanaman ang pagka-literal niya.
"What's your full name?" tanong ni Emery while tapping the screen of her phone.
Suminghot si Jaxx bago sumagot. "Taner Jaxx Devilla."
"Okay." Emery nods her head while typing, not looking at him. "Friend request sent on Facebook." at inangat niya yung phone niya para ipakita ito. "Accept it if you want me to be your friend."
We looked at her with disbelief. This is the first time na siya ang nag-add sa f*******:. Noon kasi kami pa mismo ang nag-add sa kanya at may kasamang pagpipilit pa na i-accept kami tapos ngayon?
"Ang lakas mo kay Emery, pogi." asar ni Aya.
Pinunasan ni Jaxx yung mukha niya ng tissue. "Stop calling me pogi." yamot nitong sabi.
"Oh bakit naman?"
Bahagya siyang yumuko at natameme kami sa bulong niyang rinig naman.
"Kasi maganda ako."
***