Ang Cyrend

1045 Words
Isang bugtong hininga ang narinig ko mula sa sarili kong bibig. Dahan dahan akong namulat sa aking kinahihimlayaan. "Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko ng kunti kunting luminaw ang paningin ko at pinagmasdan ang paligid. Nakita ko ang basa kong mukha at nakahiga ako sa buhanginan. Maalat ang tubig sa aking mukha at mahapdi sa mukha. "Tubig alat?" Tumingin ako sa paligid at madilim ito. May stalagmites at stalactites sa paligid. Mula sa gitna ay merong tubig na kulay berde. Kalmado ito at maalat rin. Isang aninag ng araw ang tumama sa mukha ko at nakita ko ang liwanag mula sa papalabas ng kweba. Dahan dahan akong tumayo at pinagmasdan ang paligid. Basang basa ang aking katawan at bawat yapak sa buhanginan ay mararandam ng bawat echo sa paligid na tumatalbog mula sa kulob na kweba. Mula sa aking kinatatayuan. Nakita ko sa gitna ng bato ang isang babae na nakaupo dito. Wala itong pang taas. Medyo nahiya ako sa na nakita ko at nagulat. "Sorry! wala akong nakita" Banggit ko at bigla siyang lumingon sakin. Nang makita ako. Agad siyang sumisid sa berdeng tubig at nagtago sa malaking bato. Dahan dahan akong lumapit at nagsalita. "Pasensya na, Gusto ko lang Magtanong" Nakataas ang dalawang kamay ko at dahan dahan lumapit. Nakita ko siyang mabilis na lumangoy papunta saken. at nagtanong ako. "Nasan ako?" Nagulat ako sa aking nakita ng pabilis ito ng pabilis sa paglangoy. At biglang nagulat ako sa aking nakita. "Sshhhrrrrraaaagh!!" Tunong na parang ahas ang gumulat sakin ng sinunggaban niya ako. Matatalas na pangil. Hawak niya ang aking dalawang balikat at sinalo ko siya ng dalawang kamay ko. Hawak ko ang kaniyang bewang at pilit na itinataas. Ngunit siya ay pilit na lumalapit at balak akong kagatin. Sa takot ko ay agad ko siyang ibinato sa sahig. Lumagapak ang kaniyang katawan sa buhangin at narandaman nito ang sakit. Napansin ko to ng tumagilid siya at pilit ininda ang narandaman mula sa kaniyang mukha. Agad akong naawa at lumapit sa kaniya. "Sorry! gusto ko lang naman mag tanong e" Banggit ko at laking gulat ko ng mapansin ang kaniyang paa. Isa itong buntot ng isda. Ang kaniyang kuko ay tumulis at humanda nanamang lusubin ako. Agad akong tumakbo ng mabilis palabas sa kuweba. Sa bigat ng tubig sa bawat pag hakbang ko. Pinilit kong taasan ito para hindi ako mahirapan sa pag takbo at pinilit kong pumunta sa liwanag. Ngunit nahuli niya ako. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at ibinaon ang matatalim na kuko nito. Pinilit ko siyang itulak ngunit sobrang nahilo ako ng inikot ikot niya ako sa tubig. Agad kong sinabunutan ang buhok niya at nakontrol ko ang paglangoy niya. Iniharap ko ang ulo niya sa itaas at nakarating kami sa ibabaw. Pilit kong inilalayo ang kaniyang pangil sa aking leeg ngunit nagdudugo na ang dalawang balikat ko. Nang biglang. May aninong tumakip sa aming dalawa at natakot siya. Pinilit niyang pumailalim at nahuli parin siya ng net. Ganun din ako at iniakyat sa barko. Habang pinag mamasdan ito. Nakita ko ang malaking barko. Ito ay makaluma. May kanyon ang paligid at may malaking poste at sa itaas ay makapal na tela na layag. May marka itong Pusit na malaki at kulay itim na may pula. Nang makarating na ako sa deck. Isang malakas na suntok ang gumulat sakin. Pinilit kong bumangon ngunit dinaganan nila ako. Nakita ko ang isang babaeng kulay pula ang buhok. Na nakasuot ng kulay pulang corset at asul na damit. Tinapakan ako ng balat nitong bota sa leeg. Matangos ang ilong nito at may mataray na tingin. Mapula ang labi at ito ay maputi ang balat. Nakita ko ang Sirena na pilit lumalaban ngunit kinadena ang leeg nito at puwersahang ipinasok sa tangke ng tubig na salamin. "KAPITAN!!!" banggit ng babae. Mula sa nahahawing mga tao. Isang lalake ang lumabas. Kulay asul ang uniporme na may panloob na kulay puting polo. Ang balat nitong nasa uluhan na tanging sumbrero lang ng kapitan sa barko. May marka itong dalawang espadang naka pa ekis sa isa't isa. Lumingon ako sa itaas at itinayo nila ako. Nakita ko ang mukha nito. Matangos na ilong. Makapal ang labi at may manipis na bigote na magkahiwalay ito. "At sino ka naman?" Banggit ng kapitan sa akin. Tumingin lang ako sa kaniya. Isang malakas na suntok ang gumulat saking mukha na nanggaling sa kaniya. "Hindi ka ba natatakot saken?" "Sino kaba?" banggit ko at nagtawanan sila. Sabay sinampal ako ng babae. "Tin wag" "Oohh Tin pala pangalan mo?, Hi baby" Isang suntok sa sikmura at napaluhod ako. Itinayo nila ulit ako at nagpakilala ang kapitan. "Hindi mo ko kilala?, Ako ang kilabot ng karagatan! Mula sa pandigmang karagatan ng emperyong Cthulax! Ako ang kaniyang kapitan sa karagatan! Lahat ng iba't ibang nilalang ay kinatatakutan ang aking presensya! Ako ang nagdudulot ng kapighatian! Bilang isang kauri naming tao. Maging proud ka dapat. dahil ang mga nilalang na katulad nito ay kinatatakutan tayo! Ang mga halimaw na sirena, Mga shokoy! Mga Kraken! o kahit ano pang halimaw sa dagat natatakot sila dahil saken! AKO ANG KILABOT NG KARAGATAN!" Pumunta siya sa gitna ng barko at dahan dahan ulot bumalik. "Ako si Kapitan Tangerino Ahnana!" Sabay bunot ng cutlass at itinutok saken "Kilala sa pangalang, KAPITAN TANGA!" Isang katahimikan ang nabalot sa barko. at nagtanong ko. " so..... Tanga ka pala?" at sumagot siya ng may pag tataka. "Oo?" at ako ay natawa. "HAHAHAHAHAHAHAHA" sabay ako ay napaluhod kakatawa. tumayo ako at bumawe ng sasabihin "So.. Kung ikaw ang kapitan ng mga tanga. Edi tanga rin silang lahat at ikaw yung pinaka tanga?" Nagtinginan ang mga tao sa barko. at sumagot ang kapitan. "Oo" At tuluyan akong natawa. At yun ang rason bakit ako tinapon sa brig. Mula sa pagkakaupo. Napansin kong pinagmamasdan ako ng sirena na umatake sakin kanina. Nakita ko ang kaniyang mukha. Ang maamong mukha, dilaw na buhok, matangos ang ilong at may manipis na labi. Tinititigan ako ng parang gusto niya akong patayin. Kasama ang mga iba pang nakakulong sa brig sa kabilang selda. Tahimik ang mga halimaw na ito. Ang isa ay mistulang kabute, at ang isa naman ay mistulang taong isda. Napahiga ako sa pagkakaakalang magigising ako at mapunta sa tunay na buhay. "Baka panaginip lang to"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD