Ang Pendant

1191 Words
( note: Sorry, Sa mga readers. Naging Third person yung POV ng kwento na to. Narealize ko nalang siya nung pa the end na. Babalik to sa next episode) Kinaumagahan ng nagmamadali si Miguel para humanap ng kung anong ebidensya para mahanap ang nawawalang kaibigan Hindi siya pumasok sa bawat klase niya at nauunawaan siya ng kanyang mga guro. Ngunit pinipilit parin siyang pumasok. Nakasalubong niya ang kaniyang guro sa physics. "Greeves" Tinawag siya nito. "Ma'am?" "Alam ko napakasakit sayo ng mawala ang iyong kaibigan" hawak sa balikat nito "Ngunit alam naman natin na ang makakatulong lang sa atin ay ang mga Pulis sa pag hahanap kay Broche" "Opo ma'am alam ko po" Naglakad silang dalawa at pumasok na sa silid. Maghapon niyang tinitigan ang mga pendant at ano ang koneksyon nito sa pagkawala ng kaibigan. Nag hiwalay rin muna sila ng kaniyang kaibigan na si Athan dahil hindi siya makapag focus sa kaniyang pag aaral. Kampante si Athan ngunit iba ang nararandaman ni Miguel sa mga nangyayare. Bawat oras na lumilipas si Broche at ang pendant ang kaniyang iniisip. Habang nakikinig si Greeves sa guro. Pinapaliwanag nito ang theoritical na paghihiwalay ng bawat mundo. At bumibilis ang pag dikit dikit ng mundo sa pamamagitan ng mga sasakyan. Mas mabilis ang sasakyan at mabilis ang daanan mas mabilis makakapag travel ang isang tao sa isa pang distansya. Napatingin siya sa pendant na hawak niya. Kumuha siya ng matulis na bagay at pwersahang kalasin ang pendant. Kakatusok niya dito aksidente nyang nahampas ang kamay niya sa kanyang upuan at nasaksak ang kamay niya. Nag tinginan ang kaniyang mga kaklase at lumabas siya. "Ma'am" Banggit nya at pinakita niya ang dumudugo niyang kamay. Bumaba siya sa hagdan at nagpunta sa palikuran. Hinugasan niya ang kamay niya at habang dumadaloy ang tubig nito. Isang grupo ng mga kalalakihan ang kaniyang narinig. "Mukhang ilang araw hindi makakapasok si Badger" "Bakit daw?" "Suspect daw siya sa pagkawala ni Broche" "Yung maitim na yon?" "Mas okay ng mawala siya, wag na siya bumalik ayaw ko makakita ng mga talunan sa school naten" Nagtawanan sila at sa narinig ni Miguel. Agad niyang nilingon ito at walang humpay na inatake. Sinapak niya sa mukha ang isang estudyante at tinulak ang isa. Sa bilis nito. Hindi nakaganti ang tatlong lalake at mabilis siyang tumakbo papalabas. Gigil na gigil siyang palingon lingon sa kapaligiran. Umaasa na baka makita niya si Broche na tinatawag siya. bumalik siya sa klase ng pawis na pawis at umupo sa kaniyang upuan. Humarap sa bintana at magdamag tumingala sa mga langit. Kinahapunan. Sabay silang umuwi ni Athan at habang naglalakad paulit ulit na tanong ni Miguel. "Ano ang koneksyon ng pendant na to kay Broche?" Tahimik na naglalakad si Athan. at sa mismong interseksyon rin sila nagkahiwalay. Pumasok siya sa bahay at agad umakyat sa kaniyang kwarto. Humarap siya sa kaniyang desk at kinuha ang mga tools para buksan ang pendant. Kinuha niya ang screwdriver at tinusoktusok ang Pendant. Pinilit niyang buksan ang bakal na makausli dito at hindi parin niya ito nabuksan. Hinawakan niya ang pendant ang tinignan ang isang maliit na bilog sa gilid. aksidente niya itong nahawakan at bumaon ito. Bumukas ang pendant at nagkaron ng kulay asul na liwanag. Hinawakan niya ito sa palad niya at gumagalaw ang matulis na bagay sa loob. Nagtaka ito at parang kuryente na sumusunod kung saan niya ito itinuturo. "May iisang pwesto siyang tinuturo, Parang isang compass" Banggit nito. Sumulip siya sa bintahan at nakita niya sa dulo ng tulis nito ang isang luma at abandonadong building malapit sa skwelahan. Isinara niya ang pendant at natulog na siya. Kinaumagahan. Nagising siya ng may mabigat na ulo. bumangon siya at sinunod ang routine na ginagawa niya tuwing umaga. Mabilis siyang naglakad at nakasalubong si Athan. Hindi niya muna sinabi ang kaniyang natuklasan. Ngunit desidido siya hanapin kung saan ang itinuturo ng pendant. Pumasok na sila sa klase at nakinig sa kanilang guro ngunit abala parin ang binata at hinahanap sa harapan niyang bintana kung saan siya pupunta. Ang tanging labasan lang niya ay ang rooftop at tatalon siya sa kabilang building at ayun ang palapag ng kaniyang pupuntahan. Inantay niya mag taghalian. At nangmatapos na ang nagtuturo. Agad siyang lumabas sa silid aralan at mabilis na pumunta sa hallway ng junior high school. Nang biglang. Lumabas si Badger at ang kaniyang mga kasama na maraming pasa at sugat sa mukha. humarang ito sa daanan niya at sinabing. "San ka pupunta?" at sumagot siya "wala akong panahon sa inyo" Kinuha niya ang balisong niya at tinutok sa mukha ni Miguel "Anong walang panahon? may atraso ka saken, Dahil sa walang kwenta mong kaibigan na house arrest ako dahil suspect daw ako. Ngayon di ako makakapunta sa date namin ng jowa ko" "Wala akong pake sa jowa mo" Banggit niya pinilit dumaan. "Op op op. San ka pupunta? Mag babayad ka muna" Nag katinginan silang dalawa. "Nang dugo" Banggit ni Badger sa harap ni Miguel. Tumingin si Miguel sa kaliwa kung nasan ang mataba nitong tropa at sa kanan kung nasan ang payat. Sa taas ng hagdan nandun ang matangkad na payat na nakaharang. Huminga ng malalim si Miguel at sinabing. "haay bahala na" at nilapit ni Badger ang tenga niya sa kaniya sabay sabing. "Huh??" At mabilis hinawi ni Miguel ang kutsilyo ni Badger sa kamay nito. Sabay isinaksak sa balikat ng mataba. Binitawan ni Badger ang kutsilyo at mabilisang yumuko si Miguel Agad niyang tinulak ang payat na nasa kanan at dinala sa may hagdan. Sumunod si Badger at hinawakan ang damit nito sa likod. Agad niyang kinuha ang kamay ni Badger at saktong sumipa ang matangkad sa hagdan. Nasipa nito ang payat at tumalsik kay Badger. Sa haba ng paa nito. Mabilis nakalusot si Miguel sa biyas ng lalake sa hagdan at mabilis siyang umakyat sa bawat yapak ng hagdan. Sa pikot na kuwadradong hagdan. Maririnig mo ang sigawan at lagapak ng mga paa nito. Mabilis na umaakyat si Miguel at nakarating sa Rooftop. Papunta na siya sa dulo ng rooftop ng biglang matackle siya ni Badger sa likod at parehas silang bumagsak. Pinatungan siya ni Badger at pinaulanan ng suntok. Iniharang ni Miguel ang kamay nito at sinalag ang mga atake. Nakita niya ang paa ng mataba at mabilis nitong sinipa ang tuhod nito. Bumagsak ito at nakalagay parin ang kutsilyo sa balikat nito. Mabilisan nitong hinugot ang kutsilyo ang inihiwa sa pisngi ni Badger. Napa higa si Badger sa sakit at sinipa nito ang mukha. Kinuha ni Miguel ang balisong at itinago sa kaniyang bulsa at mabilisang tumakbo. Pwersado ang takbo nito at tumalon siya sa rooftop. Nang nasa ere siya. Bigla niyang napansin na mahina ang bubong ng babagsakan nito. Ngunit patuloy parin siyang bumagsak. Nang dumapo ang paa nito sa mahinang yero. Bumigay ang biga at tuluyang bumagsak kasama siya. Kumapit siya sa isang bakal at napahinto siya sa pagbagsak. Ngunit ng makita niya ang ilalim nito ay mas mataas parin ang kaniyang babagsakan. Nadulas ang kaniyang kamay at patuloy na bumagsak. Kitang kita niya ang mabilis na sahig na hahampas sa katawan niya at papatay sa kaniya. At tumuloy siya sa pagbagsak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD