*Kylie Anne*
Makailang minuto na rin siguro kaming nag hahalikan. Masyado na kaming nadala at nakalimutan naming nasa park pala kami. Napa hiwalay naman ako bigla sa kaniya at nahihiyang yumuko.
“Ahmm, sorry Kylie, nadala lang ako.” Nahihiyang turan sabay niya yuko at kamot sa batok.
“Ahmm, ako din. Naiingayan na kasi ako sa pag iyak mo, baka isipin ng mga nakaka kita dito sa atin ay nakikipag break ako sa’yo.”
Pasimple naman siyang luming linga sa paligid. Bahagya siyang natawa ng ma-realize niya na siguro ay napalakas ang pag-iyak niya.
Kahit nakangiti siya ay kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Namamaga din ang mga mata na sa palagay ko ay kagabi pa siya umiiyak. Awang awa ako sa kaniya at hinding-hindi ko siya iiwan sa ganitong kalagayan niya. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang mapagaan ang kalooban niya.
“Salamat, Kylie. Sobrang nahihiya na talaga ako sa’yo. Ahmm, Tara! let’s somewhere.” Aya niya sa akin.
Agad naman ako sumama sa ka niya. Dito kami sa isang fast food kumain. Mas okay na rin ang itsura ngayon. Kailangan lang talaga niya ng makikinig sa kaniya at later on gagaan na ang pakiramdam niya.
Two months after ng pag uusap namin sa park, nag tanong siya sa aking kung pwede niya daw ba akong ligawan. Nagulat ako pero pumayag din naman ako. Ilang buwan na rin naman kami magka kilala at halos alam na namin ang buhay ng isa’t isa.
After two months of courtship, sinagot ko na siya. Officially, kami na nga. At kahit sinagot ko na siya, ganoon pa rin siya kung paano niya ako ligawan. He always gives me flowers, letters and his personally cooked foods.
“My baby bear, c’mon, let’s have a date. Sobrang miss na talaga kita.” Basa ko sa text message niya.
“Sure, my baby bear.” Kinikilig ko namang reply sa kaniya. Walang pasok ngayon kaya pumayag na rin ako.
“I will fetch you now. Please get ready na po my baby bear.”
“Oo na po. Ingat ka sa pag drive. I love you my baby bear.”
“I love you too, my baby bear.”
Simpleng palitan lang namin ito ng message pero kinikilig talaga ako. After thirty minutes ay dumating na din siya. Agad niya akong hinalikan sa noo pagka lapit sa akin. I find it sweet. May dala din siyang pasalubong for my parents. Siya na din ang nag paalam sa magulang ko na ilalabas niya ako para mag date and promised na ihahatid niya ko pauwi. Magaan ang loob at may tiwala ang pamilya ko sa kaniya kaya naman ay pumayag din sila.
Pumunta kami sa Mall of Asia. Dinala niya ako dito sa bandang sea side. Nagpa reserve siya isang kainan dito. Tanaw na tanaw namin ang dagat. Ang dami ding mga tao ngayon lalo pa at sabado ngayon.
After namin kumain, may inabot siya sa aking isang maliit na box.
“Happy second monthsary, my baby bear” bati niya sa akin. Kinikilig ko naman itong tinanggap. Binuksan ko ito at nagulat sa napaka gandang singsing. Muli ko naman siyang tinignan.
“Salamat, my baby bear. Ang ganda! Sobra!”
Inabot niya ang kamay ko at isinuot ang sa daliri ko ang singsing.
“It’s a promise ring, my baby bear. I promise na ikaw na ang huling mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay.”
Naluluha naman ako sa sinabi niyang iyon.
“Grabe ka naman my baby bear, para ka namang nagpapa alam.” Biro kong saad sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin at may kinuha pang isang box. May laman din itong singsing na kaparehas ng binigay niya sa akin. It’s a couple ring pala. Inabot niya ito sa akin.
“Can you wear this to me?”
“Of course!” I exclaimed in excitement.
Grabe, para kaming kinakasal, si Father na lang kulang. Sobrang saya ng puso ko. Pakiramdam ko siguradong sigurado na siya na ako ang babaeng gusto niya makasama habang buhay.
kasama siya. Siya na ang nakikita kong makakasama ko sa future. At sana, sana talaga ay siya na nga.
Dito ko na rin na realize na sobrang mahal na mahal ko na pala siya. Parang hindi ko na alam ang gagawin ko kapag iniwan niya ako.
Kinuha ko naman sa loob ng bag ko ang regalo ko para sa kaniya. It’s a personalized bracelet may initials namin at date kung kailan ko siya sinagot.
K & T 02.29.24
“Happy monthsary din my baby bear. I love you so much”
Natatawa ko pa siyang biniro.
“Every four years lang pala tayo pwede mag ce-celebrate ng anniversary natin. Bakit naman kasi nung February 29 ka nag propose sa’kin, napasagot tuloy ako bigla. Haha”
Natatawa naman siyang napakamot ng ulo.
“Eh, kasi naman nakita ko yung isang classmate mo na todo porma. Narinig ko ang sinabi niya sa isa niyang tropa na liligawan ka daw niya at siguradong sigurado siya na ilang araw lang ay mapapa oo kana niya. Natakot ako baka sagutin mo nga siya at maunahan na ako. Nataranta ako kaya nag propose na rin agad ako sa’yo nung araw na yun. Naka pout niyang paliwanag.
Natawa naman ako sa kaniya dahil ayun pala ang dahilan. Kaya pala parang kabado at apurido ang itsura niya ng araw na yun. Natatandaan ko pa yung pagkaka tanong niya sa akin ng “Can you be my girlfriend now?” parang no choice ako kundi ang sumagot ng OO.
” Huwag mo na nga ako pag tawanan my baby bear. Kahit madalian ang pag tatanong ko sa’yo noon, pero bumawi naman ako after mo sagutin. At hindi ako nag sisisi na ikaw pinili ko mahalin dahil worth it ka mahalin at pag alayan ng buhay ko.” Nakangiti niyang sabi sa akin sabay yakap sa akin at halik sa aking noo. Masayang masaya kami sa mga sandalling ito. Sana hindi na ito matapos.
***
“Enjoy the time you have with your loved ones. Too many people wish they had spent more time with their loved ones before they passed away." -unknown
End of chapter 2…