1: Introduce
“Kylie Anne Aquino, 19 years of age”. Pakilala ko klase.
First day of school namin ngayon. Nasa third year college na ko. I’m a Psychology student.
Madalas akong tumambay sa coffee shop na malapit lang sa university namin. Kagaya ko, marami din ibang estudtyante ang nag pupunta doon pero mas gusto ko yung mag isa lang.
Sa ilang linggo na palagi kong pag tambay sa coffee shop na yun, napapansin ko rin ang isang lalaki na laging naka puwesto sa may dulong bahagi. Guwapo siya, pero puno ng lungkot ang kaniyang mga mata. Tulala siya at para bang mayroon siyang sariling mundo.
Isang buwan na rin simula ng mag pasukan at ilang linggo ko na rin hindi napapansin yung lalaking laging naka upo sa dulo. Sa palagay ko ay school mate ko siya base na rin sa uniform niya pero ibang course. Mukhang malala talaga ang problema niya. Well, kung sino man siya ay sana malampasan niya ang pinag dadananan niyang problema.
Friday ngayon at wala kaming pasok bukas. Pumunta muna ako doon sa coffee shop para mag kape habang gumagawa ng assignments. Gusto ko na lang kasi diretso mag pahinga pag uwi.
“Ahmm, hi. Can I sit here?” The guy asked.
Napa angat naman ang ulo ko sa kaniya. And yeah, he’s the guy that I saw last time na palaging tulala.
“Yeah, sure” I answered at muling pinag patuloy ang pag babasa.
Ilang minuto din siyang tahimik bago nagpa kilala sa akin.
” Ahmm, I’m Tyler Kaleb Zulueta nga pala. Fourth year engineering student” nahihiya niyang Pakilala.
Napatitig ako sa kaniya. There is something. Hindi agad ako nag pakilala sa kaniya. As a psychology student, I asked him right away.
“How are you?”
Hindi siya nag salita. Naka titig lang siya sa akin na para bang na touch siya na tinanong ko siya ng ganun. And after few minutes, yumuko siya sa lamesa at humagolgol ng iyak.
I’m right. May mabigat nga siyang pinag dadananan at kailangan niya ng makakausap. Hinayaan ko lang siya hanggang sa matapos siya sa pag iyak.
“I’m sorry, hindi ko mapigilan. Sobrang nahihirapan na kasi talaga ako. Ginagawa ko naman yung best ko para maging top sa klase. Still, my parents are still disappointed to me dahil pumapangalawa lang ako.” Pag sisimula niya mag kuwento habang may luha pa rin. Pinakinggan ko lang siya. Pinakita ko at pinaramdam ko sa kanya na I’m all ears. I’m interested to listen.
“My parents are still not happy kahit na may mga na achieved naman ako. Para sa kanila yung mga ginagawa ko kulang pa. Hindi ko na alam ano pa gagawin ko” muli na naman siyang umiyak.
“And my girlfriend …” huminga siya ng malalim.
“Nakikipag break na rin sa akin. Dahil wala na ako halos time sa kaniya. Sa sobrang busy ko ma-achieve yung gusto ng magulang ko at ma-please sila, nakalimutan ko na siya.”
“Sinubukan mo ba ipaliwanag sa girlfriend mo ang sitwasyon mo? I asked him. Tumango siya.
“I did. Pero hindi siya interesadong makinig. Ang drama ko daw masyado para sa isang lalaki. Sobra akong nasaktan. Siya yung inaasahan kong makikinig at makakaunawa sa akin”
Pinakinggan ko lang ibang rants niya at Hinayaan na umiyak pa. After that, nakita kong medyo umaliwalas ang awra. Dahil na rin siguro nailabas niya yung mga kinikimkim niya ng matagal na panahon.
I pity him dahil napunta siya sa magulang na importante ang achievements kaysa sa nararamdaman ng anak nila. Nakakainis yung mga magulang na lagi kinokumpara ang anak nila sa iba at hindi maipag malaki dahil yung gusto nila sa isang anak ay hindi nasusunod. Mas importante pa sa kanila ang sasabihin at isisipin ng iba.
Nag papasalamat pa rin ako dahil hindi ganiyan ang parents ko. Kaya sa mga kabataan, appreaciate your parents kung hindi sila kagaya ng parents ni Tyler.
“Thanks for your time and for listening. I appreaciate it so much. You let me speak what’s bothering me knowing na I’m still a stranger. I’m hoping to see you again”
Ngumiti ako sa kaniya and I gave him my contact number.
“Just call me if you need someone to talk. I will listen.”
Nung mga sumunod na araw ay tumawag nga siya. Actually, almost everyday. Okay lang naman sa akin. Ewan ko ba parang bigla na akong na attached sa kaniya. As the day goes by, nagagawa na namin makapag usap ng hindi puro problema ang pinag uusapan namin. Naririnig ko na rin siya tumawa. I’m happy sa naging improvement niya. Naging closed na rin kami as in para na kaming mag boyfriend at the same time mag best friend. Kampante na ako sa kaniya. Pa minsan naman ay nag me-meet kami at namamasyal kung saan-saan.
“Hello, Tyler? Napatawag ka? Pag sagot ko sa tawag niya.
“Where are you? Can we meet? I will fetch you. He sounds problematic on the other line.
“Sure. Mag kita na lang tayo sa park malapit sa mall.” I said to him. Hindi na ko mag papa sundo pa, malapit lapit lang naman yung park dito. Nag insist pa siya na sunduin ako sa bahay pero di na ako pumayag pa.
Pagka kita niya sa akin ay bigla niya akong niyakap. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at doon umiyak ng umiyak. Niyakap ko naman siya pabalik at hinagod-hagod ang likod niya.
“Tuluyan na siyang nakapag hiwalay sa akin. Napapagod na daw siya kakaintindi sa akin.”
Sabi niya habang nasa leeg ko pa rin ang mukha niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Humiwalay siya ng yakap sa akin at ipinag patuloy ang pagku-kwento niya sa pinag awayan nila ng girlfriend niya at kung pano sila humantong sa hiwalayan.
Nasasaktan ako para sa kaniya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak. May ilang tao na rin ang napapatingin sa amin. Baka isipin pa ng mga yun na nakikipag break ako. Tsk.
To shut him up, I suddenly kissed him in his lips. Effective naman, dahil nagulat siya at tumigil sa pag iyak. Napa titig siya sakin habang nakalapat pa rin ang bibig namin. Ako naman ngayon ang nagulat. Kinabig niya ang batok ko at mas lalong pinalalim ang halik.
Parang may kung anong kiliti sa dibdib ko. May kung ano akong nararamdaman na mas nag papahangad sa akin ng higit pa sa halik na binibigay niya ngayon.
***
“Give your stress wings and let it fly.” – Terri Guillemets
End of chapter 1…