DISCLAIMER: This is a work of fiction. names, characters, businesses, places, events and incidents are the products of the author's imagination, used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. . . . KYLIE ANNE’S POV** Huminga muna ako ng malalim bago pihitin ang sedura ng pintuan. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto namin ni Jacob bago ako tuluyang pumasok. Marahan ko lang itong isinara para hindi makalikha ng ingay. Natagpuan ko si Jacob sa walking closet namin, nag tataka ako dahil nag mamadali siya sa pag lalagay ng mga damit niya sa loob ng maleta. “Baby, aalis ka?” Nag tataka kong tanong. Tila nagulat naman siya kaya saglit siyang Napahinto sa ginagawa pero muli siya ulit nag patuloy sa ginagawa.

