KYLIE ANNE’S POV** Masaya ako na naging maayos na kami ngayon ni Jacob, nakita ko ang sobrang pag-aalaga niya sa amin ng mga bata. Kahit busy siya sa trabaho, lagi siya on time sa pagpapakain at pagpapainom ng gamot sa akin. Sinisigurado din niya na healthy ang mga kinakain namin. Ilang araw na rin simula ng mag trabaho dito sa bahay, may opisina naman siya kaya hindi namin siya inistorbo para maaga din siyang matapos sa mga gawain niya. Ilang araw na lang din, mag ba-back to school na ang mga bata kaya tama lang din na nag work from home ang asawa ko para naman hindi ako mabagot dito sa bahay. Lalo na ang higpit ng bilin niya na bawal ang mag-kikilos. “Mag-iingat din po kayo diyan mama at papa. Mahal ko din po kayo. Bye po.” Paalam ko kila mama at papa. Ilang oras din kami nag video c

