RUSSELL Isang linggo ng natutulog si Tristan sa aming bahay magkasama kami sa iisang kwarto. Kaya itong anak ko nasanay na kasama ang daddy nito at ito nga ngayon katakot-takot na problema ko at ayaw paalisin ni Isaiah ang ama at gustong sumama. Karga ito ni Tristan, pagkalabas namin ng kwarto dahil ayaw nitong magpababa. Talagang mahigpit nakayakap lang sa leeg ng ama. Kahit inihatid na namin sa garahe pero ang anak ko ayaw paalisin ang ama at gusto raw nito sumama sa office ni Tristan. Pumayag si Tristan, ako ang ayaw at walang mag-a-alaga rito. Siyempre kong kasama ang anak ko malamang ay kasama rin ako. Isa pa sa Lunes ay magkasama kami ni Ate Sirena, paluwas patungo sa meeting ng Hidden Paradise. "Daddy, sasama si Isaiah.... please..." pakiusap nito sa ama habang humihikbi. Pinup

