“REN, ako si Tita Lia mo at siya si Tito Eldrick mo. Mga magulang kami ni Tan-Tan,” pagpapakilala ni Mama kay Ren. “Ngayon pa lamang tayo nagkita. Ito kasing anak namin, napakamalihim. Manang-mana sa Mama niya—aray! Joke lang, mahal ko," sabi ni Papa. Kinurot kasi siya ni Mama sa tagiliran. Parang bata talaga itong mga ‘to. “Nice to meet you po pero pasensya na po talaga kasi hindi ko po talaga kayo kilala, pati na rin po ang anak ninyo,” sabi ni Ren sabay yuko. “Okay lang ‘yon, hija. ‘Wag mong madaliin. Makakaalala rin kayo ni Tan-Tan.” “Po? Ano pong ibig n’yong sabihin?” nagtatakang tanong ni Ren kay Mama. Napabuntong-hininga ako. “Hanep naman kasi iyong pagkakaaksidente nating dalawa. Pareho tayong nawalan ng alaala.” “Ibig mong sabihin may amnesia ka rin?” gulat na turan ni Ren.

