Nang magising si Tan-Tan sa ospital ay wala siyang maalala ukol sa aksidenteng kanyang kinasangkutan. Limang araw ang nakalipas nang mabangga ang sinasakyan niyang kotse sa isang poste. Subalit hindi siya nag-iisa sa loob ng kanyang sasakyan no’n. Kasama niya ang dalagang si Ren na 'di umano'y kasintahan niya. Hindi niya matanggap na may amnesia lang siya kaya hindi niya maalala ang dalaga. Ngunit ang lubos na hindi niya matanggap ay ang katotohanang buntis ang dalaga at siya ang ama. At sa mapaglarong guhit ng tadhana, pati ang dalagang si Ren ay wala ring maalala. Matatanggap kaya nila ang umuusbong na pag-iibigan nila sa isa't isa? O mapipigilan ito ng multo ng kanilang nakaraan?