C01: He's Awake (Tan-Tan)

1126 Words
PUTING kisame, puting pader at mga puting kurtina ang tumambad sa ‘king harapan pagmulat ng mga mata ko. Nasaan ako? Anong lugar ‘to? Napatingin ako sa kaliwang kamay ko at nakita ko ang mahabang suwerong nakasalpak dito. May benda rin ang ulo at ilang parte ng katawan ko. Hindi ko maalala kung bakit ako naririto at kung paano ako napunta rito. “Kuya? Ma, gising na si Kuya!” sigaw ni Ru-Ru nang magtama ang mga mata namin paglabas niya mula sa isang pinto. “Tatawag ako ng doktor!” Nagmamadaling tumakbo palabas si Papa mula sa pagkakaupo niya sa sofa na nasa kabilang sulok ng kwarto. Mabilis naman akong tinabihan ni Mama at hinimas-himas ang kaliwa kong kamay. “Anak, okay lang ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?” alalang tanong niya. “Teka-teka! Ano bang nangyayari? Bakit ako nasa ospital?” kunot-noong usal ko. “Naaksidente ka, anak. Nabangga sa poste 'yong kotseng sinasakyan mo. Salamat sa Diyos at nagising ka na.” Nangilid ang luha sa mga mata ni Mama. Maingat ako mag-drive kaya nakapagtatakang maaaksidente ako nang gano’n-gano’n lamang. “Gaano katagal akong nakatulog?” baling ko sa kapatid ko na nakatayo na rin sa gilid ng kama ko. “Limang araw kang walang malay, Kuya.” Halata sa malalalim na mata ng kakambal ko ang labis na pag-aalala. Biglang pumasok si Papa sa kwarto kasama ang doktor at isang nurse. Tumayo si Mama at nagbigay daan sa doktor. “Hijo, may masakit ba sa'yo? May kakaiba ka bang nararamdaman?” tanong ng doktor habang tinitingnan ako. “Medyo masakit lang po ang ulo ko pero bukod po roon, wala na.” “Naaalala mo ba kung paano kayo naaksidente?” tanong niya ulit. “Hindi po—at ano pong ibig n’yong sabihing kayo? Hindi po ba ako mag-isa sa kotse?” May kabang tiningnan ko sina Mama pero mukhang ayos naman sila. Wala akong maisip na ibang taong maaari kong maisakay sa kotse ko bukod sa pamilya ko. “May babae kang kasama nang maaksidente ka. Hindi mo ba maalala?” sabi ni Papa. “Wala po talaga akong maalalang kahit na ano tungkol sa aksidente. Sino po ba ‘yong kasama ko?” Saglit namang nagkatinginan ang mga magulang ko. “Girlfriend mo ‘yung kasama mo, Kuya,” sagot ni Ru-Ru. Saglit akong napamaang sa tinuran ng kakambal ko. “Anong girlfriend? Kailan pa ako nagka-girlfriend?” Ang pagkakatanda ko, NGSB ako: No Girlfriend Since Birth. “You mean, hindi mo girlfriend 'yon, ‘nak?” “Imposible 'yon, Ma! She is definitely Kuya's girlfriend!” sabat ni Ru-Ru. “At paano mo naman nasabi 'yon? Saka hindi pa kaya ako nanliligaw sa tanang buhay ko.” “Suot niya kasi 'yong golden rosary ng mama mo. ‘Yong pinamana sa kanya ng Lola Mommy mo?” paliwanag ni Papa. “Hindi ko alam kung paano napunta ‘yon sa kanya pero dahil lang doon ay nasabi n’yo nang girlfriend ko siya? Ang labo naman yata no’n.” “Hindi lang kaya 'yon! Noong gabi bago ka maaksidente, dapat pupuntahan mo siya at dadalhin sa bahay. Kinuha mo pa nga ‘yong rosary bago ka umalis at ang sabi mo pa sa ‘min, ipakikilala mo na sa amin ‘yong magiging sister-in-law ko!" Ha!? Sister-in-Law? Ano bang nangyayari? “Mr. Christian, wala ka ba talagang maalalang may girlfriend ka?” “Wala po talaga! 'Di ako nagbibiro!” bulalas ko sabay taas pa ng kanang kamay. “Mabuti pa, para makasigurado’y dapat muna niyang makita si Miss Ren,” payo ng doktor. “Buti pa nga, Doc. Baka nalilito lang ang anak namin,” sabi naman ni Mama. Ren? Sino ‘yon?   ❀°˖✧˖°✿°˖✧˖°✿°˖✧˖°❀   NASA tapat na kami ng observatory room. Nakita ko ang isang imaheng ang alam ko ay ngayon ko lang nakita. Ayon kay Dr. Suarez, magmula nang maaksidente kami ay hindi pa siya nagkakamalay. “Siya si Ms. Reverie Metherlance. Siya ang kasama mo sa sasakyan noong maaksidente ka.” Hindi ko masyadong pinansin ang iba pang mga sinabi ng doktor. Tinitigan ko lang mabuti ang babaeng mahimbing na natutulog sa isang hospital bed. Pinipilit kong maalala kung sino siya. Mukhang pamilyar nga sa 'kin ang mukha niya pero hindi ko siya kilala.  “Naaalala mo na ba siya anak?” tanong ni Papa sabay tapik sa balikat ko. “Hindi po talaga,” mabilis kong sagot. “Anong hindi? Ang sama mo, Kuya! Kawawa naman si Ren!” sigaw sa'kin ng kapatid ko. Napakunot ang noo ko. Hindi ko naman talaga siya maalala kaya ano’ng magagawa ko? “Hmm... Mukhang may retrograde post-traumatic amnesia ang anak ninyo. Selective-type of amnesia ang case niya. Mukhang tanging may kinalaman lamang kay Ms. Metherlance ang hindi niya maalala,” puna ng doktor. Ako, may amnesia? Ano ‘to? Korean drama? “Babalik pa po ba ang mga alaala ng anak namin?” “May pag-asa naman pong bumalik ang alaala ng anak ninyo, Mr. De Guzman. Wala naman pong major injury sa utak niya. Mukhang due to mental shock at physical impact ang cause ng amnesia niya. He'll recover his memories soon. But for now, give him enough rest. Hindi pa siya ganoon nakaka-recover.” Bahagyang nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong temporary lang ang amnesia ko. “E, Doc. Kumusta naman si Ren?” pag-iiba ni Ru-Ru. “She's doing fine. Maybe one of these days gumising na rin siya,” paniniguro ng doktor. “Salamat naman kung ganoon. E, ang apo ko?” Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kay Mama. May pamangkin na ‘ko? “Ru-Ru! Ano’ng ibig sabihin nito?” Nagulat ang lahat sa biglang pagtaas ng boses ko. “Bakit ako ang tinatanong mo?” kunot-noong sabi ng kakambal ko. “Bakit hindi ikaw? Kailan ka pa nabuntis?” “Ha?” Saglit na napaisip si Ru-Ru at biglang napapitik ng daliri nang makuha niya ang ibig kong sabihin. Iiling-iling na tinitigan niya ako. “Hindi ako ang buntis, Kuya. Doc, pakisagot na nga po ang tanong ni Mama kanina,” baling niya sa doktor. Tumikhim muna ang doktor bago magsalita. “Just like Miss Metherlance, ligtas na rin po ang baby niya.” Biglang may kabang namuo sa dibdib ko. “Good news, Kuya. Ligtas ang baby n’yo ni Ren!” Anong good news do’n? Ako, magiging tatay na? What the—! Kung panaginip ‘to, isa itong masamang bangungot! Gisingin n’yo ‘ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD