Chapter 5

2604 Words
Isla Cavelli “WHAT?” natatawang tanong kay Celine ni Daniel. Daniel is now brushing his teeth. Habang siya ay nakasandal sa may hamba ng pinto at pinanonood ito. Tulad ng nakagawian nito ay nakapaa lamang ito, na para sa kanya ay napaka-sexy. Nakasando ang kanyang asawa ng sando na puti na parang babaeng yumayakap sa katawan nito. Ang pang-ibaba ay boxer shorts. Ah, he was the most magnificent sight she had ever seen.             “What ‘what’?” nakangising balik-tanong niya. “Naeengkanto ako sa asawa ko. Is that bad?”             Natawa si Daniel. Mabilisang tinapos nito ang pagsisipilyo. Pagkatapos ay inabot nito ang kamay niya, itinaas iyon—hudyat na umikot siya sa harap nito. He just love ding that to her. Pagkaikot niya ay agad siya nitong hinapit papalapit sa katawan nito. Ang mga braso nito ay nakapulupot sa kanya habang nakasandal si Daniel sa lababo. Siya man ay yumakap sa asawa. Then he playfully planted luscious kisses all over her face. “What’s on your mind, huh?”             “Ikaw. Ikaw rin ang nasa puso ko. Hindi mo ba alam?” pakikipaglaro niya sa asawa. Muli ay mataginting na humalakhak si Daniel. Ah, kahit araw-araw na maging korni siya basta nakikita at naririnig niya ang buhay na buhay na tawa ng asawa. “Actually, full moon ngayon, gusto ko sanang mamasyal sa may kakahuyan. Wanna go with me?”             “Siyempre,” agad na tugon ni Daniel. “Actually iniisip ko rin nga iyan. Let’s have a little adventure at the forest.”             “Great,” tuwang bulalas niya. “Naghihilik na si Christoff. Dalhin na lang natin ang cell phone mo para mamonitor pa rin natin siya.” Parehong may application ang cell phone nilang mag-asawa na konektado sa CCTV ng nursery.             Ilang sandali pa at sakay na sila sa stallion ni Daniel. Humahagibis iyon sa pagpasok sa kakahuyan. Halatang kabisadong-kabisado ng kabayo ang daan. Bilog ang buwan, nakapaliwanag ng paligid. Maya-maya pa ay tumigil na sa pagtakbo ang kabayo, naglalakad na lamang ito.              “Can’t it be true? Could I be wrong? That somewhere in my past, I fell in love with you,” paghimig ni Daniel sa may tainga niya. Lumapad ang ngiti niya. Agad gumitaw sa isipan niya ang eksena sa party ni Lolo Kupido. Iyon ang awitin noong hilahin niya ang lalaking nilalandi niya patungo sa dance floor at puwersahang alukin ito na maging last dance niya. Ang lalaking napakalakas ng s*x appeal at tinutukso ang imahinasyon at sekswalidad niya kahit pa nga ba nakamaskara ang lalaking iyon. Ang lalaking may makapangyarihang mga mata, magandang boses, at mapang-akit na labi. Si Daniel, si Daniel nga ang lalaking iyon.             Pinatigil ni Daniel ang kabayo. Pagkatapos ay hinawakan nito ang magkabila niyang baiwang at balewalang iniangat siya para makababa sa kabayo. Bumaba din ito. Batid nila na magsasayaw sila. Kaya kusa na siyang lumapit rito. Inihimlay niya ang kanyang tainga sa dibdib ng asawa habang marahang gumagalaw sila. Daniel is still humming the song. “Can’t it be true? Could I be wrong? That somewhere in my past, There was also me and you… I loved you only now… But I keep wondrin why It seem I've loved you forever... Somewhere there was you and I. Somewhere...”             “Whoa!” Bulalas niya nang maramdaman ang pagpatak ng kung anong malamig na tubig sa balat niya. Tumingala siya at kinumpirma ang hinala na umaambon. Biglang pumasok ang isang ideya sa isipan ni Celine. “Let’s play a little game,” pilyang wika niya sa asawa. “Hide and seek. Ikaw ang taya.” Agad siyang bumitiw sa asawa at paatras na lumayo rito. Her eyes were wicked, her smile was naughty.             “Oh,” nangingiting sabi ni Daniel. Bahagyang tumaas ang isang kilay. “Sige. I like this game.” Tumalikod ito sa kanya. “Magbibilang ako ng sampu. Isa…” Tumakbo siya at iwan ito. Bagaman hindi rin naman gaanong lumayo. Nagtago siya sa likod ng isang puno. “Siyam… Sampu! Hayan na ako, Sunshine…”             Hindi umimik si Celine. Tinutop pa niya ang bibig para hindi makalabas ang hagikhik roon. Nasa kakahuyan sila, maliwanag ang buwan, at parang nakikipaglaro din ang mga ibon at iba pang insekto. It felt so magical.             “Sunshine…? Where are you…? Dito ako lumaki, sa palagay mo ba ay mapagtataguan mo ako? Alam ko at kabisado ang bawat sulok ng isla…” sabi ng tinig ni Daniel. “Celine…” Pigil-pigil ni Celine ang pagtawa. “I can smell you. Kapag nakita kita, I’ll make love to you. And I will drive you wild. I’ll give you pleasure and the same time torment you until you beg. Aangkinin kita dito, sa paraisong ito…”             Napalunok si Celine. Tumindig ang mga balahibo niya, hindi dahil sa lamig ng panahon at ambon kundi dahil sa sinabi ng asawa. It instantly aroused her. Parang gusto na niyang lumabas mula sa pinagkukublihan at i-surrender ang sarili. Sa totoo lang ay malapit na niyang gawin iyon. “Sunshine…? Come on, show yourself. Ayaw mo bang hagkan ko ang buong katawan mo? Haplusin? Sambahin? Don’t you want me to kiss you and touch you down there? Don’t you want me to fill you? Bring you to ninth heaven?”             Oh, s**t! He was being unfair. Alam na alam nito na naaapektuhan siya sa mga salita nito, na madali nitong nagigising ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Hell! She could feel the tingling sensation swirling at the core of her being. Para siyang nauhaw bigla.             “Oh, Sunshine. I want your hot yet soft palm caressing my hardness.” Mas malagom ang tinig ni Daniel. Mas nakakapangilabot. Nakikini-kinita niya ang mga mata nitong punong-puno ng pagnanasa. Those wicked eyes that can make her wet with a single glance. “I want you squeezing my shaft and giving it a pressure until I can’t hold on anymore. Don’t you want to hear me moaning in ecstacy? Uttering your name?”             “Oh, God help me. I am obsessed with this man,” usal niya bago lumabas mula sa pinagkukublihan. Daniel was there, standing magnificently. Ang naninigas na korona ng kanyang dibdib ay sinsitibo na sa dampi ng kanyang kasuutan. “Hindi ka patas,” akusa niya. She was so aroused now.             “Oh. Hindi naman talaga patas ang buhay, Sunshine,” nakangising tugon nito, nagdiriwang sa paghantad niya ng sarili. Sa liwanag ng buwan ay kitang-kita ang nakasungaw na makamundong pagnanasa sa mga mata nito. “Lumapit ka,” utos nito sa kanya sa baritonong tinig.             Lumunok muna siya bago umiling siya. “Hindi. Ikaw ang lumapit sa akin,” aniya bago sumandal sa puno. She parted her lips and threw her head backwards. “Ahh, Daniel, you make me needy and hungry for you with just your words,” usal niya sa tinig na mapanghalina. “I want to feel your hot body, your hard length against the softness of mine. D-Daniel…” Kagat ang pang-ibabang labi, pumikit siya at iniliyad ang katawan. Batid niyang napaka-provocative ng ayos niya.             Napasinghap na lang siya nang hapitin ni Daniel ang katawan niya. Pagkatapos ay muli siya nitong isinandal sa puno at mariing inangkin ang labi niya.   “SSHH. Huwag kang gumawa ng kahit na anong ingay. May ipapakita ako sa ‘yo,” ani ni Daniel habang hawak-hawak nito ang palad niya. Nagniig sila sa kakahuyan. Sa ilalim ng liwanag ng buwan at patak ng ambon, nag-isa ang mga katawan nila. Hindi sila tumigil hangga’t hindi naaapula ang nagbabagang apoy sa mga katawan nila. At tulad ng dati ay mainit, mapusok at makamundo ang naganap na pag-uulayaw. They made love like cavemans, hot and hard. Papaano nga bang naging posible na ganoon sila ka-baliw at ka-lulong sila sa isa’t-isa? Para bang sadyang nilikha sila para sa isa’t-isa lamang.             Nagpunta sila sa kuweba kung saan naglinis sila sa ilog roon na nauwi rin sa pagtatampisaw at sa pagtutuksuhan. Nagbihis sila pagkatapos. May mga damit doon si Daniel dahil madalas itong mamalagi roon. Pagkatapos nga niyon ay niyaya siya nitong pasukin pa ang dako-roon ng kuweba. Mahaba at maraming parte ang kuweba na hindi pa niya nakikita ang bawat sulok. Takot naman siyang pumunta roon na mag-isa lang siya.             “Masyadong madilim, Daniel,” mahinang usal niya habang nakakapit sa braso nito at sumusunod rito.             “Akong bahala,” anito. “On my back.” Bahagya itong naupo, pinasasampa siya sa likuran nito. Ginawa naman niya, sumakay siya sa likod ng asawa at buong kasiyahang ipinulupot sa may leeg nito ang kanyang mga braso.  Malawak ang ngiti sa labi niya. Gustong-gusto rin kasi niya kapag ganoong karga siya ni Daniel sa likod nito. “Almost there. Huwag kang gagawa ng kahit na munting ingay.”             Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. “Yes, love,” aniya bago hinipan ang tainga nito. Pagkatapos ay idinikit niya ang ilong sa leeg nito at sadyang sinamyo ang amoy ng asawa, pinuno ang kanyang baga. Ah!             “Stop it,” saway nito sa mahinang boses. Halatang nagpipigil ng tawa. Kinagat naman niya ang pang-ibabang labi at pinigilan ang pagbungisngis.                 Pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumambad na sa mga mata ni Celine ang tila mabituing kalangitan. The stars were shining like diamonds. Nakakamangha iyon. Hindi ba at nasa kuweba sila? Kung ganoon may butas ang kuweba kaya nakikita nila ang kalangitan? Ibinaba siya ni Daniel. Nagtungo ito sa likod niya at mula roon ay niyakap siya. “Nakikita mo?” bulong sa kanya ni Daniel.             “Yeah,” mahinang tugon niya.             “Now watch.” Malakas na pinaglapat ni Daniel ang mga palad nito, lumikha iyon ng ingay na nag-e-echo sa kuweba. At sa isang iglap, nawala ang mabituing langit.             “Whoa,” she murmured. “Ano’ng nangyari?”             “Glow in the dark worms ‘yan, Sunshine.”             “Worms?” bulalas niya. “Glow in the dark worms?”             “Yeah. Ang totoo, ay inangkat pa sila mula sa ibang bansa. Just a few months ago. Iilan-ilan lamang noong una hanggang sa dumami na sila. Shhh. Huwag ka uling maingay…”             Hindi nga siya umimik. Pagkaraan lamang ng ilang segundo ay muling lumitaw ang mga liwanag. “Wow…” mahinang bulalas niya.             “Like it?”             “Oh. I like it very much. Amazing…”   “ILANG TAON ka na noong malaman mo na may Porphyria ka?” mahinang tanong niya. Sumandal siya sa malapad na dibdib ng asawa. Pauwi na sila niyon sa mansiyon. Kung hindi nga lang sila nag-aalala kay Christoff ay doon na sila sa kuweba matutulog. Lamang ay nagigising ang bata kapag mag-uumaga na.             “Tatlong taon, Apat… I really don’t know… Ang alam ko lang, habang nagkakaisip ako ay naipaunawa na sa akin nina Mommy at Daddy na hindi ako puwedeng masikatan ng araw dahil espesyal daw akong bata. Bantay-sarado ako noon, laging may nakatingin sa akin. Kinakain ako ng kuryusidad siyempre. Andami kong tanong; Paano ako naging espesyal? Bakit hindi ako puwedeng masikatan ng araw? Bakit sa araw nila ako pinapatulog? Bakit sa gabi lang ako puwedeng lumabas ng mansiyon. Sa gabi lang ako puwedeng mangabayo, o mag-swimming. Mga ganoong bagay…”             “Pagkatapos?” udyok ni Celine.              “Isang araw, noong malansi ko si Mommy at malingat sa pagbabantay sa akin, lumabas ako ng bahay. Tirik ang araw noon. Sa unang dampi ng sikat ng araw sa balat ko ay para akong napaso. Masakit. Napakasakit. Umiiyak na ako. Tapos nakita ko ang braso ko na parang umuusok…” Napapikit si Celine. Isang beses na rin niyang nakita si Daniel sa ganoong sitwasyon. Noong ibulgar nito sa kanya kung ano ang misteryo ng pagkatao nito. Masyado siyang nagulat at natakot noon. “Nag-panic ako,” pagpapatuloy ni Daniel. “Natakot. Hanggang sa mawalan ako ng malay. Noong magising ako ay nasa ospital na ako at nakahiga sa isang hospital bed. Porphyria, iyon daw ang tawag sa sakit ko. Sakit na lubhang pambihira. And then later on, nagkaroon ako ng mga atake ng depresyon at mood swings. It was… it was so hard. Lalo na kapag depresyon ang umaatake. Ayoko ng nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maramdaman iyon. And then there’s seizures, neuropathy... Noon ko lubusang napagtanto na kumplikado pala akong tao.”             “Hindi ko alam kung makakaya ko ang mga pinagdadaanan mo kung ako ang nasa posisyon mo. Napakatapang at napakatatag mo, Daniel.” Humigpit ang yakap niya sa asawa. Sadyang pumuwesto siya sa likod dahil gusto nga niya ang nakayakap rito.              “I guess wala akong ibang choice kundi ang maging matapang at matatag. Lalo na noong maulila ako. Thank God, Lino was there. Hindi siya umalis kahit suplado at bugnutin ako. Siya ang umalalay sa akin. Sa kanya ko napatunayan na hindi dahil magkaiba ang mga dugong dumadaloy sa mga ugat namin ay hindi na kami puwedeng maging magkapatid. I am blessed na nagkaroon ako ng kapatid sa katauhan ni Lino. Ikaw, how do you feel noong malaman mo na ampon ka ng mga Hampton?” tanong nito.             “Umiiyak ng umiyak,” tugon niya. Huminga siya ng malalim. “Pero ‘di tulad ng ibang bata na nagrerebelde, ako pagkatapos kung umiyak ay tinanggap ko ang katotohanan. Grateful na minahal ako ng totoo nina Mama at Papa. Though, parang nakaapak na ako sa numero simula noong malaman ko ang totoo. You know, hindi na ako ganoon ka-carefree. Iniiwasan ko ng gumawa ng mga bagay na ikakadismaya nila.”             “Kaya pumayag ka sa arranged marriage ninyo ni Marc?” tanong nito. Nakarating sila sa mansiyon. Itinali lang ni Daniel sa isang poste ang kabayo pagkatapos ay pumasok na sila ng bahay.              “Oo. Hindi ko magawang tumanggi lalo na at alam kong binigo ko na sila noong piliin ko na maging doctor kesa maging negosyante.”             “How about your biological parents? Hindi mo sila hinanap?”              “What for? Para mabuo ko ‘yong pagkatao ko? Para malaman ko kung saan ako nagmula?’ mapaklang tanong niya.             “Ayaw mo silang makita? Makilala?”             “E-ewan ko…” Nagyuko siya ng ulo.             Tumigil si Daniel sa paghakbang kaya napatigil din siya. Hinawakan nito ang baba niya at itinaas ang kanyang mukha. “Sa palagay ko ay gusto mo silang makilala. Gusto mo silang makita. Natatakot ka lang na malaman ang rason kung bakit ka ipinaampon.”             Celine forced a smile. Nagkibit-balikat siya. “Baka ganoon na nga. Ngayong isa na rin akong ina, hindi ko lubos maisip kung bakit may mga ina na…” Lumunok si Celine. Bigla ay nagkaroon ng malaking bara ang kanyang lalamunan. Nagsisikip ang dibdib niya. Huminga siya ng malalim. “Hindi ko lubos na maisip kung bakit may mga ina na nagagawang ipamigay ang anak nila. Maybe I am unwanted, hindi mahal...”             “Shhh.” Ikinulong siya ni Daniel sa bisig nito. Ang kamay ay humahaplos sa kanyang likod na para bang pinapawi ang bigat na nararamdaman niya. “There must be some reason why they can do such thing. Minsan may mga bagay na kailangang gawin dahil iyon ang mas makakabuti para sa atin. May mga pagkakataon na kailangan nating magsakripisyo at huwag maging makasarili. Ang mga tanong mo, sa palagay ko ay sila lamang ang makakasagot…”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD