“CELINE... Sunshine…” Ang tinig na iyon at ang marahang pagtapik sa kanyang pisngi ang gumising kay Celine. Nagmulat siya ng mga mata. “Pabiling-biling ka at umuungol. Para kang nananaginip,” sabi ng mahinang tinig ni Daniel. Sinulyapan niya ang asawa pagkatapos ay iginala ang paningin sa paligid. Nang masigurong naroon siya sa kanilang silid at panaginip lang ang lahat ay sumiksik siya ng yakap kay Daniel. Mariing pumikit siya. God! Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa mag-ama ko. Hindi ko kakayanin…
Panaginip lang ang lahat. Mariing pumikit si Celine. God! Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa mag-ama ko. Hindi ko kakayanin…
“You’re trembling,” nag-aalalang puna ni Daniel.
Pumikit si Celine, pilit iwinawaglit sa isipan ang bangungot na iyon. Bangungot kung saan parehong nawala sa kanya ang mag-ama. “I… I had a dream. A n-nightmare.”
“Shhh. It’s all right,” anang matamlay na tinig ni Daniel sabay haplos sa likod niya. “Panaginip lang iyon.”
Kumalma siya. Pagkauwa’y nanlaki ang mga mata nang mapagtanto niya na may dinaramdam nga pala si Daniel. Kumuha ng distansiya si Celine at hinaplos ang mukha nito, sinuri ang nakapalibot na aura. Daniel is back. Iyon nga lang, matamlay ito.
Hinuli ni Daniel ang palad niya na humahaplos sa pisngi nito at hinawakan iyon. “W-what happened?” Nasa anyo nito ang pag-aatubili. “Bu—Bukod sa p-pagwawala ay ano-ano pa ang mga ginawa ko?”
Naumid ang dila ni Celine. Dapat ba niyang sabihin sa asawa pinuwersa siya nito? Na natagpuan niya itong walang-saplot na nangangaligkig sa ilalim ng ulan, kulog, at kidlat na para bang hindi alam ang ginagawa? “N-nothing that scares me,” pagkakaila niya. “Nilagnat ka kagabi. Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?”
“Nanghihina hindi lamang katawan ko. P-parang pati isipan ko ay walang lakas.” Poor Daniel… “Did I hurt you?” malamlam ang mga mata na usisa pa rin nito. Halatang hindi ito matahimik. Naitanong tuloy ni Celine kung lagi bang ganoon ang asawa: hindi matandaan ang ilang ginagawa kapag inaatake. “Did I frightened you? Gumawa ba ako ng mga bagay na nagdulot ng takot sa ‘yo?” dagdag tanong pa nito.
“N-no,” aniya sabay iling. Pero oo, natakot nga siya. Nakadama ng maliit na takot sa ginawa ni Daniel. Sino ba ang hindi matatakot? “No.”
Daniel’s eyes wavered. “Nagsisinungaling ka… Ito,” Itinaas nito ang braso niya kung saan halata ang ilang pasa. “Ako ang may gawa nito, hindi ba? I f*****g hurt you,” kumislap sa galit ang kanina ay matamlay na mga mata ni Daniel. Naalarma si Celine. Hindi sa kanya nagagalit si Daniel kundi sa sarili. “Ano’ng ginawa ko, Celine? Did I hit you?” gigil nitong tanong. “Did I f*****g hit you?!” mataas ang tinig na tanong nito.
Nanginig ang labi ni Celine. Nanlabo ang mga mata niya, kasunod niyon ang pag-agos ng luha niya. Mabilis naman niya iyong pinahid. Baka lalong ma-upset si Daniel sa pag-iyak niya. Umiling siya. “You…you d-didn’t hit me. Hindi mo iyon magagawa sa akin, Daniel.”
“I forced you.” Sa pagkakataong iyon ay hindi patanong ang pagkakausal ni Daniel. He said it as a matter of fact. Bumangon si Daniel, naupo sa gilid ng kama. Ang kamao ay mariin ang pagkakakuyom. “Ilang beses? Isa? Dalawa? Tatlo?” Sa diin ng pagsasalita ni Daniel tila ba gagawa ito ng bagay na makakasakit sa sarili nito. Paparusahan nito ang sarili dahil sa ginawa sa kanya. At hindi iyon mapapayagan ni Celine.
Agad nakadalo si Celine. Niyakap ito mula sa likuran, isinubsob ang mukha sa likod nito. Hindi malaman ni Celine ang sasabihin. Ah! Ano nga ba ang dapat usalin sa sandaling iyon? Sabihin rito na ayos lang? Na nauunawaan niya ang lahat? Bumaba si Celine sa kama. Hinarap niya si Daniel, naupo siya sa pagitan ng nakabukang mga hita nito. Sinapo ni Celine ang mukha ni Daniel. Tensiyunado ang panga sa galit. Ang labi ay tiim. Salubong ang mga kilay. Iniiwasan nito na tingnan siya. “H-hey…” basag ang tinig na sinubukang hulihin ang mga mata ng asawa. Nagtagumpay naman siya. “Mahal kita? Narinig mo? Mahal kita at hinding-hindi mo ako matatakot sa mga ganoong bagay. I love you, Daniel,” aniya bago inangkin ang labi nito. Ang pagmamatigas ni Daniel ay natunaw sa halik niya. Tinanggap nito ang uhaw na labi niya at tumugon sa kaparehong intensidad.
Sinapo rin ni Daniel sa mga palad nito ang mukha niya. “Even if I love you, even if you mean the world to me, even if you’re my life mauunawan ko kung… kung hindi mo matatagalan ang isang tulad ko.” Kumislap sa luha ang mga mata ni Daniel. “M-mauunawaan ko kung g-gusto mong umalis at iwan ang madilim kong mundo. H-hindi ako magagalit sa ‘yo kung iiwan mo na ako. I am a complicated case, after all. Hindi na ito dapat maulit. Handa akong palayain ka—”
Umiling siya. “Tumigil ka, Daniel!” matataas ang tinig na sighal niya sa asawa. “Iyan na ang huling pagkakataon na sasabihin mo iyan. Ayaw ko ng marinig pa iyan, naiintindihan mo? Bakit ano’ng palagay mo sa akin? Tatakbo palayo sa mga pagsubok sa pagsasama natin?” marahas na pinahid niya ang mga luha niya. “Sapalagay mo, parang switch ang pagmamahal ko? Na naka-on kapag okay ka, at naka-off kapag dumaranas ka ng episode? You’re underestimating me,” emosyonal niyang wika. Ang sakit at pagdaramdam na naranasan niya kagabi ay hindi niya makapa sa kanyang dibdib. “I love you. Mahal kita ng buo, mahal ko ang buo mong pagkatao. Don’t push me away.” Nalaglag ang mga butil ng luha ni Daniel. Pinahid iyon ni Celine. Masyadong insecure si Daniel kaya nasasabi nito ang mga bagay na iyon. “Makinig ka sa akin, okay? Magpalakas ka para makaluwas na tayo ng Maynila at ng… at ng makilala mo na ang panganay mo. Sasamahan kita, Daniel. Narinig mo? Sasamahan ka namin ni Christopher.”
Nanginig ang labi ni Daniel. “P-paano kung… paano kung hindi umayos ang lahat?”
“Don’t think too much.” Masyadong nag-iisip si Daniel kaya siguro ito inatake. “Kinontak ka ni Ciara, ibig sabihin ay gusto niyang magkaroon ka ng papel sa buhay ng anak ninyo. Everything will be all right.” Hinagkan niya ang noo nito at niyakap. Makaraan ang ilang sandali ay bumitiw din siya. “Ikukuha kita ng mainit na sabaw, ha?”
“Hindi ako makakakain. Mamaya na lang siguro.” Bumalik si Daniel sa paghiga at pumikit. Ipinatong nito ang isang braso sa ibabaw ng noo.
Nakakaunawang tumango siya. “Alam ko na. You wanna see your son and kiss him good morning? Gusto mong kunin ko si Christopher? Alam mong mahal na mahal ka ni Christoff…”
Nagmulat ng mga mata si Daniel. Gumuhit ang manipis na ngiti sa labi. Sumungaw ang pananabik sa anak. “Please,” anito.
“KUMUSTA SI Daniel?” Pilit mang itago ang pag-aalala, alam ni Lino na nasa mukha niya iyon. Kababa lang niya ng helicopter. Alam ni Celine na darating siya kaya inantabayan nito ang pagdating niya. Papasok na sila ng mansiyon.
“Matamlay. Halos hindi makaalis ng kama,” tugon ni Celine. Ang mga gamit nito ay naipadala na niya sa silid ni Lino. “Nagpahanda ako ng pagkain. Kumain ka muna,” anito nang makapasok sila sa mansiyon.
Umiling siya. “Salamat pero kumain na ako sa eroplano.” Pinag-aralan niya si Celine. Napakatapang ng panlabas nito pero alam niyang puno ng pag-aalala ang puso nito.
“K-kanina ay suka siya ng suka.” Nag-iwas ng mga mata si Celine. Batid niyang nagpapakatatag lamang ito. Parang siya. Hindi siya kailanman nasanay sa mga atake ni Daniel. He was always nervous and worried. And frightened for him.
Inabot ni Lino ang palad ni Celine at binigyan ito ng sumusuportang pagpisil. Hindi sila sa hagdan nagtungo kundi sa elevator—ipinalagay iyon ni Daniel sa mansiyon noong maaksidente si Celine at binilinan ng mga doctor na hindi siya puwedeng mag-akyat panaog ito sa matatas na hagdan. “Lilipas din ang episode na ito.” Si Lino ang pumindot ng elevator. Pumasok sila.
“I know. I know these kind of things will happen. Hindi ko lang maialis ang pag-aalala sa puso ko. Siyempre. Mahal ko kasi siya.” Pilit na ngumiti si Celine. “And thank God we have Christopher. Siya ang nagpapangiti sa daddy niya.”
“Nakikini-kinita ko nga,” nangingiting wika niya. Bumukas ang elevator. Lumabas sila. Ilang hakbang lang ay master’s bedroom na pero hindi muna siya umabante para pumasok.
“Oo. Gustong-gusto niyang kinakausap ang ama niya kahit hindi naman maintidihan ang inuusal na salita. He likes just being with him. Gumagaan ang pakiramdam ni Daniel kahit papaano.”
“Hindi lamang si Christopher ang nagpapagaan sa dibdib ni Daniel kundi pati ikaw. Alam mo iyon, hindi ba?” aniya.
Tumango si Celine. Pagkuwa’y nanahimik.
“Celine, what is it?” tanong niya. Tila may gusto itong sabihin sa kanya. Lamang ay nag-aatubili ito. “Puwede mong sabihin o itanong sa akin ang lahat, alam mo iyon hindi ba? Lalo na kung tungkol kay Daniel.”
“K-kagabi…” mahinang usal nito. Again, Celine hesitated. Naghintay siya. “I… I f-found him sleeping under the rain, n—naked.”
“What?”
“G-gusto kong itanong sa iyo kung nangyayari ba talaga iyon? I understand that people suffering from Porphyria might suffer neuropathy, depression, and anxiety… N-natatakot lang ako, Lino, paano kung saktan niya ang sarili niya?” Sinubukan ni Celine na itaboy ang namumuong luha sa pamamagitan ng pagpikit-pikit.
Nahaplos ni Lino ang kanyang panga. “Minsan ko na rin iyong nasaksihan, him wandering in the forest, naked. Hindi alam ni Daniel na ginagawa niya iyon.” Ayaw mang gamitin ni Lino ang terminong ‘nasisiraan ng ulo’ pero parang ganoon na nga ang lumalabas. Nawawala ang lohikal na daloy ng isipan ni Daniel. Sabi nito ay may naririnig daw itong tinig sa isipan nito. That particular episode frightened him, it scared the hell out of him. Kung siya nga at natakot, si Celine pa kaya ang hindi?
“After this episode, hihimukin ko si Daniel na magpa-check up uli kahit hindi pa schedule ng check up niya.”
“Gawin mo. Pagdating sa sakit niya ay lagi namang nakikipagkooperasyon si Daniel,” aniya.
Pagkuwa’y iminuwestra na ni Celine ang master’s bedroom. “Let’s go see him. Tiyak na matutuwa si Daniel kapag nakita ka.”
“ANO ANG balak mo? Ninyo.” tanong ni Lino. “Kay Hugo?”
Sumulyap muna sa kanya si Daniel. “Kunin siya,” siguradong tugon nito. Naroon sila sa sala kasama si Gido para pag-usapan ang tungkol sa bata na ang pangalan pala ay Hugo.
Napabaling si Celine sa asawa. Akala niya ay napag-usapan at napagkasunduan na nila ni Daniel ang bagay na iyon. Kikilalanin ni Daniel ang bata, bibigyan ng pagmamahal at atensiyon, at magkakaroon ng kung ano ang meron si Christopher.
“Gusto kong sa akin lumaki si Hugo. Kasama namin ni Celine at Christopher,” dagdag pa nito.
“Daniel, hindi iyon ganoon kadali. Hindi papayag ang ina niya,” aniya. “Kahit dalhin mo pa sa korte ang laban. Alam mong nasa batas na dapat ay nasa piling ng ina ang bata kung ito ay wala pa sa pitong taong gulang. Hindi ba, Gido?”
Tumango si Gido. “Ganoon nga sinasabi ng batas. Malibang mapatunayan na hindi mabibigyan ng ina ng magandang buhay ang bata, o, malalagay sa panganib ang buhay ng bata dahil sa aspetong phsycological ng ina.”
“I will get him. Sa kahit na anong paraan,” matigas na sabi ni Daniel. “Palabasin siyang incompetent, o kahit na ano just to win my case. Kahit gumamit pa ako ng blackmail.”
“Hindi mo iyon magagawa,” umiiling na wika ni Celine.
“Magagawa ko. Kaya kong gawin,” matigas na saad ni Daniel. Pagkuwa’y pinukol siya ng malamig na tingin. “Bakit? Ayaw mong ikaw, tayo, ang magpalaki sa kanya?”
s**t. Pakiramdam niya ay bigla siyang naipit. “Daniel hindi iyon ang punto ko. Inilalagay ko lamang ang sarili ko sa sitwasyon ni Ciara bilang ina.”
Tumikhim si Lino. “Sa tingin ko, ibibigay ni Ciara ang bata kay Daniel.” Napamata si Celine kay Lino. “Kung nabasa ninyo ang pahabol na report, nakalagay sa imbistigasyon na may cancer si Ciara. Malala na. I think her days were numbered kaya kinontak niya si Daniel para dito iwanan si Hugo.”
“Hindi namin alam ang tungkol riyan,” aniya, nagtatanong ang mga matang ipinukol kay Gido.
“Nasa report iyon, kasama ng DNA result na ibinigay ko noong…” nagpreno sa pagsasalita si Gido. “…noong huling punta ko dito. I think nabanggit ko rin iyon noong unang mag-usap kami ni Daniel. Pero kung nakita ninyo iyong mga litrato sa e-mail, hindi maipagkakaila na may sakit doon si Ciara. Tama marahil si Lino na balak ibinigay ni Ciara ang pangangalaga kay Hugo sa ama nito dahil walang malapit na kamag-anak si Ciara. Teenager pa lang ay solong namumuhay na ito. Hindi malaman kung may mga kamag-anak pa ba, o wala na.”
Oo nga pala. Hindi na nga pala niya nabasa ang buong report dahil sa pagwawala ni Daniel. Tanging ang DNA result ang nakita niya. At wala rin namang siyang alam tungkol sa mga pictures na nasa e-mail umano ni Daniel.
“Wala pa lang magiging problema kung ganoon,” ani Daniel. “Kontakin mo siya, Gido. We’ll see her as soon as possible.”
“Sige.” Nang tumunog ang telepono ni Gido ay nagpa-excuse ito para sagutin iyon. “What?” mataas at may bahid ng pag-aalala ang tinig nito kaya naman nakuha nito ang mga atensiyon nila. “Sige, sige. Ikaw muna ang bahala riyan.” Nagmadali si Gido na bumalik sa upuan nito. “Ang tauhan ko na inutusan kong magbantay sa mag-ina—kina Ciara at Hugo, ang sabi ay isinugod daw sa hospital si Ciara. Must be her Cancer.”
“We need to see her now, Daniel,” ani ni Celine. “Baka walang tumitingin ngayon kay Hugo.”
Umayon si Daniel.
HULI NA sila. Pumanaw na daw si Ciara, bumigay ang mga internal organs nito dahil sa komplikasyon. Sa helicopter pa lang ay natanggap na nila ang balita. Ang abogado ni Ciara ang umasikaso sa labi ng huli. Ni hindi man lang nakausap ni Celine ang babae. Hindi man lang niya nasabi rito na hindi niya pababayaan ang anak nito. Na mamahalin niya si Hugo at ituturing na parang sariling anak niya. Of course she would love Hugo. Parang siya. Hindi ba at ampon rin lang siya pero minahal naman siya ng mga Hampton? Kaya rin niya iyong gawin kay Hugo.
Ang abogado ni Ciara, si Attorney Baban, ang tumanggap sa kanila sa bahay ng namayapa. Naibilin na umano dito ni Ciara ang lahat kaya inaasahan nito ang pagdating nila.
Naupo sila—si Celine, Daniel, at Gido. Si Lino ay naiwan sa penthouse para tumingin kay Christopher. “Hindi na namin patatagalin pa ang sadya namin,” ani ni Gido bilang abogado nila. “Narito kami para sa bata.”
Tumango si Attorney Baban. “Ang totoo, kung hindi man kayo nagpakita ay balak rin talaga naming hanapin kayo. Malinaw na bilin ni Ciara na ibigay kay Daniel Cavelli ang bata sa sandaling pumanaw siya. Matagal nang naiayos ng kliyente ko ang lahat ng papeles. At dahil wala namang ibang kamag-anak si Ciara, walang maaaring mag-contest ng will niya.”
“Nasaan si Hugo?” tanong ni Celine. As if on cue, dumating ang katulong bitbit ang isang bag—na marahil ay mga gamit ni Hugo, at isang yaya na karga ang isang bata.
Ibinaling ni Celine ang paningin kay Daniel, tiningtingnan kung papaano ito magre-react. Daniel’s face was blank. Emotionless. Tumayo si Celine at nilapitan ang bata. Nakatanga lang ito sa kanya. The little boy is handsome. Nakuha marahil nito sa ina ang mga facial features nito dahil wala siyang makitang pagkakahawig kay Daniel. Hindi tulad ni Christopher na marami ang namana kay Daniel. “Hello, Hugo. Ako ang Mommy Celine. Why, you’re handsome. Come…” Inilahad niya ang mga kamay niya sa bata. Napangiti na lang siya nang umakto ito na sasama sa kanya. Mukhang hindi naman ito nangingilala. Madali itong makakapag-adjust sa mga nakapaligid rito. Bumalik siya sa upuan, karga si Hugo. Iniupo niya ito sa mga hita niya. “Hugo, meet your handsome daddy.” Hindi tumalima si Daniel kaya naman pinukaw niya ang atensiyon nito. “Daniel…”
Kinarga ni Daniel ang bata. “Hello, s-son,” anito. Parang napapaso na iniiwas uli ang tingin kay Hugo. Tiningnan siya nito na sinagot niya ng umi-enganyong ngiti. Pagkaraan ng ilang saglit ay tumayo si Daniel. “We need to go. Maiwan na lang ang abogado ko, si Gido, para i-discuss ang iba pang bagay,” anito sa maotoridad na tinig sabay hakbang paalis.
Napatayo na rin si Celine. “Gido ikaw na muna ang bahala, ha?” Tumango si Gido. “Attorney, mauuna na ho kami. Huwag kayong mag-alala at hindi namin pababayaan si Hugo.”