Chapter 12

3231 Words
GOD! ANO na kaya ang nangyayari kay Daniel?  hindi mapalagay na paroo’t-parito si Celine sa loob ng master’s bedroom. Nginangatngat ng pag-aalala ang puso niya. Tawagan kaya niya si Lino at tanungin ito sa dapat niyang gawin? After all si Lino lang naman talaga ang higit na nakakakilala kay Daniel. Alam nito ang gagawin sa mga ganitong pagkakataon. At baka nga… baka nga sa sandaling ito ay si Lino ang hinahanap ng asawa niya. Hinihiling na nasa tabi nito sa oras na ito. Pinahid ni Celine ang luhang namalibis sa mga pisngi niya. Kukunin na niya ang telepono niya nang tumunog iyon. Tinungo ang mesita na kinapapatungan niyon at inalam kung sino ang tumatawag. Si Lino. Dali-dali niyang dinampot ang cell phone at sinagot ang tawag. “L-Lino…” “Nagreport sa akin si Gido. Ano ang ginagawa ni Daniel ngayon?” urgent ang boses na tanong ni Lino. “N-nagwawala,” sumigok siya. “S-sa library. B-binalikan ko kanina pero ikinandado niya ang pinto. Ano ang gagawin ko, Lino?” “Just… just let him be. Kailangan niyang ilabas ang frustrations niya, ang galit niya...” “B-baka sinasaktan na niya ang sarili niya. He was isolating himself. Ayaw niya akong papasukin. Ayaw niyang damayan ko siya.” Hindi napigilan ni Celine ang pagsigok kasabay ng pamamaybay ng luha sa mga pisngi niya. “A-akala ko nagkaintindihan na kami. Akala ko—” “Shhh,” putol ni Lino sa litanya niya. “Celine, kumalma ka, okay?” “Paano ba ako kakalma?” daing niya. Marahas na pinahid niya ang mga luha. “Wala akong magawa. Wala akong magawa, Lino. B-baka nga ikaw ang hinahanap niya ngayon. Ikaw ang gusto niyang dumamay sa kanya. Ikaw ang gusto niyang makausap. No matter how hard I tried hindi ko pa rin lubusang mapasok ang mundo niya!” hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang hinanakit. “Hindi pa rin, Lino. May bahagi pa rin ng pagkatao niya na ayaw niyang ipakilala sa akin.” “Celine, huwag mong sabihin iyan. Please lawakan mo ang pang-unawa mo. He’s just upset. Alam mong kahit gustuhin niya ay hindi niya napipigilan ang silakbo ng damdamin niya. Kailangan niya iyong pakawalan…” Kinagat ni Celine ang nanginginig na labi. “I know. P-pasensiya na sa outburst ko, hindi ko lang talaga alam ang gagawin.” “It’s okay, it’s okay. Listen, aasikasuhin ko na ang biyahe ko pabalik riyan. Aalalayan natin siya sa pagdating ng isa pang anak niya sa buhay niya. Okay?” Nagitla si Celine nang pabalandrang bumukas ang pinto ng silid. Si Daniel. Hindi na nakasagot si Celine kay Lino. Pinutol na niya ang tawag at hindi magkandatutong pinahid ang mga luha. “D-Daniel…” Isinara ni Daniel ang pinto. His eyes were so dark. Madilim ang mukha. Mapanganib ang aura. May bahid ng dugo ang mga kamao. Ang damit ay magulo. Para bang nakipag-away si Daniel sa hitsura nito. Tinangkang lumapit ni Celine. Hinawakan ng nanginginig na palad niya ang kamao nito. “N-nasugatan ka.” Hindi nagbago ang emosyon ni Daniel. Ni hindi ito tumugon. “Kukuha ako ng panlinis diyan at—”   Natigil sa pagsasalita si Celine nang balewalang bawiin ni Daniel ang kamao at iwanan siya. Nagtungo ito sa connecting door, sumilip roon. Nakita marahil na mahimbing ang tulog ni Christoff, isinara nito ang connecting door. Pagkatapos ay naupo ito sa gilid ng kama. Pinukol siya ng tingin nito. Mariin at parang matutunaw siya sa tinging iyon. Hindi malaman ni Celine ang gagawin. Halatang hindi pa kalmado si Daniel. “Strip,” malamig ang tinig na utos nito. Dumaan ang kilabot sa katawan niya. “H-ha?” Napalunok si Celine. Biglang rumagasa ang dugo sa likod ng tainga niya kaya dinig na dinig niya ang pgtibok ng pulso roon. “Maghubad ka.” “D-Daniel…” Tila naputol ang pasensiya, malalaki ang hakbang na nilapitan siya ng asawa. Hinawakan nito ang blusa niya at sa isang iglap ay nagtalsikan ang mga butones niyon. Celine was shocked. Daniel harsely lowered her shorts and panties. Pakiramdam niya ay mas nangingibabaw na ang takot sa dibdib niya. Daniel is acting like a monster. A beast. Pagkatapos ay pinangko siya nito, dinala sa ibabaw ng kama. Hindi niya malaman ang sasabihin, kung ano ang gagawin sa pagkakataong iyon. Ang tanging nagawa lang ni Celine ay kagatin ang labi niya para pigilin ang pag-iyak. But the tears were uncontrollable. Umiiyak siya pero maging ang luhang iyon ay walang halaga kay Daniel. Ipinapakita sa kanya ni Daniel ang isa pang bahagi ng pagkatao nito. You ask for it, Celine, sabi ng isang bahagi ng isipan niya. Gusto mong makita ang bawat parte ng pagkatao niya. Hayan ang isa…   ANG MGA malalakas na tunog ng kulog at kidlat na pumasok sa pandinig ni Celine ang gumising sa kanya. Napabangon siya. Sa paggalaw na iyon ay naramdaman ni Celine ang kirot sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, lalo na sa punong-katawan. Bunga ng pagiging marahas ni Daniel ang mga kirot at sakit na iyon.             Wala si Daniel sa tabi niya. Nag-init ang mga mata niya hanggang sa tuluyang mamuo ang mga luha roon. Daniel used her over and over again. Pinuwersa siya nito. Masakit ang katawan niya pero hindi naman siya sinapak o sinuntok ni Daniel. Maririin lang ang mga hawak nito. Walang pag-iingat, walang respeto, walang pagmamahal. Hindi na siya magugulat kung bukas ay may mga pasa ang katawan niya. Isinubsob ni Celine ang luhaang mukha sa kanyang mga palad. Tahimik siyang umiyak. She was experiencing emotional torture. Subalit sa kabila niyon ay hindi nawawala ang pagmamahal niya kay Daniel. Hindi nito sinadya ang ginawa. Kapag umayos na ang pakiramdam nito alam niyang pahihirapan nito ang sarili dahil sa nagawa. No, she won’t give up on him. Hindi siya mahinang babae na tatakbo at aalis sa isang mahirap na sitwasyon. Si Daniel ang lalaking pinangakuan niya na makakasama sa sakit at kalusugan, sa hirap at ginhawa. Mahal niya ito. Pasubok lamang ito. Bumangon si Celine. Isinuot ang nighties na nakita, pinatungan iyon ng roba ni Daniel. Nasaan na kaya si Daniel? Ano na kaya ang ginagawa nito sa sarili? Tinungo niya ang silid ni Christoff pero wala ang asawa roon. Wala rin sa basement. O, sa lugar na madalas nitong tigilan kapag gusto nitong mapag-isa. Sa kuweba kaya pumunta si Daniel? Kumuha ng payong si Celine at naglakas loob na lumabas ng mansiyon. Umuulan pa naman, kumukulog, at kumikidlat. “Oh, God,” bulalas niya sabay pikit nang gumuhit ang matalim na kidlat, kasunod niyon ang dumadagundong na pagsabog ng kulog. “D-Daniel, Daniel nasaan ka na ba?” Dahil sa lakas ng hangin at ulan ay walang nagawa ang payong ni Celine. Nabasa pa rin siya. Nagpatuloy sa paglalakad si Celine. Madalas ay napapaupo siya, sumasandal sa puno, ipinipikit ang mga mata at itinatakip ang mga kamay sa magkabilang tainga sa tuwing kumikidlat at kumukulog. Malapit na sa kuweba si Celine nang matigilan siya at manlaki ang mga mata. Nang kumidlat kasi ay bumaha ang liwanag at nakita ni Celine ang isang pigura. Hubad na pigura na patagilid na nakahiga sa may putikan. “Daniel!” bulalas niya. Alam niyang si Daniel iyon, sinasabi ng t***k ng puso niya. Dinaluhan niya ang asawa. “D-Daniel!” pag-iyak niya. Namamaluktot ito, nangangaligkig sa ginaw. “Oh, God!” Ano ba ang ginagawa nito sa ilalim ng masungit na panahon at hubad pa? Naglakad ba ito habang tulog? Nagmulat ng mga mata si Daniel. Tiningnan siya pero parang tagus-tagusan ang tinging iyon. Lalong napaiyak si Celine. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito at umiyak nang umiyak. Daniel please labanan mo ang depresyon mo. Ibalik mo na ang dating ikaw… “I love you. Mahal kita, Daniel. Mahal ka namin ni Christopher, ng anak mo.” Lumingon si Daniel sa paligid. “W-what I am doing here?” Hindi ko rin alam, Daniel, gusto sana niyang isagot. “D-Daniel, uwi na tayo. H-halika na. Iuuwi na kita…” Hinubad ni Celine ang roba at kahit nahihirapan ay nagawa naman niyang maipasuot iyon sa asawa. “K-kaya mo bang maglakad, ha? Kaya mo ba ang sarili mo?”             Tumango si Daniel. Tumayo ito. Pero mabuway ang may putik na katawan. Nangangaligkig ito. Inalalayan naman ni Celine ang asawa. Ipinatong niya ang isang braso nito sa balikat niya at inalalayang maglakad. “Y-you’re going to be all right,” nagpipigil ng emosyon na wika niya.   “ANG LAMIG, ang lamig lamig,” paungol na wika ni Daniel habang namamaluktot ito. Patuloy pa rin sa panginginig ang katawan at napakataas ng lagnat ni Daniel. “Hmm—m.”             Nalinis na ni Celine ang katawan ng asawa. At nabigyan ng gamot sa lagnat. Sa loob ng ilang sandali ay eepekto na ang gamot. Bagaman, pinag-iisipan niya kung ibabyahe ang asawa patungo sa hospital sa Maynila. Bilang doctor masasabi naman niya na hindi naman nanganganib ang buhay nito. “Shhh. It’s okay. Aayos na ang pakiramdam mo maya-maya,” aniya habang hinihigpitan ang yakap sa asawa. Napakataas ng temperatura nito na parang gustong mapaso ni Celine. “Celine would get tired of me, I know,” tila nagdedeliryo na wika nito. Dala iyon ng mataas na lagnat nito. “Alam ko nasaktan ko siya. Hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadya,” sumigok si Daniel. Si Celine naman ay nag-init ang mga mata at tuluyang nalaglag ang maiinit na luha roon. “Hindi mapapagod si Celine. Hindi siya mapapagod na mahalin ka, Daniel,” umiiyak na tugon niya. “I c-can’t help it. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. P-parang may demonyo na bumubulong sa isip ko. Inuutusan akong gumawa ng mga bagay na hindi maganda. Sabi niya…s-sabi niya hindi na daw masasaktan si Celine kapag sinaktan ko ang sarili ko. Natutuliro ako. H-hindi ko alam ang gagawin.” Kinilabutan si Celine. Nanindig ang mga balahibo niya. Depression is destroying him inside. Iyon ba ang dahilan kung bakit parang wala ito sa sarili? “H-huwag kang makinig sa kanya. Mas masasaktan si Celine kapag sinaktan mo ang sarili mo. Kay Celine ka lang dapat makinig, ha? Kay…kay Celine lang…” Nanakit ang lalamunan ni Celine dahil sa hagulhol na hindi mabigyang laya. “K-kay Celine lang…” sabi nito sa pagod na tinig. “Kay Celine lang. God I hurt her. Sinaktan ko siya,” anito, naglalandas ang mga luha sa mga pisngi. He looks so vulnerable. “S-she understands,” umiiyak na tugon niya. “N-naiintindihan ka niya.”  “C-can you tell her I love her? I love her so much.” Nang maramdaman niya ang pagpatak sa balat niya ng maiinit na luha ni Daniel ay parang gustong mamatay ni Celine. “I…I w-will tell her. Alam naman niya ang bagay na iyon, Daniel. Alam niyang mahal mo siya. At mahal na mahal ka rin niya. Naiintindihan mo? Mahal ka rin niya.” “Mahal ako ni Celine. Mahal niya ako kahit minsan para akong halimaw. Mahal niya ako ng buo.” Humina ang tinig ni Daniel, tila hinihila na ng antok. “N-naniniwala akong mahal ako ni Celine…”             “Shhh. Matulog ka na, Daniel. Magpahinga ka na…”             Gumaan ang paghinga ni Daniel, mukhang nakatulog na. Nawala na ang panginginig ng katawan nito. Nang masiguro ni Celine na mahimbing na ang tulog ng asawa ay maingat na bumaba siya sa kama. Nagtungo sa banyo at doon pinakawalan ang mga hagulhol niya.   “SUNSHINE, sunshine, wake up,” sabi ng masiglang tinig na nagpagising kay Celine. Nang rumihistro sa kamalayan niya na si Daniel iyon ay agad siyang napabangon. “Hey, good morning. Actually it’s good afternoon,” masiglang bati nito. Ni hindi siya nakahuma nang dampian nito ng halik ang labi niya. Pagkatapos ay inayos nito ang magulong buhok niya, hinawi ang mga hiblang nakalaylay palayo sa kanyang mukha.             “G-good… good afternoon,” sabi niya nang makabawi. “Kumusta ang… ang pakiramdam mo?” Kailangan pa ba niyang magtanong? Buhay na buhay si Daniel. Masigla ang mga mata at nag-uumapaw ang kasiyahan sa aura.             “I’m feeling great. Feeling bleesed,” tila naka-jackpot sa lotto ang ekspresyon ni Daniel. “Get up. Come on, Sunshine. May sorpresa ako sa ‘yo.”             “Yeah?” bumangon siya. Bumaba ng kama. Nahahawa sa kasiglahang ipinamamalas ng asawa. “Ano ang sorpresa mo?”             Kinubkob ni Daniel ang mukha niya sa mga palad nito. Tuwang-tuwa talaga ito, nag-uumapaw ang kasiyahang iyon sa buong mukha ng asawa. “Nagkaroon ako ng depression attack ‘di ba? Parang hindi nga depression, parang neuropathy—I think I’m losing my mind. But guess what?”             “What?”             “Kanina noong gumising ako, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Binuksan ako ang bintana at—”             Nanlaki ang mga mata niya. Nilukob siya ng pag-aalala. “Binuksan mo ang bintana?” nagpa-panick na pag-ulit niya. Sinuri ni Celine ang balat ng asawa, ang braso nito. Normal naman iyon, hindi mukhang nasunog.             Tumawa si Daniel. “Relax.” Nawala ang pagtawa nito. Halos mapasinghap si Celine nang gumitaw ang mga luha sa mga mata nito. “H-hindi…” Tumigil si Daniel sa pagsasalita at lumunok. Tumutulo ang luha nito pero hindi naipagkakaila na masaya ang kanyang asawa. Sinapo nito ang mukha niya sa mga palad nito. “H-hindi mo na kailangang mag-alala. Hindi na tayo mag-aalala dahil pinagaling na Niya ako, Celine. You heard me? Pinagaling na Niya ako.”             “A-anong ibig mong sabihin? Anong pinagaling ka na Niya?” Tumambol ang dibdib ni Celine. Ano ba ang sinasabi ni Daniel?             Binitiwan ni Daniel ang mukha niya. “You better see this, Sunshine,” sabi nito habang tinutungo ang direksiyon ng bintana. Hinawi nito ang makapal na kurtina roon.             “Daniel!” Hiyaw niya. Tumatambol ang dibdib sa pangamba. “Anong ginagawa mo?” lumapit siya rito, naaalarma. Hindi kaya hindi pa lumilipas ang depresyon ni Daniel kaya wirdo ang inaakto nito? “Alam mong bawal kang masikatan ng araw. What is wrong with you?” Gumuhit ang ngiti sa labi ni Daniel. Pagkuwa’y tila nakikipaglaro na tumakbo ito patungo sa veranda. “Daniel!” nag-aalang sigaw niya. Pero nasa labas na si Daniel at—suminghap si Celine, nanlalaki ang mga mata. Hayon si Daniel sa veranda, nakatingala, nakabuka ang mga braso, at nasisikatan ng araw. Pero walang nangyayari kay Daniel. Hindi ito naiirita, hindi nasasaktan, hindi nasusunog ang balat.             Natutop ni Celine ang bibig, kasabay niyon ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Napahagulhol siya. Totoo nga ba? Nakakalantad na sa sikat ng araw si Daniel? Hindi na ito sinasaktan ng araw? Dahan-dahan siyang humakbang patungo rito. Hindi na sinasaktan ng araw si Daniel. Kaya na nitong tumayo sa ilalim ng sikat niyon na parang isang normal na tao. Natatakot pumikit si Celine dahil baka pagkisap ng mata niya ay mabago ang lahat. “D-Daniel,” pag-iyak niya. Tuluyan ding tumulo ang mga luha ang mga luha ni Daniel. “Normal na ako, Celine.” Nanginginig ang labi na wika ni Daniel. Hindi mapigilan ang emosyon at patuloy na lumuluha dahil sa kaligayahan. “Kaninang paggising ko, binuksan ko ang bintana at ibinilad ang kamay ko. Nothing happened to me. Naramdaman ko lang ang normal na init ng araw na dumadampi sa balat ko. Pero hindi masakit ang init na iyon. Hindi nakakapaso. Hindi nakakasunog…” “Oh, my God!” bulalas niya. Nang tuluyang makalapit ay mahigpit na nagyakap sila at umiyak sa isa’t-isa. “Puwede na tayong maglakad sa ilalim ng sikat ng araw. Puwede na tayong mamasyal, mag-swimming, at kung ano-ano pa. Magkakaroon ng normal na ama si Christoff. Isn’t it a miracle?” Hindi magkandatutong sumang-ayon siya. “It is a miracle. Oh, God. Salamat po. Salamat po.” “Let’s go for a swim?” umiiyak na pagyayaya ni Daniel. “Gusto kong maranasan na maligo sa dagat na walang bubong ang nilalanguyan ko. Mag-sunbathe. Maglakad sa baybayin para damhin ang paghampas ng alon sa mga paa ko. Damhin ang paglubog ng mga paa ko sa buhangin. Gusto kong maranasan na mangabayo sa ilalim ng sikat ng araw. Andami, Celine, andami kong gustong maranasan…” Tumango siya. Tinuyo niya ang mukha nito. “Magsu-swimming tayo. Gagawin natin ang lahat ng bagay na gusto mong maranasan. Gagawin natin lahat.” Niyakap siya ni Daniel. Mahigpit na niyakap. “Samahan mo ako. Samahan mo ako sa unang pagranas ko sa maraming bagay.” “Siyempre,” umiiyak na tugon aniya, gumanti ng yakap. “Sasamahan kita. Sasamahan ka namin ni Christoff.” Humiway siya sa asawa at hinagkan ito ng mariin at maalab. “I’ll get Christoff ready. Mauna na kayo sa dalampasigan. Magpapahanda lang ako ng pagkain. Okay?” excited niyang sabi.  Inihanda ni Celine si Christopher. Ilang saglit pa at inihahatid na niya ang mag-ama sa front door. Muli ay hindi napigilan ni Celine ang pag-iyak nang hindi sa covered pathway maglakad si Daniel. Sa walang bubong na daan ito naglakad. God! hindi na nga ito nasasaktan ng araw. Lumingon sa kanya si Daniel na para bang alam nito na nakasunod ang tingin niya sa mga ito. Daniel smile and wave at her. Maging ang kamay ni Christoff ay ipinangkaway rin nito sa kanya. Tumango siya. Pagkuwa’y bumalik sa kusina para kunin ang pagkaing ipinahanda niya. Dahil nakapagpalit na rin siya ng damit panligo, hindi natagalan at sumunod na rin siya sa dalampasigan bitbit ang basket ng pagkain. Parang puputok sa sobrang saya ang puso ni Celine. Ayon sa siyensiya ay walang lunas ang sakit ni Daniel. Pero walang imposible sa Panginoong Maykapal. Kaya Niyang bigyan ng solusyon ang pinakaimposibleng bagay. Kaya Niyang magbigay ng himala at milagro. Gumagawa Siya ng mga milagro, nang mga bagay na hindi madaling paniwalaan. Dahil minsan, ang kailangan lang talaga ay maniwala sa Kanya at ipagkatiwala sa Kanya ang lahat. Walang imposible. Thank God, Thank God! Salamat po sa milagrong ipinagkaloob ninto kay Daniel. Salamat… Pero ang tila abot-langit na kaligayahan ay biglang naglaho at ang puso niya ay nabalot ng kaba nang matanaw niya ang pigura ni Daniel na nakahiga sa buhanginan habang tila… tila umuusok ang katawan. It scared the hell out of her. “N-no, no, no,” umiiling na wika niya. Hindi nagdalawang-isip si Celine, binitiwan niya ang basket at tinakbo ang kinalulugmukan ng asawa. “Daniel! Christopher!” hiyaw niya. Nilalamon ng takot at pangamba ang puso niya. Nang makarating ay halos panawan ng ulirat si Celine sa nakita. Si Daniel, sunog ang katawan, tirik ang mga mata. Parang walang buhay. Dinaluhan niya ito at kinalong. “No! Danie—l! Tulong, tulong! Tulungan n’yo kam—i!” Parang sira-ulo na hiyaw niya. Baka nga nasisiraan na siya ng ulo. “Christoff? Christopher, anak?!” Nagpalinga-linga si Celine, hilam ang luha sa mga mata. Sinabutan niya ang sarili, pinipilit makadama ng sakit. And there, she saw her baby. Padapang nakalutang sa ibabaw ng tubig ang katawan nito. “Christophe—r!” palahaw niya. “No—o!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD