“MANANG si Daniel?” tanong ni Celine sa kasambahay nang hindi niya makita ang asawa. Wala ito sa silid nila. Hindi rin naman karga si Christoff dahil nakita niyang nasa yaya ang bata. Nagtungo na rin siya sa library pero wala roon ang asawa. “Lumabas ho ba ng mansiyon?” Hindi kaya pumunta ito sa kuweba? Pero siguradong yayayain siya nito o hindi kaya ay magpapaalam ito sa kanya.
“Wala ba sa inyong silid, Ineng? Para nakita kong pumasok diyan kanina.”
“Ah. Sige po. Salamat.” May pagmamadali na bumalik si Celine ng silid. Sigurado siyang wala sa silid nila si Daniel pero mukhang alam na niya kung nasaan ito. Tinungo niya ang isang particular na sulok ng silid, katabi ng nakakuwadradong larawan ng kanilang kasal. Sa mahigit isang taon na pagsasama nila ni Daniel ay alam na niya ang bawat sekreto ng isla. Daniel showed it to her, shared her his kingdom. Ang mundo ni Daniel ay naging mundo na rin niya. She was now the queen of his kingdom.
Ang dingding na nasasabitan ng de-kuwadradong larawan ay tila ordinaryong dingding lamang. Pero tulad ng iba pang sulok ng isla, naipakita na rin sa kanya ni Daniel kung ano ang nasa likod ng dingding na iyon. Her fingers traces a particular spot. Nang makapa niya ang malambot na bahagi ay idiniin niya roon ang hintuturo. Iyon lamang at sa isang kisap ng mata ay bumuka ang dingding. Kasabay ng pagbuka ng dingding ay ang pagkakasindi ng isang ilaw. There, nakita ni Celine ang isang hagdan. Hagdan na patungo sa sekretong basement ng mansiyon.
Walang pag-aalinlangan na tinalunton ni Celine ang hagdan. Awtomatik din naman na sumara ang dingding. Habang bumaba, nauulinigan ni Celine ang tunog ng sunod-sunod na suntok at ang echo na nililikha niyon. Kung ganoon ay tama siya ng hinala. Daniel is in his gym. At may hinala na rin siya kung bakit narito ang asawa. Umaatake na naman ang mood swings nito. Sana ay mood swing lang…
Nakita niya si Daniel na nasa loob ng boxing ring. His jogging pants was hanging low in his waist. Ang mga kamao ay nababalutan ng boxing gloves. Daniel is barefoot. And he was shirtless. Boy, that chiseled body was no doubt but to die for. Kumikinang ang pawis sa katawan nito. Ang buhok ay basa na rin sa pawis. Ang bawat suntok na pinapakawalan nito ay malalakas at mapuwersa. Sa bawat pagsuntok sa punching bag ay humuhulma ang muscles sa mga braso at mas lalong gumigitaw ang mga guhit ng abdominal muscles.
Napuno ng pag-aalala ang puso ni Celine nang tuluyang mabistahan ang mukha ng asawa. Hindi mood swings ang umaatake kundi depresyon. Madilim ang mga mata ni Daniel na matiim na nakapako sa punching bag. Maigting ang ekspresyon. She knew he was raging inside. Para bang napakaraming galit sa dibdib nito na kailangang-kailangan nitong ilabas. Na kahit na anong gawin ni Daniel ay hindi iyon mapipigilan at ang tanging magagawa lamang ni Daniel ay palipasin ang mood swing o maghanap ng mapagbabalingan. Sa pagkakataong ito, ang punching bag ang tumatanggap ng lahat ng frustrations ni Daniel. But for the life of her, she couldn’t help but noticed that even in his madness, he was really a sight to behold.
“Daniel…” tawag niya rito habang lumalapit siya sa ring.
Tumigil ito sa pagsuntok na para bang noon lamang napansin ang presensiya niya. Bagaman hindi siya nito tinapunan ni sulyap. Pagkatapos ay muli itong sumuntok. Sa lakas ng puwersa ay um-echo sa paligid ang tunog ng tila umaaray na punching bag.
“Aba, at hindi ako pinapansin…” komento niya.
“Sunshine…” agad na sambit ni Daniel sa endearment nito sa kaniya. Sa timbre ng boses nito ay nakapaloob ang mensahe: leave him alone. Gusto ni Daniel na iwan niya ito dahil sinusumpong ito ng depresyon. Alam niya kung bakit. Because he was afraid he might hurt her. Pero kailanman ay hindi siya sinaktan ni Daniel—physically, dahil minsan na rin siyang sinaktan nito emotionally noong iparamdam nito sa kanya na hindi na ito intresado sa kanya. No matter how furious he was, he won’t hurt her. He simply can’t. Mas gugustuhin pa nitong saktan ang sarili kesa saktan niya.
Hindi pinansin ni Celine ang warning ni Daniel. Sa halip ay umakyat pa siya ng ring at pumaloob roon. Nang nasa loob na ay padipang ikinapit niya ang mga braso sa tali habang nakasandal din doon. “Go on,” aniya. Gusto ni Daniel na iwan niya itong mag-isa. Hayaan itong mag-isa sa delikadong mood na iyon. Pero hindi niya gagawin, hindi niya ito iiwan. Gusto niyang hatian si Daniel sa bigat ng dibdib nito, kung maaari nga lang ay akuin iyon ng buo. Gusto niyang malaman ng asawa na hindi lamang sa saya niya ito sasamahan kundi maging sa mga unos ng buhay nito.
Ipinagpatuloy nga ni Daniel ang pagsuntok, mas malalakas, mas maiigting. Habang si Celine ay hindi maiwasang hindi pagmasdan ang lalaking bumihag sa kanyang puso, ang lalaking nagpabago sa takbo ng buhay niya. Daniel is such a complicated case but he’s charming. He’s not perfect but she loves his imperfections. Mahal niya ng buo si Daniel. Mahal niya kung ano ito, o kung sino ito.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Daniel bago ito tumigil. Sa pagkakataong iyon ay lumingon ito sa kanya. The glint in his eyes were fearless and intense. Nakakadama siya ng bahagyang kaba, oo. Bakit hindi? Sinakop lang naman niya ang sariling espasyo ni Daniel. Pero hindi lamang kaba ang naroon sa dibdib niya. She was melting inside, too. May kung ano sa titig ng asawa na nagpapalambot ng tuhod niya. Naging mas mainit at masigabo ang titig ni Daniel at… napalunok si Celine. Nakuha na niya. Ang intinsidad ng titig nito… ang apoy roon… ang mahika… Napalunok si Celine. No doubt her husband was eye-f*****g her!
Pakiramdam ni Celine ay may bulkan na nabulabog sa kaibuturan ng pagkatao niya. Nag-iinit iyon, kumukulo. Nagbabanta ng pagsabog. Naging irregular ang paghinga ni Celine. Her breast felt heavier. Her c**t throb and ask for him. Hanggang ang bulkan ay tuluyang sumabog. It makes her wet. And wanting. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, subalit hindi niyon napigil ang ungol na nasa lalamunan niya. Daniel was able to make her come with just the intensity of his stare. Humigpit ang pagkakahawak niya sa lubid. She was so wet and throbbing and aching.
Ngumisi si Daniel. Alam nito kung ano ang nangyayari sa kanya. Alam nito kung ano ang epekto nito sa kanya. Pagkuwa’y itinaas nito ang kaliwang kamao na nababalutan ng boxing gloves. Habang huli pa rin nito ang mga mata niya, kinagat nito ang gloves at kagat-kagat na hinila iyon para hubarin sa kaliwang kamao. Pagkatapos ay ang kanan naman ang hinubaran nito ng gloves.
Bumitiw si Celine sa lubid para sana salubungin ang asawa. She wanted to claim his lips senselessly. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya kapag hindi pa nag-ugnay ang mga labi nila at kapag hindi pa dumampi ang palad nito sa katawan niya. She felt so needy right now.
“Manatili ka lang diyan,” pag-awat ng malamig na tinig ni Daniel sa gagawin niyang palapit rito. “Diyan ka lang Celine.”
“Daniel…” frustrated na reklamo niya.
Inilang hakbang ni Daniel ang paglapit sa kanya. Nang nasa harapan na niya ito at masamyo ang amoy nito ay napapikit siya. Naghahalo ang amoy ng pawis at ang natural na amoy ni Daniel. Lalaking-lalaki iyon. And for the life of her, the smell, the intoxicating scent aroused her even more. Binasa niya ang nanunuyong labi.
“Bakit matigas ang ulo mo, Celine?” malamig na sabi ni Daniel.
Oh, s**t! Galit si Daniel sa akin.
Idinikit ni Daniel ang ulo nito sa ulo niya. At hindi napigilan ni Celine ang sarili, pinuno niya ang kanyang baga ng amoy nito. Daniel was her drugs. He was her ecstacy. “Sinabi ko ng iwan mo ako, ‘di ba?”
She inhaled sharply. Ang labi niya ay nakaawang, naghihintay sa pananakop ng labi ng asawa. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng pasensiya at hindi na makapaghintay pa. “W-wala kang sinabi. Ang sabi mo lang ‘sunshine…’” Pumikit si Daniel na para bang hindi nagustuhan ang sagot niya. Oh, s**t. Bakit ba ginagatungan ko pa ang galit niya? saway ni Celine sa sarili. “D-Daniel…” usal niya.
Nagmulat ng mga mata si Daniel. Tulad ng inaasahan niya, lalong nag-apoy ang mga mata ng asawa. Hanggang sa mapasinghap na lang siya nang walang babalang punaloob sa blusa niya ang isang palad ni Daniel at walang pakundangang sinakop ang isa niyang dibdib. His hand made its way inside her bra. Pakiramdam ni Celine ay lalong nanuyo ang lalamunan niya. His palm was hot and burning. “Oh!” impit na ungol niya nang pisilin iyon ni Daniel.
“Binangit ko nga lang ang ‘sunshine’ pero alam mo kung ano ang ibig kong ipakahulugan. Lagi mong naiintindihan ang mga gusto kong mangayri, Celine! Pero pinili mong suwayin ako,” maigting na sabi ni Daniel. Lumipat sa kaliwang dibdib niya ang palad nito. Marahas ang bawat paghagod nito pero kung nagkakamali si Daniel kung inaakala nito na lubos siyang natatakot. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na ‘rough and wild’ ang mga naging pagniniig nila. Daniel is an alpha male and he’s dominant. Ang pagniniig nila ay lagi ng kapanapanabik at nagdudulot ng kakuntentohan. “Bakit Celine? Bakit pinili mong tantiyahin kung hanggang saan ang limitasyon ko? You know I am raging like a bull and you know very well I might hurt you!” bulyaw ni Daniel.
Halos mapalundag si Celine. Pero pinili niyang itago ang takot at maging matatag. Inilapat niya ang mga palad sa nakakahumaling na dibdib ng asawa. Sana lang ay hindi siya nanginginig. “D-dahil gusto kitang samahan sa sandaling ito, Daniel. Please, huwag kang magalit sa akin,” pakiusap niya.
“Kapag hindi puwede, huwag mong ipilit!” galit pa ring sabi nito. “Kapag gusto kong mapag-isa, hayaan mo lang ako. Hindi mahirap gawin iyon! Be sensitive enough!”
Napasigok si Celine. Her lips quivered. Nag-init ang mga mata niya at tuloy-tuloy na namuo ang luha roon. Napahiya siya roon. Tumalikod siya at umalis bago pa man iyon malaglag.
Daniel groaned in exasperation. “Celine,” paghabol nito. Agad siyang nahawakan sa braso. Sa isang iglap ay yakap na siya nito. Ang isang palad nito ay nasa likod ng ulo niya, habang ang isa ay nasa katawan niya na para bang hindi siya nito pakakawalan. “I’m sorry.” Hindi niya binigyan ng tunog ang pag-iyak niya, hinahayaan lamang na makawala ang mga luha. Naramdaman marahil ang patuloy na pag-iyak niya, binitiwan siya ni Daniel.
Tumalikod ito. Tila naghuhurumentado na pinagsisipa ni Daniel ang mga gloves at damit na nasa ibabaw ng ring. “Damn it! Damn i—t!” hiyaw nito, hindi para sa kanya ang mga mura kundi para sa sarili nito.
Napasikdo si Celine. Ngayon ay talagang natatakot na siya. “Stop it,” usal niya. Isinubsob niya ang kanyang luhaang mukha sa mga palad at doon umiyak.
Muli siyang niyakap ni Daniel. Ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso ni Daniel. Hindi naman na siya nagmatigas at gumanti rin ng yakap. Daniel held her face, pinawi ang mga luha niya. “I’m sorry… I’m so sorry.”
“Alam mo bang masakit sa akin kapag itinutulak mo ako palayo?” sumisigok na tanong niya rito. “In sickness and in health, remember? N-nasasaktan ako kapag itinutulak mo ako palayo. You are my better half, Daniel. Ikaw ang may-ari ng puso ko. Ikaw ang isinisigaw nito. Ikaw ang ama ng anak ko… p-please don’t push me away when you’re troubled. I’ve got your back, nalimutan mo na? Mahal kita sa kung sino ka,” aniya. “Hindi mo pa rin ba iyon alam hanggang ngayon?”
Daniel sighed. Nagyuko ito ng ulo.
Masuyong ipinaloob niya sa mga palad niya ang mukha nito at dahan-dahang itinaas iyon para magpanagpo ang mga paningin nila. “Ayaw mong makita ko at masaksihan ang madilim na bahagi ng pagkatao mo… dahil ba natatakot ka na… n-na baka mawala ang pagmamahal ko sa ‘yo? Daniel, I love you at your best and I still love you at your worst. Ke ikaw si Prince Charming, o si Beast. Ikaw ‘yan eh. Iyan ang lalaking minahal ko.”
Naging malikot ang mga mata ni Daniel. “This is not yet the ‘Beast’ in me.”
“Alam ko,” agad na tugon niya. Depression could be lethal, she was well aware of that. Maaaring magwala si Daniel, makapanakit ng hindi nito sinasadya. At hindi lamang iba ang puwede nitong saktan, puwede rin nitong saktan ang sarili. Alam rin niya puwede ring umatake ang neuropathy. “When worst comes to worst, I will still be here. At hindi lang sa salita, Daniel, kundi maging sa gawa. I love you.”
“Sabihin mo uli.”
“I love you, Daniel. Mahal kita. Mahal na mahal.”
“God,” daing ni Daniel. “Ano ang gagawin ko kung wala ka sa buhay ko, Sunshine? I love you too much.”
KUMURAP si Celine at muling binasa ang nakasulat sa papel na iniabot sa kanya ni Daniel. Nasa bathtub si Daniel habang siya ay nakaupo sa gilid ng bathtub. Sinabi na sa kanya ng asawa ang nangyari sa restaurant. Sa totoo lang ay naghahalo-halo ang reaksiyon sa kanyang dibdib. Naroon ang pangamba, takot, at pagseselos.
“N-nakipagkita ka na sa kanya?” lakas-loob na usisa niya. Ngayon ay mas naiintindihan na niya kung bakit umaakto ng ganoon ang asawa.
“No. Pinaimbistigahan ko lang. Hindi siya pamilyar sa akin. Pero hindi ko inaalis ang posibilidad na baka nga may anak ako sa kanya. You know there were a lot of women before you.”
Lumunok siya. Nakakadaman ng munting selos. Oo, batid niya na marami ngang babae ang nauna sa kanya. Kumakalma lang ang dibdib niya sa katotohanang kahit gaano pa karami ang mga babaeng iyon ay wala naman ni isa na minahal sa mga iyon si Daniel. Tanging siya lamang. Sa kanya lamang ibinigay ni Daniel ang puso nito, ang pangalan nito, at ang lahat-lahat dito. Sa kanya lamang nito ibinahagi ang mundo nito. “At…? Ipinagpapalagay ko na may resulta na ang imbistigasyon.” Binasa ni Celine ang tuyong labi. Totoo nga kaya na may ibang anak si Daniel.
Pumikit si Daniel. “Kumpirmado na nagkaroon nga kami ng relasyon. At may anak siya… at ako ang nakarehistrong ama,” mahina at nag-aalangan ang tinig na sabi ni Daniel. Nakagat naman ni Celine ang dila niya. No, hindi siya dapat masaktan. Hindi naman siya niloko o pinagtaksilan ni Daniel. “I-Iniutos ko na na isailalim sa DNA testing ang bata.”
“P-paano kung sa ‘yo nga ang bata?”
Nagmulat ng mga mata si Daniel. Tumingin ito sa kanya, pilit pinapasok ang pinakasulok ng kanyang isipan at pilit binabasa ang nilalaman niyon. “Ano sa palagay mo ang gagawin ko?” hamon nito sa kanya.
Inabot niya ang palad ng asawa at hinawakan iyon. “Give him what is due to him.”
“At ano ang nararapat, Celine? Ano ang dapat kong ibigay sa kanya?”
“A-ang pagkilala, pagmamahal, at atensiyon. Maging ang natural na karapatan niya—bilang isang Cavelli— sa yaman mo.” She smiled lightly. “Huwag nating gawing isyu na magkakaroon ng kahati si Christopher sa yaman na mamanahin niya sa ‘yo. I think, Christoff would be glad to have a big brother.”
Lumamlam ang mga mata ni Daniel. “Are you sure?”
“Oo naman. Hindi naman mahalaga ang pera. Isa pa, hindi rin naman biro ang manggagaling na mana sa parte ko. Wala rin naman akong ill feelings para sa bata. Tanggap ko ang mga nangyari sa nakaraan mo. Siguro kung may hindi man ako sigurado, iyon ay ang tungkol sa ina niya. Ayokong may kahati sa ‘yo. Sa mga anak mo lang kita puwedeng i-share pero hinding hindi sa ibang babae. Tandaan mo iyan, Daniel,” may halong banta at selos na sabi niya. Binitiwan niya ang palad nito bago bahagyang dumukwang at marahang hinaplos ang pisngi ni Daniel. “You’re mine.”
Daniel grinned. Halatang ikinasiya ang sinabi niya. “Tatandaan ko.”
“Good.” Nangingiting tumayo na siya. “Ipapahanda ko na ang mesa. Magbanlaw ka na at magbihis.”
“Sunshine,” tawag sa kanya ni Daniel nang humakbang na siya palabas ng banyo. Nilingon niya ang asawa. “Thank you,” anito. “Pinagaan mo ang dibdib ko.”
Nakangiting tumango si Celine. “Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo siya nakilala agad.” Pero may mga tanong si Celine na hindi masambit: Bakit kailangang itago niya sa ‘yo ang bata? Tapos ngayon ay magpaparamdam siya? “You’re a great father to Christoff, siguradong magiging mabuting ama ka rin sa kanya.”
“DUMATING na ang helicopter,” anunsiyo ni Celine sa asawa. Sakay ng helicopter na iyon si Gido para magbigay ng ulat tungkol sa DNA testing. Ayaw ni Daniel na marinig sa telepono ang resulta kaya pumunta roon ang abogado.
“I know,” sabi ni Daniel. Nakapamulsa ang mga kamay na nagpalakad-lakad ito. Halatang kinakabahan.
“Daniel,” nilapitan niya ang asawa at niyakap. Humahaplos ang mga palad niya sa likod nito, kinakalma ang asawa. “Magiging maayos ang lahat. Nasa tabi mo lang ako, okay?”
Tumango si Daniel. Maya-maya pa ay kumatok na ang katulong at ipinagbigay alam ang pagdating ng abogado. Agad din itong umalis.
Nilapitan ni Celine si Daniel. Iniabot niya rito ang palad niya. Tiningnan iyon ni Daniel, ngumiti, bago tinanggap. Oo, magkasama nilang haharapin ang lahat ng bagay. “Tayo na? Handa ka na?”
Tumango si Daniel. Ilang sandali pa at nagkahawak-kamay na tinungo nila ang library.
“Daniel, Celine,” bati ni Gido. Tumayo ito ng pumasok sila. A cup of steaming coffee was already served on the table. Ibinalik ni Celine ang pagbati. Si Daniel ay tumango lamang.
Umupo sila, magkaugpong pa rin ang mga palad. “Please have a seat, Gido,” aniya. Mukhang mabibilang ang mga salitang uusalin ni Daniel sa araw na iyon. Naupo nga ang abogado bago inilabas ang ilang papeles sa dalang atache case.
“Ano’ng balita sa ipinagagawa ko? Ano ang resulta ng DNA testing?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Daniel. “Akin ba ang bata?” Celine felt Daniel’s anxiety. Maging siya man ay ninenerbiyos.
Marahang pagtango ang naging tugon ni Gido. Kung siya ay kinilabutan, si Daniel ay tila binuhusan ng nagyeyelong tubig. Namutla ito. Daniel looked away. Iniabot naman sa kanya ni Gido ang papel na nagsasaad ng resulta. Positive ang hatol na nakasulat roon.
“Sige na makakaalis ka na,” anang walang emosyon na tinig ni Daniel.
“D-Daniel—”
“I said leave!” bulyaw nito, maging siya ay napapitlag. “Tatawag na lang uli ako kung may kailangan pa ako. For now I want to be alone. At ayoko nang ulitin pa ang mga sinabi ko.” Tinanggal nito ang pagkakahawak sa palad niya at aburidong inihilamos ang mga palad sa mukha.
“Sige na, Gido. Pasensiya na,” aniya.
“Naiintindihan ko.” Nakakaunawang sabi nito bago tumayo at lumabas ng library.
“Daniel…”
“Celine don’t talk. Please,” may diin at otoridad na utos nito. Para bang idinidistansiya muli ni Daniel ang sarili. “Can you please leave me alone?”
Nang mag-angat ng paningin si Daniel at makita niya ang mga mata nito ay nakita ni Celine ang kadelikaduhan sa mga matang iyon. Hell was raging inside him. Kinilabutan siya. Nilalabanan iyon ni Daniel, pilit kinakalma ang tila bulkan na kumukulo at nagbabanta ng pagsabog sa dibdib nito. But he can’t just contain his emotions. At batid ni Celine na hindi iyon oras para ipagpilitan niya ang presensiya niya sa asawa. “Nasa silid lang natin ako, okay?”
Tumango si Daniel. Alumpihit na lumabas si Celine nang library. Pagkasarang-pagkasara niya sa pinto ay narinig agad niya ang pagkabasag sa sahig ng kung anong bagay. Hanggang sa magkagulo roon sa tila mga itinatapon at ibinabalibag na bagay. Nagwawala si Daniel. Masisira nito ang kahit na anong bagay na mahawakan. Nakagat ni Celine ang labi niya. Please, don’t hurt yourself, Daniel… daing niya. Nakakaramdam siya ng pangangatog ng tuhod at grabeng kaba.
Patuloy sa pagwawala si Daniel. Humihiyaw ito at panay pa rin ang pagsira sa mga bagay na mahawakan. Hindi niya ma-imagine kung ano na ang hitsura ng library. Malamang ay para na iyong dinaanan ng ipu-ipo. But who cares about the materials things inside that room? Madali lang iyong mapapalitan. Si Daniel ang inaalala niya. God. Sana naman pagkatapos nitong magwala ay kumalma na ito. Sana ay maibuhos na nito ang lahat ng frustrations nito…