Chapter 10

2869 Words
HUMANTONG ang mag-anak sa isang Italian Restaurant. “Pizza lang?” tanong ni Daniel kay Celine. Sinusuri nito ang menu. Si Christoff ay nakaupo sa isang high chair. “Pasta dish ayaw mo? Or, ako talaga ang gusto mong kainin?” tudyo nito sa kanya. His smile was wicked. Maging ang kislap ng mga mata ay mapanukso. Ni walang pakialam si Daniel sa waiter na nakaantabay sa kanila. Natawa siya. “Vegetable salad na lang. Salad and Pizza. That’s all. Ayoko ng mabigat sa tiyan,” aniya. “Okay.” Binalingan ni Daniel ang waiter at sinabi ang mga order nila. Agad naman itong tumalima. “How about bukas na lang tayo umuwi sa isla? Naisip ko lang na baka gusto mong gumugol pa ng kahit kaunting oras sa pamilya mo. Or, imbitahan mo sila sa isla. That’s fine with me.” “Hmm. Magandang ideya. Panay nga ang tawag sa akin ni Nanay. Mag-dinner naman daw tayo sa kanila. At si Christoff, gusto rin nilang makilala.” “Walang problema. Though baka magtaka sila pag naging mapili ako sa pagkain. You know, hindi nila alam na may mga pagkain at ingredients na bawal sa akin. You can tell them my condition. I won’t mind. Ayoko lang na gagawin iyong paksa sa harap ko. Na para bang isa akong kakaibang nilalang o alien na kailangang suriin at i-interrogate.” Nagkibit-balikat si Daniel. “Hindi. Sa palagay ko ay masyado pang maaga para malaman nila ang kondisyon mo. Let’s take one step at a time. Tawagan ko na lang si Yolly para makapagpaluto ng ilang putahe na bibitbitin natin pagpunta doon,” aniya. Si Yolly ang asawa ng driver nilang si Lando. Pagkaraan pa ng ilang minuto ay dumating na ang mga in-order nila.     “SAMAHAN ko na kayo,” ani ni Daniel nang sabihin ni Celine na dadalhin nito si Christoff sa change room para palitan ito ng diaper at damit dahil puno na iyon ng laway at mantsa ng pagkain.             “Kami na lang. Settle the bill para makapagsimula na tayong mamili,” anito. “Oh. I almost forgot to tell you…” Ngumiwi si Celine. Ang ekspresyon ng mukha nito ay iyong animo may malaki itong kasalanan na nagawa sa kanya. “Na-check mo na ang  phone mo?” “Hindi pa mula kaninang umaga. Why?” Kinapa niya ang telepono sa inside pocket ng jacket niya. Naroon ang telepono. “I was using it last night then parang may na-DL ata akong virus. I mean, I don’t know kung paano nangyari at--- I’m sorr---” “Hey,” sansala niya sa asawa. He gave her a comforting smile. “It’s okay. Really. May back up files ako so nothing to worry about.” “Thank God!” bulalas ni Celine. Nang makalis ang mag-ina niya ay tinawag na niya ang waiter at sumenyas ng bill nila. Agad naman itong nakalapit at ibinigay ang hinihingi niya. Ibinigay ni Daniel ang credit card niya. Kinuha ni Daniel ang cell phone at sinuri. Pagbukas ng screen. Iisang folder ang naroon. Ang gallery. Kunot-noong bnuksan niya ang folder. Sa pagkasorpresa niya, may mga bagong pictures roon na nagpangiti sa kanya ng maluwang. He scanned them. Pulos selfie ng mag-ina at mga stolen shots niya. Hindi niya maiwasang matawa ng mahina sa mga wacky pictures ng mag-ina. Parang matutunaw ang puso niya sa kasiyahang nadarama. And then he saw a video. Kinuha niya ang wireless headset niya at inilagay iyon sa tainga. Ang video ay slideshow lang ng mga pictures at video clips. Ang mga kantang kasama niyon ay pinili, iyong mga kantang may kahulugan sa buhay nila. Kaya naman halos manikip ang lalamunan ni Daniel sa emosyon. It was so touching... the songs, the pictures, the video clips. Ang mga mata niya ay nag-iinit na kung hindi lamang niya pinipigilan ang sarili ay baka tuluyan ng namuo ang mga luha roon. Inabot ni Daniel ang baso ng tubig at uminom, kinakalma ang sarili. Pagkuwa’y idinayal niya ang numero ng asawa. “Virus, huh?” aniya. Pasimpleng nagbuga siya ng hangin. What’s happening to him? Nagiging mababaw yata ang luha niya. Humagikhik si Celine. “Like it?” “Oh, I love it. Pero next time Sunshine, huwag mong ibibigay ang sorpresa mo kapag nasa  public place ako, okay? You’re making me laugh and cry in public! Embarrassing.” Tawa ito ng tawa. “Embarrassing?” she asked merrily. “Ahm, honey, paki-tanggal mo nga sa silent mode ang cp mo.” Nagdududang kumunot ang noo niya. “Why?” “Basta.” Hindi na siya nakasagot dahil naputol na ang koneksiyon. Naguguluhan man, inalis niya sa silent mode ang telepono, pati ear phone ay inalis. Nag-ring ang telepono, sa gulat niya… I love you, Daniel! sabi ng ringtone na pumailanlang. Naka-full volume pa yata. It was Celine’s voice. Ginulat at kinuha niyon ang atensiyon ng mga tao sa restaurant. Lahat ay tumingin sa deriksiyon niya at sa teleponong nag-iingay ng eskandalosong I love you, Daniel! Natataranta at namumula ang mukhang sinagot niya ang tawag. And then he laugh it off. Ang embarrassment na nadarama ay nauwi sa malakas na pagtawa. “Crazy,” aniya sa asawa. Natatawa pa rin sa nangyari. “I love you,” humahagikhik na wika nito. “I love you more.” Ibinaba na si Celine ang telepono, pabalik na umano ito sa mesa nila. Iiling-iling at nagmamadali na ibinalik niya sa silent mode ang telepono. Mahirap na at baka may tumawag pa uli. “Excuse me, Sir,” sabi ng tinig na kumukuha sa atensiyon niya. Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ito. Isang waiter. Bagaman hindi ang nag-aasikaso ng bill nila. “Yes?” “Ahm, may nagpapaabot po.” Sinulyapan niya ang tangan nito. A piece of paper. “Mula kanino?” seryosong tugon niya. Pumaling ito sa bandang likuran. Sinundan naman ng tingin ni Daniel ang deriksiyon. “Mula po sa…I’m sorry, Sir, wala na po siya sa puwesto niya.” Kumunot ang noo ni Daniel. “Hindi ako tumatanggap ng kahit na ano na nagmula sa hindi ko kilalang tao.” The waiter looks intimidated. “S-sige po. Ibabalik ko na lang po ito sa kanya kapag nakita ko siya. Pasensiya po sa abala, Sir.”             “Wait,” aniya nang tatalikod na ito. Sinulyapan niya ang papel na hawak nito. Gusto niyang malaman kung ano ang nakasulat roon. “I think I’ll make an exception. Akin na.”             “Heto po.”             Tinanggap ni Daniel ang nakatuping papel. Binuksan niya iyon at binasa. What the f**k! bulalas niya sa isipan sabay suyod ng tingin sa paligid para tingnan kung may pamilyar na mukha roon na maaaring mapaghinalaan niya na siyang nagpadala ng mensaheng iyon. Nang makita niyang paparating na si Celine, mabilis niyang ipinamulsa ang papel. Aminin man niya o hindi ay may bumabangong intriga at kuryosidad sa dibdib niya. Sino man ang nagpadala niyon ay siguradong kokontak uli. Kapag napatunayang niloloko siya nito ay pagbabayarin niya ito. Kapag naman totoo ang sinasabi nito ay…God! Hindi niya talaga alam ang gagawin kapag totoo nga ang nasa liham. Kung sana ay narito lamang si Lino…   DANIEL stared at his sleeping wife and son. Hindi siya makatulog dahil sumasagi sa isipan niya ang pangyayari kanina sa restaurant. Gumigitaw sa balintataw niya ang mga katagang nakasulat sa papel. Salamat na lang at hindi iyon naging dahilan para masira ang masayang araw nilang mag-anak. Namili pa rin sila at namasyal. Pagkatapos niyon ay nagtungo na sila sa bahay ng mga magulang ni Celine at gumugol doon ng ilang oras.             Maingat na bumangon si Daniel. Matapos dampian ng magaang halik ang mag-ina ay bumaba siya ng kama. Inabot niya ang roba niya at isinuot iyon. Pagkatapos niyon ay hinagilap niya ang cell phone at binitbit iyon palabas ng veranda na kanugnog ng silid nila. Gamit ang remote control, nahawi ang makapal na kurtina na siyang tumatabing sa pintuang bubog na papunta sa veranda. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Madilim ang paligid. And the darkness engulp him like he was a part of it. Darkness, yeah, his world. Mundong hindi na mababago pa. Naupo siya sa rocking chair na madalas gamitin ni Celine kapag naroon ito. Malamig ang simoy ng hangin. Mukhang uulan. Can we meet? It concerns our son that I didn’t tell you about… —Ciara Trinidad             Iyon ang nakalagay sa kapirasong papel na iniabot kanina ng waiter kay Daniel. Iyon ang mga salitang umuukilkil sa isipan ni Daniel. He had no f*****g idea who Ciara Trinidad was. Pero iyong sabihin nito na may anak sila? Anak na hindi umano nito sinabi sa kanya ay lubhang gumugulo sa kanyang isipan.             He had a healthy s****l appetite. May mga pagkakataon pa nga na inaatake siya ng s*x mania kung saan walang kapaguran na nakikipagtalik siya na para bang gumon na gumon siya sa bagay na iyon. Hindi niya mapigilan ang sarili. Isa iyon sa mga hatid sa kanya ng kanyang pambihirang sakit niya.  At noong wala pa sa buhay niya si Celine ay dumadating at umaalis ang mga babae sa piling niya. Walang nananatili. A new girl would come and would fill his s****l urges. Kapag napunan na ang pangangailangan niya, kapag sawa na siya ay aalisin na niya ito sa buhay niya pagkatapos ay dadarating uli ang panibago. At sa tuwin ay nasa kanya ang pagpapasya kung kailan matatapos ang pisikal na relasyon. Dalawang linggo ang pinakamatagal na fling niya. Sa sobrang dami ng mga babaeng dumaan sa palad niya ay halos wala siyang matandaang pangalan. Siguro dahil hindi naman talaga siya intresado sa mga ito. He was only after their body and the great s*x that comes with it. Si Celine ay dapat na ganoon din ang kahahantungan. Para lamang itong isang putahe na ikini-crave niya ng husto. At kakainin niya ang pagkain na iyon. Magpapakabusog. Magpapakasawa hanggang sa maumay siya, hanggang sa manawa siya at umayaw. Pero hindi siya nanawa. Hindi siya naumay. Nabubusog siya pero gusto pa niya lagi. He can’t get enough of her. Lulong na lulong siya kay Celine. Hanggang sa madiskubre niya na mahal pala niya ito. Binago ni Celine ang buhay niya. Hanggang sa magising na lang siya na ito na ang kahulugan ng buhay para sa kanya.             Idinayal niya ang numero ni Lino bago dinala sa tainga ang telepono. “Daniel,” anang boses ni Lino pagkaraan ng tatlong ring. Hindi makapagsalita si Daniel. Sa totoo lang ay hinihiling niya na sana ay narito ito. Dahil pagkaraang mamatay ng mga magulang niya ay si Lino na lang ang meron siya. And Lino knew him. Alam nito ang bawat kilos niya, ang bawat galaw ng mata. He could tell when he’s all right or not. Nasasabi agad nito kung inaatake siya ng depresyon, o mood swing, o abdominal pain… “Daniel what is it? Nasaan ka?” Naaalarmang sabi ni Lino. “Kasama mo ba si Celine? Do you—”             “I’m home and I’m all right,” putol niya sa litanya nito. Pumikit si Daniel. Nanahimik. Matagal niyang kinumbinsi si Lino na unahin naman ang sarili at tahakin ang sariling landas, kapag sinabi niya sa kaibigan ang gumugulo sa isipan niya ay siguradong mag-aalala ito.             “May gumugulo sa ‘yo, ano iyon?” pangungulit nito.             “Naiistorbo ba kita?”             “Anong klaseng tanong iyan?” balik-tanong nito. “Kung puwede nga lang mag-teleport para sa isang kisap-mata ay nandiyan na ako. Come on. Tell me what’s bothering you.” Hindi siya umimik. Sabi na nga ba. He should knew better. Iyong pagtawag pa lang niya ng ganitong oras at pag-aatubili sa pagsasalita ay siguradong nagbigay na ng ideya kay Lino na may “Daniel…come on speak up.”             “Does…does the name Ciara Trinidad ring any bells on you?” If Ciara used to warm his bed, if she used to be one of his flavor of the weeks, then Lino might just knew her.             “Hindi ako sigurado. Bakit?”             “Wala. Wala naman,” aniya bago huminga ng malalim. Hindi na siya nagulat nang unti-unting pumatak ang butil ng mga ulan sa kanyang katawan. Alam niyang uulan. The smell of the breeze told him so. “I’ve…got to go.” Hindi na niya hinintay na makasagot si Lino. Pinutol na niya ang tawag.             He practiced safe s*x pero alam naman niya na hindi iyon isandaang porseyento na garantisado. Hindi nga ba at hindi rin naman inaasahan ang pagdating ni Christoff? May anak nga ba siya sa Ciara na iyon? Ah, kailangan niyang magpaimbistiga.   HINDI MAPAKALI si Lino, malalaki ang hakbang na paroo’t-parito siya sa loob ng kanyang hotel suite sa Amsterdam.  Masyado niyang kilala si Daniel na batid niyang may gumugulo rito. Huwag naman sana itong atakihin ng depresyon sa kung ano mang gumugulo sa isipan nito. Kung puwede nga lang na sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito. Nag-aalala talaga siya. Bukas na aklat sa kanya si Daniel. Siya lang ang kinakausap nito kapag umaatake ang sakit nito. Sana naman ay magawa nitong magbukas ng damdamin kay Celine. “Ah!” Humugot siya ng malalim na hininga bago dinampot muli ang cell phone na nasa ibabaw ng kama. He dialed Gido’s number. Pagkaraan ng ilang ring ay kumunekta ang tawag niya. “Gido, pasensiya na kung naistorbo ko ang tulog mo.” “Hindi mo gagawin iyon kung hindi importante,” sabi ng paos na tinig ni Gido, halatang nagising nga niya. “Tungkol ba sa DeKart na ipinapaasikaso ni Dan—” “No. Hindi tungkol sa DeKart,” putol niya rito. Technically, hindi lamang si Daniel ang boss nito at ni Peter kundi maging siya man. Hindi dahil kanang kamay siya ni Daniel, kundi dahil sa mga legal aspects ng pera niya kung saan ito rin ang abogado niya at si Peter ang accountant. “Nasa isla ba sina Daniel?” “No. Nasa Cavelli Place sila pero pabalik na rin yata ng isla. Baka bukas.” “Okay, listen. Gusto kong paimbistigahan mo kung sino ang isang Ciara Trinidad. Alamin ang lahat ng tungkol sa kanya. Gusto kong makakuha ng sagot sa lalong madaling panahon. Magdagdag ng tao kung kinakailangan.” “Copy,” sabi nito. “Wait. May incoming call mula kay Daniel.” “Sagutin mo. Sa palagay ko ay parehong bagay lang ang ipagagawa niya sa iyo. Sige ibababa ko na ang telepono.”   PALAKAD-lakad si Daniel sa loob ng library. Limang araw na ang nakalilipas mula nang paimbistigahan niya kay Gido kung sino ang isang Ciara Trinidad. Inaasahan niya ang tawag ni Gido ano mang sandali. Ilang saglit pa nga at tumunog ang telepono niya. Daniel collected himself. Dinampot niya ang telepono at sinagot ang inaasahang tawag. “Ano ang mga nalaman mo?”             “Twenty seven years old. Nagmula sa isang middle class family. Solong anak. Undergrad sa kursong Hotel and Restaurant Management. She used to be a model. Sinubukang mag-artista but she never make it. She now owns two restaurants. Single parent sa isang taung gulang na batang lalaki…”             Napapikit si Daniel. So she really has a child. Is the child mine? “At Daniel… she had been your woman. Kasama ang pangalan niya sa listahan ng mga babaeng binigyan ng pera para patahimikin at huwag ka ng lapitan pa. Sa birth certificate ng bata ay ikaw ang nakalagay na ama.” Paran tinadyakan ng kabayo ang sikmura ni Daniel. Sa loob ng ilang sandali ay hindi siya makakibo. “At nalaman ko na may sakit si Ciara. Termin—”  “Isailalim sa DNA testing ang bata. See if the child is mine.” Putol niya sa sinasabi pa ni Gido. Ni hindi na nga rumihistro sa kanya ang sinasabi pa nito. “Papupuntahin ko riyan ang piloto para magdala sa ‘yo ng piraso ng buhok ko.”               “Okay. We’ll do that as soon as possible. Kung interesado ka sa kung ano ang hitsura nila, buksan mo ang e-mail mo. May mga ipinadala akong pictures.”             “Kailan ko puwedeng malaman ang resulta ng DNA testing? I want it as soon as possible.”             “24 hours to 48 hours, I think. 72 hours max. Basta aasikasuhin ko kaagad ito at bibigyan ka ng report.              Pinutol ni Daniel ang tawag nang hindi tumutugon sa abogado. Pagkuwa’y tinungo niya ang kinaroroonan ng desk at naupo sa swivel chair. He opened the lid of his laptop. May mga pictures umano na ipinadala si Gido kung gusto niyang makita picture nina Ciara at anak nito. Pero nagdalawang isip siya kung bubuksan ang e-mail o hindi. Pinindot rin niya ang e-mail icon pero sa huli ay basta na lang niya isara muli ang lid ng laptop. “Damn it,” gigil na bulong niya. Isinandal ni Daniel ang kanyang ulo sa headrest ng swivel chair bago pumikit.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD