Chapter 9

3114 Words
PINUNO ni Celine ang kanyang baga ng lalaking-lalaki na amoy ng kanyang asawa. Amoy pawis na hinaluan ng natural na mabangong amoy nito. Ah! He was really her drug. Ang kanyang ecstacy. Ito ang kahinaan niya, lulong siya kay Daniel. Iniangat ni Celine ang kanyang ulo, bago bahagyang umusog at inihimlay ang kanyang ulo sa hubad na dibdib ng asawa. Malakas at eratiko ang pagtibok ng puso nito. Tila tambol ang dating niyon sa kanyang tainga. Pareho silang tahimik. Ninanamnam ang sarap at luwalhating hatid ng pag-iisa ng kanilang mga katawan habang binabawi ang paghinga.   Naramdaman niya nang haplusin ng palad ni Daniel ang buhok niya. “Hindi ko pa nakukumusta ang pakiramdam mo. I mean sa naging paghaharap ninyo ng mga magulang mo…” anito. How was it?” “I feel…whole,” aniya at sinimulang paglaruan ang mga maninipis na balahibo ni Daniel sa dibdib nito. “Napunan na iyong puwang na pilit kong ipinagkakaila sa sarili ko na meron ako. N-nasagot na ang mga tanong ko. At… at hindi ako makapaniwala sa… sa pinagdanan nila.” “Ah, my dearest. Kung alam mo lang kung papaanong umiyak sila noong lumitaw ako roon at ipakita ang picture mo. So, ngayong nasagot mo na ang mga tanong mo, nahiling mo ba na sana ay hindi ka ipinaampon? Na sana ay sa kanila ka lumaki?” Dumapa si Celine para makita ang mukha ng asawa. “Sa totoo lang ay iniisip ko ang bagay na iyan. And then I think of you and just like that I found the answer I needed.” Marahang umiling siya. “No. Hindi ko gusto na mabago ang naging takbo ng buhay ko. Iyong mga pinagdaanan ko, iyon ang dahilan kung ano at sino ako ngayon. I think my life meant to be in that way. Kasi kung nagbago ang takbo ng buhay ko, kung nagbago ang landas na tinahak ko ay baka hindi tayo nagtagpo. Hindi sana ako ganito kasaya ngayon. Hindi ko sana natagpuan ang lalaking kahulugan ng buhay ko. Ang lalaking mahal na mahal na mahal na mahal ko…” Napangiti si Daniel. Maging ang mga mata nito ay ngumingiti. Mayroong mga mumunting ilaw na nagsasayaw doon. Halatang ikinasiya ni Daniel ang narinig. “I beg to disagree, Sunshine.” Ang palad nito ay lumipat sa pisngi niya at humaplos roon. “Naniniwala ako na kahit na anong landas ang tahakin natin, lagi pa rin iyong patungo sa isa’t-isa. Our roads will always lead to each other. Ganoon ang laro ng kapalaran. Pagtatagpuin at pagtatagpuin ang mga pusong nakalaan para lamang sa isa’t-isa.” Siya naman ang lumawak ang ngiti. “Alam mo, Mister Daniel Cavelli, habang dumadaan ang mga araw ay lalong nagiging romantiko ang mga lumalabas dito.” Itinuro niya ang bibig nito, pagkatapos ay hinaplos ang outline ng labi. Ah, ang labing iyon na una rin niyang kinahumalingan noon. Buo iyon, pilyo, at masarap. At hindi napigilan ni Celine ang sarili. Hinagkan niya ang asawa. Dinama at ninamnam ang lambot at tamis niyon. Nagpatuloy sila pagkukuwentuhan. Maya-maya pa ay hindi napigilan ni Celine ang paghikab. Hinapit siya ni Daniel. “Alas dos na. Matulog ka na. Pupunta pa tayo mamaya sa doctor mo para sa check up ng binti mo.” Hindi na tumutol si Celine dahil hinihila na rin siya ng antok. Muli siyang humikab bago nagsumiksik sa asawa. “Tell me some bedtime stories,” inaantok na paglalambing niya. “’Yung tungkol sa Prinsipeng may espesyal na sakit.” Daniel chuckled. “Okay. There was once a super handsome but lonely prince.” “Handsome, huh?” inaantok na komento niya, bakas ang ngiti sa labi. “Yes. The prince is super handsome,” anito, dinampian muli ng halik ang kanyang noo. Ramdam niya ang titig ng asawa. Hinagilap niya ang palad nito at hinawakan iyon. “He was lonely because he thought he’ll be forever alone in his dark kingdom…The prince was moody, arrogant… ”   TULOG ang bata, si Daniel naman ay nasa library at hinaharap ang ilang papeles. Celine’s on the couch, surfing the net on her ipad. Tumunog ang telepono. Inilapag ni Celine ang Ipad at tinungo ang kinaroroonan ng telepono. Galing sa ibaba ng building ang tawag, sa reception desk. “Ma’am, may mga dumating pong sulat. Ipapaakyat ko na po riyan.”             “Yes, please. Thanks.”             Wala pang dalawang minuto ay mag nagdo-dorbell na. Nakita niya sa safety monitor sa likod ng pinto na ang guwardiya ang nasa labas. Pinagbuksan niya ito ng pinto. “Heto po ang mga sulat, Ma’am.”             “Salamat.” Tinanggap niya ang mga sobre. Agad din namang nagpaalam ang guwardiya. Karamihan ay puti ang sobre, iyong style pang-business. Kay Daniel ang mga iyon. Pinasadahan ni Celine ng tingin ang mga sobre, binabasa kung kanino galing. Hanggang makita niya ang isang sobre. Kulay pink iyon na may naka-emboss na prints ng cimson roses. Tumaas ang kilay niya. Hindi iyon business letter. At dahil nakatalikod pa ang sobre, hindi niya makita kung kanino galing. Binaligtad niya ang sobre. To: Celine Cavelli ang nabasa niya. May stamps pa iyon. “Para sa akin?” mahinang bulalas niya. “Kanino galing?” Dahil curious, bumalik siya sa sofa. Inilapag sa mesita ang mga sulat at binuksan ang partikular na sulat na para umano sa kanya.             Dear Sunshine,             Bumuka ang labi niya sa pagkagulat. Agad niyang ibinaba ang tingin sa dulo ng sulat, tiningnan kung sino ang nakapirma. Nang makita, ang pagtataka ay nauwi sa pagngiti. At sa kilig. It was no ordinary letter. It’s a love letter. Galing kay Daniel. “Oh, jeez!” kinikilig na usal niya, kagat-kagat ang labi. Napuno ng emosyon ang kanyang puso at halos maluha pa siya. To think na hindi pa naman niya nababasa ang sulat. Hindi pa niya alam kung ano ang mga laman niyon. Pero ang aksiyong iyon ng asawa niya ay talaga namang nakaka-touch. Ibinalik niya ang paningin sa sulat.             Oh, Sunshine, wala kang ideya kung ilang trashcan ang napuno ko dahil sa paulit-ulit na pagrerevise ng sulat na ito. I don’t know where to start actually. Why, ito ang unang beses na magsusulat ako ng love letter. Yes, love letter. Can you believe that? No? Yeah, me, too. :D Anyway, nakailang daang draft ako hindi dahil hindi ako marunong magsulat ng ganito. Well, that, too. Ha-ha. Seriously, naka-ilang draft ako dahil pakiramdam ko, hindi ko maisalin sa salita ang pagmamahal ko para sa ‘yo. I can’t find the right words… Hanggang sa magpasya na lang ako na isulat na lang ng isulat ang lahat ng nasa isip ko. So here it goes….             Remember the first time we met? Ah! That was so---             Natigilan siya sa pagbabasa nang sa peripheral view niya ay mapansin niya ang bulto ng katawan ng asawa. Nilingon niya ito. Daniel’s carrying a boquet of red roses.             “Why are you crying?!” bulalas nito, binato ng tingin ang hawak niyang sulat. “Madrama ba?”             Natatawang suminghot siya. “Na-touch ako. You wrote me a love letter? That’s so sweet!” Lumapit siya rito at yumakap. Daniel returned her embrace. Pagkuwa’y pinahid nito ang mga luha niya. Iniabot nito sa kanya ang mga bulaklak. “For my wonderful wife.”             “Awww. Thank you!”             “Nabasa mo na?”             Umiling siya. “Read it to me,” paglalambing niya.             “What?” natatawang bulalas nito. “Ako na nga nagsulat, babasahin ko pa?” Celine saw something peculiar in his handsome face. Agad niyang sinapo ang mukha ng asawa. Celine felt a knotch in her stomach when she saw his cheeks were turning red. Nagba-blush si Daniel! “Oh, my God!” bulalas niya. “You’re blushing! You’re blushing, Daniel!” “Err, well…kasi naman---” hindi na ito nakahuma dahil tuwang-tuwa na pinupog na niya ng halik ang asawa. Tila nada-dyahe na tumawa na rin si Daniel. Nang muli niyang hilingin na basahin nito sa kanya ang sulat ay pumayag na ito.  Naupo sila sa mahabang sofa. Naupo paharap sa isa’t-isa. Itinuon niya ang kanang siko sa sandalan at sinalo ang mukha. Ginawa niyang komportable ang sarili para mas matitigan ang asawa habang binabasa nito ang sulat na ito rin ang nagsulat. A big smile was plastered on her lips. She loves her man now more than ever. Kinuha ni Daniel ang mga binti niya at ipinatong sa mga hita. Tumikhim ito. Muli ay naging obvious na naman ang pamumula ng mga pisngi nito. Maging ang mga tainga nito ay namumula. What a sight! Muling tumikhim si Daniel. “Okay…”      “EVERYTHING is fine. Iwasan na lang na mapuwersa uli ang mga binti mo,” anang doctor na tumitingin sa binti ni Celine. Niyaya na kasi niya ang asawa na umuwi sila sa isla. Hindi umano ito papayag hangga’t hindi nasisiguro na maayos na ang binti niya.             Sinulyapan ni Celine ang nakatayong asawa. Karga nito si Christoff. See? I’m okay, ang sabi ng mga mata niya sa asawa. Sinagot siya ni Daniel ng pagkibit ng balikat. Ilang sandali pa at nagpaalam na sila sa doktor niya. Ang doktor naman ni Daniel ang sunod nilang binisita. Siyempre ay hindi kasi siya pumayag na hindi ito bumisita sa doktor nito. If everything went well, uuwi na sila sa isla mamayang hapon.             “Daniel, puwede ba tayong pumunta sa mall? Ipag-shopping natin si Christoff,” paglalambing niya nang tinutungo na nila ang parking lot sa basement.             “Of course,” agad na pagsang-ayon ni Daniel. Binalingan nito ang anak. “We’ll go shopping. Gusto mo bang mag-shopping tayo, ha? Gusto mong pumunta ng mall?”             Siya ang tumugon sa pinaliit na tinig, “Opo, daddy. I’m excited.”             Humalakhak si Daniel. “Saang mall mo gusto?” Nang makarating sa sasakyan ay agad na ipinagbukas sila ng pinto ng driver. Lumulan sila. Si Christopher ay sa hita ng ama nakaupo.             “Sa pinakamalapit na lang dito; Robinson’s Galleria or SM Mega Mall,” tugon niya.             “SM Mega Mall tayo, Lando,” ani ni Daniel sa tsuper.             “Sige po,” anang driver.             “And you, woman,” muling baling nito sa kanya. “Ayaw ko na tatapak ka sa alin mang Robinson’s Mall. Malinaw ba?” maotoridad nitong sabi. Tila ba nagbigay ito sa kanya ng utos na hindi niya puwedeng balewalain.             “Hmm. Tama ba ang pagkakaintindi ko na pinagbabawalan mo akong pumunta sa alin mang sangay ng naturang mall? Baka naman puwede mong sabihin ang dahilan kung bakit hindi ako puwedeng pumunta roon?” may halong biro na tugon niya.             Daniel smirked. “Dahil sa taong-ahas.”             Tumaas ang kilay niya. “Wait, what? Ano ba ang sinasabi mo? Anong taong-ahas?”      “Hindi mo ba naririnig ang rumors tungkol sa Robinsons malls?” Kumunot ang noo niya. Tumagilid siya ng upo, paharap sa asawa. “Ano’ng rumors? Wala akong kaide-ideya sa sinasabi mo. Tell me about it.” Hinawakan niya ang palad ni Christoff. Na hindi naman nito binitiwan at pinaglaruan ang singsing niya. “Well, according to rumors may taong-ahas daw roon. Hindi lang masabi kung kalahating-tao at kalahating ahas o anyong tao na nahahawig sa ahas. Inaalagaan daw nila. S’werte daw iyon sa negosyo. May nagsasabi na parang anak daw iyon ng may-ari. Sabi nila, daang taon na rin ang edad ng taong-ahas.” “Oh?” tanong niya. Tunay na nakuha nito ang atensiyon niya. “Yeah. And that’s not the most intriguing part. Sabi nila, nakatira daw ‘yong snake-man sa isang silid na puro monitors. Monitors ng bawat parte ng mall. So, nakikita niya sa mga monitors na iyon ang mga shoppers. And this snake-man, apparently has eyes for beautiful woman. Kapag may nagustuhan siyang babae, may mga kikilos na tauhan para makuha ang babaeng iyon at madala kay snake-man. Makikipagniig daw tapos kakainin daw.” “At saan mo napulot ‘yan?” “I overheard an employee talking about it. Twice, if I am not mistaken. Alam mo rin ba ang tungkol sa bagay na iyon, Lando?” tanong ni Daniel sa driver. “Opo. Matagal na pong usap-usapan ang tungkol riyan, Sir Daniel,” tugon naman nito. “See?” ani ni Daniel sa kanya.g mga mata niya sa asawa. Daniel just shrug his shoulder. ito papayag hangga'g pumasok sa loob ng kanyang blus             Hindi sa nakakadama siya ng takot. Sa halip, umaandar ang pagiging alagad ng medisina niya. “Ipagpalagay na ngang totoo, may taong-ahas nga. Pero paano kung kaya iyong ipaliwanag ng siyensa? Like, sa kaso mo—sa pambihirang sakit mo—aakalain ng iba na bampira ka dahil nasusunog ka sa sikat ng araw. Ang hindi nila alam ay taglay mo ang sakit na Porphyria. What if this snake-man is just another case of a medical condition? A rare case like yours? Alam mo naman ang mga tao, habang sumasalin ang mga salita, naiiba na ang impormasyon. Madalas exaggerated na, nadagdagan na nang nadagdagan ang kuwento.”             Napaisip si Daniel. Tumango-tango ito. “May punto ka. Paano nga ba kung snakenism iyon?”             Kumunot ang kanyang noo. “Anong snakenism?”             Ngumisi si Daniel. “Inimbento ko lang na medical term. Never mind.” Malakas na natawa si Celine.  Halos magluha ang mga mata niya sa katatawa. Napakamot naman ng batok si Daniel sa amusement niya. “Stop laughing, or I’ll kiss you.”             Tumigil si Celine sa pagtawa. Umakto pa na isi-zipper ang bibig. Pilit na pinipigil ni Celine ang pagtawa. Sumama ang mukha ni Daniel. “Ayaw mong hagkan kita, ganoon?” nagmamarakulyo na tanong nito.             “Biro lang,” tugon niya. “Kiss me.” Hinagkan nga siya ng asawa.             Pagkaraan pa ng ilang minuto ay nasa paligid na sila ng Mega Mall.             “Just drop us at the entrance,” ani ni Daniel. Inilabas ni Daniel ang wallet. Naglabas ito ng dalawang tig-iisang libo. “Heto. Kumain din kayo at bilhan ng pasalubong ang anak at asawa ninyo.” “Naku, hindi na po, Sir,” pagtanggi ni Lando. At batid ni Celine na hindi iyon pabala’t- bunga na pagtanggi. Nahihiya na itong tumanggap pa mula kay Daniel. Dahil ang asawa niya ay napaka-generous sa lahat ng tauhan nito. Bukod sa pinatira ni Daniel ang mag-anak nito sa Cavelli Place ay scholar din ni Daniel ang anak nito. Habang ang asawa ni Lando ang siyang nagluluto at naglilinis sa penthouse kapag naroon sila. Kaya marahil masyadong loyal ang mga ito kay Daniel. “Kunin mo na.” Dahil batid ni Lando na hindi rin gusto ni Daniel na tinatanggihan ay napilitan na rin itong kunin ang pera. “Tatawagan kita mamaya kapag uuwi na tayo.”             “Salamat po, Sir.”   GUSTONG iikot ni Celine ang mga mata niya. Paano ba naman ay pinagtitinginan si Daniel ng mga kababaihan. Na animo noon lang nakakita ang mga ito ng lalaking tulad ni Daniel. Lalaking matangkad, makisig, at napakaguwapo. Daniel is really oozing with s*x appeal. Hindi puwedeng hindi mag-uukol ng ikalawang sulyap ang mga babaeng nakakakita rito. Aware kaya doon si Daniel? Marahil. Baka matagal na itong nasanay sa ganoong atensiyon. Baka nga binatilyo pa lang ito ay nalulunod na ito sa atensiyon ng mga babae. Nakakapanggigil lang na isipin ang bagay na iyon. Mapag-angkin na humawak siya sa braso ng asawa. Ito pa rin ang may karga kay Christoff.             “You are frowning,” puna ni Daniel sa kanya.             Sumimangot siya. “Alam mo kung bakit. Manhid ka kung hindi mo alam,” masungit niyang tugon.             Tumawa si Daniel. Tawang hindi niya gustong makarating sa pandinig ng iba dahil napaka-sexy niyon. “Alam mong kahit maghubad sila sa harapan ko, hindi ko sila papatulan.”             “Pero hinuhubaran ka naman nila sa isipan nila,” pagmamarakulyo niya. Ang mga babaeng iyon, lalo na iyong may mga active s*x life ay siguradong naglulumikot ang imahinasyon.             Humarap sa kanya si Daniel kaya napilitan siyang huminto sa paghakbang. Hinuli nito ang kanyang paningin. “I’m yours, all of me.” Gamit ang isang libreng palad ay sinapo nito ang kanang bahagi ng pisngi niya. Pagkatapos ay hinagkan siya nito. Walang pakialam si Daniel sa paligid. Hinagkan siya nito, sinigurong sa pamamagitan ng halik na iyon ay maiparating sa kanya ang damdamin nito. At nagtagumpay naman si Daniel. Kumalma siya. Gumanti ng halik. “Kapag may tiningnan akong ibang babae, tiningnan na may pagnanasa, doon ka magselos. Pero duda ako kung darating ang sandaling iyon. Ikaw lang, Celine. Ikaw lang.”             Tuluyan nang gumuhit ang ngiti sa labi ni Celine. “Kain muna tayo? Nagutom ako sa pagmamarakulyo ko,” naglalambing niyang wika sabay yakap ng mga braso sa baiwang nito. Yeah, girls, this man is mine. Mine alone. “Nakakaubos ng energy ang pagseselos. Hay. Paano pa kaya ako magrereact kung may nanghaharot talaga sa ‘yo? Isa lang ang sigurado ko, hindi ako magmumukmok at magngingitngit lang sa isang tabi. Maghalo na ang balat sa tinalupan.”             Tumawa si Daniel. “Hindi naman ako magpapaharot. But you know what? I’m feeling good right now. I mean, nakakatuwa rin na nagre-react ka ng ganyan. You’re being territorial and possessive. And I like it. Parang affirmation kung ano ang halaga ko sa ‘yo.” “Bakit kailangan ng affirmation?” Kunwari ay nakasimangot na sabi niya. “Hindi ko ba naipapadama sa ‘yo kung ano ang halaga mo sa akin? Kung gaano kita kamahal? Ouch. Ang sakit no’n, Daniel.” Umakto siyang nasaktan talaga sa pahayag nito.  Tila nataranta naman ito. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mean—” “Got you!” humahagikhik na sabi niya. Nahulog si Daniel sa bitag niya. Siyempre ay alam naman niya at naiintindihan kung ano talaga ang nais nitong ipakahulugan. “Silly,” anitong umiiling, bagaman nakangiti. “Kain na nga tayo. Ano ang gusto mong kainin?” “Ikaw,” pilyang tugon niya. Daniel groaned. Halatang sineryoso at naapektuhan ito sa sinabi niya. Ganoon sila sa isa’t-isa. A simple stare, a simple word can turn them on. “Biro lang. Gusto ko ng Pizza,” agad na pagbawi niya.             “Pizza it is,” anito. “For now. Then you’ll have me later. We’ll have each other later.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD