SA WAKAS ay natapos na rin ni Celine ang ginagawa. Kuntentong pinagmasdan niya ang malaking glass jar na may nakasulat na ‘I love you because…’ Sa loob ng jar ay may mga makukulay na binilot na maliliit na papel. Sa bawat papel na iyon nakasulat ang mga kadugtong ng ‘I love you because…’ Hindi makapaniwala si Celine sa dami ng nagawa niya. Napuno niya ang malaking glass jar. I guess hindi talaga ako mauubusan ng dahilan kung bakit mahal ko si Daniel… Siguradong maa-appreciate iyon ng asawa dahil pinaghirapan niya iyon ng husto. Ah, oras na para ibigay ito sa kanya. Hindi na siya makapaghintay sa magiging reaksiyon nito. Yakap sa isang braso ang glass jar, binuksan ni Celine ang pinto at lumabas. Para lamang mapasinghap sa nakita. There lays a trail of rose petals!
She bit her lower lip. Pero hindi niya napigilan ang pagguhit ng ngiti. “Ang lalaking iyon talaga o,” kinikilig na usal niya. Naglakad siya sa nakasabog ng rose petals. Hula niya ay patungo iyon sa kanilang silid. At hindi nga siya nagkamali dahil doon siya humantong. She giggled. Ano kaya ang nasa loob ng silid namin? More roses? Or, maybe Daniel is planning to give me a strip tease, or a lap dance perhaps? Natawa siya sa huling naisip. Ipinasya niyang buksan na ang pinto, dahan-dahan.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Tama siya, marami ngang roses. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang isang tila romantic dinner table. Si Daniel ay nakahilata sa kama. Tila ba nainip na ito sa kahihintay sa kanya kaya ibinagsak na ang sarili sa kama kaya ang resulta ay nagulo ang kung anong inayos nito sa ibabaw ng kama gamit ang mga rose petals. Pero na-trace pa rin ang hugis ng puso na ginawa gamit ang mga petals. Agad bumangon si Daniel ng makita siya.
Nakasimangot ito, or at least iyon ang gusto nitong ipakita dahil gusto nitong maglambing siya rito. Pagbibigyan niya ang asawa. Nilapitan niya ito. Iniabot rito ang bitbit niyang glass jar.
“Ano ‘yan?” animo walang ganang tanong nito. “Napanis na ako kahihintay. Lumamig na ang dinner, at---” natigilan ito at hindi nakaligtas sa kanya ang dumaang emosyon sa mga mata nito nang makita at mabasa ang nakasulat sa jar.
“Ito? Hmm. Ito lang naman yong pinagkaabalahan ko. See?” Itinuro niya ang nakasulat sa jar. “Wanna know some of the reasons why I love you?” Binuksan niya ang takip ng jar at kumuha ng isang nakabilog na papel. Binasa niya iyon. “I love you because…” hindi niya naituloy ang pagbabasa. Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya. Bakit iyon pa ang nabunot niya? Iyong isa sa mga pilyo at sexy na salita? Kunsabay, marami-rami rin yata siyang nagawa na tungkol sa s*x at sexuality.
Daniel got curious. “Because…?” Ang masama niyan, naging pilyo na ang ekspresyon ng mukha nito. Tila ba dahil sa pamumula ng pisngi niya ay nabasa na agad nito ang tumatakbo sa kanyang isipan. “You love me because…?”
Inabot niya rito ang maliit na papel. “Ikaw na ang magbasa.”
Nakataas ang sulok ng labi na umiling ito. “Read it,” nakangising wika nito bago kinuha mula sa kanya ang glass jar.
Lumunok siya. Tumikhim at sinalubong ang pilyong tingin nito, “…because you’re insanely big. Damn.”
Hindi tumawa si Daniel. Sa halip ay binitiwan nito ang glass jar bago mabilis na sinakop ang distansiyang nakapagitan sa kanila. And then he kiss her, hot and passionately.
Amsterdam
“ANO?!” bulalas ni Lino sa report na natanggap. Napatayo pa siya mula sa kinauupuan. “Sigurado ka ba?”
“Siguradong-sigurado, Sir Avelino. May irregularities akong nakita sa mga libro. Libro nitong nakalipas na anim na buwan,” tugon ni Donie Rajo, isang accountant. Ito ang kinontrata nila ni Daniel sa loob ng dalawang taon para i-check taun-taon ang mga financial accounts ni Daniel Cavelli at Avelino ‘Lino’ Razon. Oo, si Peter nga ang kanilang accountant pero lingid sa kaalaman nito ay kumukuha sila ng serbisyo ng ibang auditor at accountant para i-check kung balanse ang mga libro. Sa loob ng mga nakaraang taon ay balanse ang mga libro, ngayon lamang nagkaroon ng ulat ng iregularidad. “Ilang beses ko na pong sinuri ang libro at sinigurong tama ang findings ko bago ko kayo tinawagan para magreport.”
Nahaplos ni Lino ang kanyang panga. “Ilan ang diperensiya?”
“About ten million, Sir.”
“Ganoon kalaki?” paniniguro niya. What the f**k! Dalawa lang ang puwedeng nangyari: nagkamali si Peter, o sadyang pinagtakpan nito ang irregulaties. Daniel Cavelli is worth billions of peso. Hindi iindahin ni Daniel ang sampung milyon. Pera lamang iyon. Sa isang investment o paglalaro sa stock market ay madaling kikitain ni Daniel ang perang iyon. Kailanman ay hindi naging issue kay Daniel ang pera o kahit na ano mang kayamanan. No, hindi iindahin ni Daniel ang sampung milyon…pero iindahin nito ang tiwalang nasira. Iindahin nito ang pagtatraydor, at ang huwad na pagkakaibigan.
“Yes, Sir. Sa totoo lang po ay hindi madaling makita ang irregularities dahil tila maayos at balanse ang mga libro sa unang tingin. Kung duda kayo, puwede kayong humingi ng iba pang opinion. Pagdating naman sa account ninyo ay wala hong problema.”
“Listen. Gusto kitang makausap ng personal. Pupuntahan kita riyan. Magpapabook na agad ako ng biyahe pabalik ng Pilipinas. Gusto ko ring tingnan mo ang mga nakaraang libro, tingnan maige kung may mali rin ba sa mga iyon.”
“Walang problema, Sir. Sa inyo ho ako unang nagreport tulad ng instruksiyon ninyo. Ngayong nakapagbigay na ho ako ng report sa inyo, puwede na ho ba akong magbigay ng report kay Mr. Cavelli?”
Umiling siya kahit kausap lamang ito sa telepono. “Hindi. Ako na ang gagawa niyan. Ako ang bahalang kumausap sa kanya. Huwag kang gagawa ng ano mang hakbang na walang pahintulot ko. Ako ang bahalang magparating kay Daniel ng balita.” Masamang balita.
“Roger that, Sir.”
“And please Donie, wala munang ibang makakaalam. Nagkakaintindihan ba tayo? Lalong ayaw ko na magkaroon ng hinala ang accountant namin sa natuklasan mo.”
“Puwede n’yo akong pagkatiwalaan, Sir. Malinaw kong naiintindihan ang gusto ninyong mangyari.”
“Good. Thank you.” Ibinaba ni Lino ang telepono. Hindi pa napapatunayan na may kasalanan si Peter pero parang puputok sa galit ang dibdib ni Lino. What the hell is happening? Trinaydor ba ni Peter si Daniel? Paanong nagawa nito iyon gayung patas si Daniel at hindi mabagsik na amo. Itinuturing nitong kaibigan at hindi tauhan ang mga pinagkakatiwalan nito. Kung suweldo rin lang ang pag-uusapan, hinding-hindi masasabi na dehado si Peter sa aspetong iyon. Kapos ba o may problema sa pera si Peter? Bakit hindi ito nagsabi? What? Nasilaw ba ito sa pera at inakalang kayang-kaya nitong pagtakpan ang lahat? Inakala nito na ito lang ang may hawak ng lahat ng financial accounts ni Daniel? Na hindi sila kumukuha ng iba pang auditor at accountant? Damn it. Paano niya ibabalita ang bagay na iyon kay Daniel? It would surely upset him. Hindi iyon basta-basta palalampasin ni Daniel.
Sinuri ni Lino ang phonebook niya, hinanap ang particular na pangalan. Nang makita ay idinayal niya iyon. Isang ring. Dalawa. Tatlo… Naputol ang pagri-ring. Someone from the other line accepted his call. “Brod, kailangan ko nga ng tulong mo at ng mga tauhan mo,” tugon niya. “Gusto kong magpaimbistiga ng tao. Mga tao.” Sinabi niya ang gusto niyang mangyari.
“Consider it done,” anito.
SAMANTALA, sa condo unit na pag-aari ni Peter ay hindi ito mapalagay at panay ang paroo’t-paritong paglalakad.
“Maupo ka nga, Peter! Nahihilo ako sa ‘yo,” sabi ng bisita ni Peter.
Naupo naman si Peter. Ang mga mata ay tuliro, ang mga kamay ay bahagyang nanginginig. Natatakot ito at hindi nito maitago ang bagay na iyon. “Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at pinasok ko ang kawalanghiyaang ito. Daniel’s been good to me. Oh, what have I done?” bulalas nito bago isinubsob ang mukha sa mga palad.
“Relax. Hindi ka mahuhuli ni Daniel. Hindi niya tayo mahuhuli.”
Tumayo si Peter. Nagtungo sa kanyang bar. Kumuha ng alak, binuksan iyon at nagsalin sa baso bago dinala sa bibig at sinaid. Naramdaman niya ang init na gumuhit sa lalamunan niya pababa sa kanyang tiyan. Agad siyang nagsalin at muli ay tinungga iyon.
Tumayo ang bisita at sinamahan si Peter sa bar. Kumuha rin ito ng baso at sinalinan iyon ng alak. “Tandaan mo, Peter. Wala ng atrasan ‘to. At lalong hindi ka na puwedeng kumalas,” anito bago tinungga ang alak. “Handa na ang lahat, Peter. Planado na. All we need to do is execute the plan. And we will execute it as soon as possible.”
“f**k,” usal ni Peter.
“I know. So don’t do anything foolish that can blow us up.”
“Paano si Lino?” tanong ni Peter.
“Ako ang bahala kay Lino. Hindi siya magiging sagabal sa plano. Iyon ang sisiguruhin ko. So, relax, will you? We’ve got this.”
Tumunog ang telepono ni Peter, nang tingnan kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Lino iyon. “Si Lino,” usal niya sa kasama. Lumunok siya at kinalma ang sarili bago tinanggap ang tawag. “Lino,” aniya.
“Peter, puwede mo bang linisin ang schedule mo sa Biyernes? Biyernes ng hapon?” tanong ni Lino.
“Okay. Walang problema. Pero bakit?”
“Nariyan na ako sa Pilipinas sa Biyernes ng hapon. Gusto ko sanang makipagmeeting sa ‘yo tungkol sa ilang bagay. Maaari bang pumunta ka sa condo ko?”
“Agad-agad?” kunot-noong tanong ni Peter. “I mean, hindi ka man lang ba muna magpapahinga?” Napatingin si Peter sa bisita. Nakita niyang nakataas ang isang kilay nito, nasa mukha ang kuryosidad sa kung ano ang pinag-uusapan nila ni Lino.
“No. Importanteng bagay ito at hindi puwedeng ipagpaliban,” ani ni Lino.
“Sige. Walang problema.” Naputol na ang linya. Ibinaba niya sa gilid ng bar ang cell phone. “Si Lino, narito na daw siya sa Biyernes ng hapon. May gusto siyang i-discuss sa akin.”
“Hmm…” reaksiyon nito.
“Anong iniisip mo?” tanong ni Peter nang makita ang mapagplanong kislap ng mga mata nito.
Ngumisi ang bisita. “Timing. Perfect timing to execute the plan.”
KUNTENTONG pinagmamasdan ni Celine ang mga anak na sina Hugo at Christopher. Naroon sila sa playroom—ang napakalawak na silid sa mansiyon kung saan napakaraming mga laruan na child-friendly. Parang tindahan na nga ng mga laruan ang silid na iyon. Hapon na niyon, kagigising lang ng mga bata at mataas ang enerhiya para maglaro. Si Daniel ay nasa library at abala sa pagbabasa ng ilang papeles.
“Hugo, kiss mommy,” ani ni Celine kay Hugo bago inilapit sa bata ang kanyang pisngi. Nanghaba naman ang nguso ng bata at dinampian ng halik ang kanyang pisngi. Lumawak ang ngiti niya. Sa pagkamangha niya, kahit sa napakaikling panhaon, ay napalapit agad sa puso niya si Hugo. Bungisngis kasi ang bata. Masayahin. Noong mga unang araw lang ito nagligalig pero agad ding nakapag-adjust. Ang mas nakapagpapamangha sa kanya ay ang pagkaaliw ni Hugo kay Christopher. He likes being with Christoff. Pakiramdam nga niya ay masuwerte si Christoff dahil nagkaroon ito ng big brother sa katauhan ni Hugo.
Hanggang sa magulat na lang siya nang dumilim ang kanyang paningin. Someone put a blindfold on her. “Hey,” bulalas niya. Hindi siya nagpanic. Paano ay agad nanuot sa ilong niya ang amoy ng taong nagsuot sa kanya ng blindfold, si Daniel. Tumaas ang kamay niya at inapuhap ang ulo nito. “Ano’ng ginagawa mo, handsome?”
Tumawa si Daniel. Matunog ang halik na ikinintal nito sa kanyang pisngi. “May sorpresa ako sa ‘yo,” anito.
“Anong sorpre—Ayy!” tila niya nang umangat ang katawan niya sa lupa, binuhat siya ni Daniel. Otomatik na ipinulupot niya ang mga braso sa batok nito. “Ang mga bata,” natatawang wika niya.
“Narito na ang mga yaya nila. Don’t worry.” Naramdaman niya nang humakbang na ang asawa. “Excited ka ba?”
“Oo. Akala ko ay busy ka sa mga papeles?” tanong niya.
“I was. Kilala mo ako, kaya kong mag-multi-task.”
“Right,” pagsang-ayon niya. O kaya naman, kahit hindi ito mismo ang mag-asikaso ay magiging posible pa rin ang ano mang sorpresa nito. Ang kailangan lang nitong gawin ay mag-utos at lahat ay susunod. Oo, lahat ay tarantang susunod sa nais na mangyari ng isang Daniel Cavelli. “Daniel nasaan na tayo? Nasa labas ba tayo ng mansiyon?” naitanong niya nang nagiging matagal yata ang paglalakad ni Daniel. Isa pa ay naaamoy niya ang hanging-dagat. “Is the sun already set? Ibaba mo na ako. Kaya ko namang maglaka—”
Daniel silenced her with a hot kiss.
BAGAMAN may piring ang mga mata, ramdam ni Celine ang mga nangyayari. Sumakay nga sila ng motorboat. Pagkaraan ng tantiya niya ay dalawang minuto ay tumigil ang pag-andar ng makina ng bangka. Binuhat siya muli ni Daniel, naglakad ito. Ang pinakamalapit na isla sa kanila ay may layong tatlumpong minuto kung sasakay ng pump boat. Kaya ang hula ni Celine ay nasa yate sila. Sa yate na iniregalo at ipinangalan sa kanya ng asawa. Nakumpirma niya ang hinala na nasa yate nga sila nang tila umakyat sila ng hagdan.
“Narito na tayo,” ani ni Daniel bago dahan-dahan siya nitong ibinaba. Pagkuwa’y pumosisyon ito sa kanyang likod. “Handa ka na?”
“Oo.”
Inalis ni Daniel ang piring niya. Ang unang sumalubong sa kanyang paningin ay ang napakaraming bulaklak. Tama siya, nasa yate nga sila. Nang igala niya ang paningin ay napansin niya ang isang pandalawahang-tao na mesa. Inayos iyon para sa isang romantic dinner. Sa isang panig ng yate ay may piano. Lumawak ang ngiti niya. Payapa ang dagat at kapansin-pansin sa kabilang dako-roon ang kulay kahel na isinabog ng lumubog na araw. The setting was indeed romatic. “Wow,” usal niya bago nilingon ang asawa.
“A simple treat for my lovely wife.” May hawak itong tangkay ng bulaklak na tila orchids. Maingat na isiningit iyon ni Daniel sa kanyang tainga bago dinampian nito ng halik ang kanyang noo.
Yumakap siya rito. “I love it. Thank you.”
“Anything for you, my Sunhine,” anito. “Halika,” inalalayan siya nito patungo sa may piano. Gusto mong maupo, or dito ka sa harap?”
“Dito na lang ako sa harap. Gusto kitang makita,” tugon niya. Daniel could play piano well. Noong unang masaksihan niya ito na tumutugtog ng piano ay lalo yata siyang na- in love sa asawa. Nakakamangha kasi ang husay nito, lalo na ang emosyong ipinapaloob nito sa bawat tugtog. And, yes, pakiramdam niya ay lalo pa yatang nag-umapaw ang s*x appeal ni Daniel dahil roon.
“Okay.” Inukopa ni Daniel ang upuan. Siya ay ipinatong ang siko sa piano at sinalo ang kanyang mukha sa mga palad, lovingly watching her husband. Ipinatong ni Daniel ang mga daliri sa keys ng piano. Pagkatapos ay napakasuwabeng gumalaw ng mga daliring iyon. Tila may sariling buhay ang malalambot na daliring iyon at perpekto ang koordinasyon.
Daniel’s feeling the song. Bahagya itong nakapikit at mahinang iginagalaw ang ulo. Nagsimulang umihip ang hangin, inilipad-lipad niyon ang buhok niya at ng asawa. Gamit ang isang kamay, tinipon niya ang sa kanya. Ayaw niyang magkaroon ng abala sa panonood niya sa asawa. God! But he was so beautiful. So mesmerizing. Kaninong puso ba naman ang hindi matutunaw sa isang Daniel Cavelli—The man that was sinfully gorgeous and oozing with s*x appeal? The man with powerful, naughty eyes and wicked, luscious lips. Ah! Hindi niya masisisi ang sarili kung bakit bukod sa mahal niya ito ay pinagnanasaan pa.
Nag-angat ito ng ulo at hinuli ang kanyang paningin. Halos mapalunok siya sa emosyong nakasungaw roon. Pagmamahal. Pagmamahal ni Daniel para sa kanya. At masidhi ang emosyong iyon. “What would I do without your smart mouth? Drawing me in, and you kicking me out…” Literal na dumaan ang kilabot sa katawan ni Celine at nanindig ang kanyang balahibo sa napakalamig at maemosyong pag-awit ng asawa. Kumakanta si Daniel mula sa puso nito at ramdam na ramdam niya iyon. Oh, goodness! She was completely under the spell of those powerful eyes. “You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down. What's going on in that beautiful mind. I'm on your magical mystery ride. And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright…”
Hindi napigilan ni Celine ang sarili at lumigid siya sa puwesto ng asawa. Si Daniel ay hindi pinuputol ang koneksyon ng mga mata nila. Celine swallowed hard. Yumuko siya at walang pag-aalinlangan na iangkin ang labi ng asawa. She was so turned on and there was no stopping her now.