Chapter 16

2600 Words
“SUNSHINE, come on, samahan mo na ako,” anang baritonong tinig ni Daniel na humahalo sa lagaslas ng tubig sa banyo. Naliligo ito.             “Ikaw na lang. Mabigat ang pakiramdam ko,” aniya bago ibinagsak ang sarili sa kama.             Mabilis na nakalabas ng shower room ang kanyang asawa. “Ano’ng ibig mong sabihin na mabigat ang pakiramdam mo? Are you sick?” nag-aalalang tanong nito.             “Daniel,” bulalas niya sa hitsura ng asawa. Wala ito ni isang saplot sa katawan maliban sa mga bula na nakakapit sa buhok nito. Ni wala itong pakialam sa tubig na bumabasa sa carpet. Napabangon tuloy siya at pinagmasdan ang kahubdan ng asawa. “Hell…” usal niya sa kakisigang iyon. Parang biglang nawala ang pananamlay niya. Georgeous face, well-define set of strong shoulders and arms, and oh boy, that chiseled-to-perfection torso… And of course, that huge piece of heaven between his thighs. Umaakto siya na para bang iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang kahubdan ng asawa. He was perfection. Isang obra maestro na kahangang-hanga ang bawat anggulo, hugit, at kurba. “Oh, f**k…”             Daniel, seeing her reaction, chuckled in amusement. “Oh, wife, huwag mo akong i-distract.”             Tinaasan niya ito ng kilay. “Ako pa ngayon ang nangdi-distract?”             “Yes. Because your stare is making me… hard.”             She laughs. Ah. Kagabi lang sa yate ay paulit-ulit silang nagniig tapos ngayon ay nagrereact sila na animo miss na miss nila ang isa’t-isa. Para silang nag-honeymoon sa yate. Kinantahan at tinugtugan siya ng piano ni Daniel, kumain sila, nagsayaw, nahiga sa top deck ng yate at pinanuood ang mga bituin. Nagkuwentuhan. Nagswimming. Nagniig. Ginawa ni Daniel na perpekto ang gabi nila. Hayan tuloy, mula pa kagabi ay iniisip niya kung anong espesyal na sorpresa kaya ang puwede niyang iganti sa asawa.             Naupo si Daniel sa gilid ng kama. “Daniel, mababasa pati ang  kama. Basa na nga ang carpet.” Kunwa ay sita niya. “The hell I care with the bed or with anything.” Dinama nito ang kanyang noo. “Sunshine, masama ba ang pakiramdam mo? Mainit ka.” Hinablot ni Daniel ang roba nito at isinuot iyon bago siya tinabihan. “Doctor wife, baka kailangan mo ng doctor. Lumuwas tayo.” Natawa siya. “Mainit ang dama mo sa akin kasi basa ka. Okay lang ako. My period is coming kaya mabigat ang katawan ko.” Ngumisi siya. “PMS.” “Oh. Hmm. Gustong-gusto mong kumain kapag parating na ang monthly period mo. Any food cravings now? Tell me. Ano ang gusto mong kainin? Chocolates? Fruits? Salads? Or, just hot soup?” Tumaas ang sulok ng labi niya. Natuwa siya sa narinig. “Napansin mo ang bagay na iyon?” “Siyempre,” tugon ni Daniel. “You’re my better half, I know you. Napapansin ko ang lahat, kahit ang pinakamumunting kilos mo. I love watching you, hindi mo ba alam? Ang mga mumunting galaw mo… mga mannerisms… mga bagay na gusto mo at ayaw mo…” “I’m touched,” aniya. “Deeply touched.” “Pero sa totoo lang, may mga pagkakataon na hindi kita mabasa. Hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan mo, o kung ano ang gagawin mo. Hindi ka predictable. You’re so unique. So full of surprises and flavors… And I just love you. Love the way you are. Wala akong babaguhin ni isa mang bagay sa pagkatao mo. Ganito ba talaga ang pagmamahal?” Nakagat ni Celine ang labi niya dahil sa kilig. Batid niya na sumusungaw sa mga mata niya ang tuwa. “Marami ng sumubok na ipaliwanag kung ano ba talaga ang pagmamahal. Pero kapag sila mismo ang nakaranas ng pagmamahal, they were suddenly lost of words. Love became unexplainable and mysterious… Jeez—hindi ka ba nilalamig? Tapusin mo na muna ang paliligo mo.” Natawa si Daniel. “Okay pero sabihin mo muna kung ano ang gusto mong kainin. Then later, we’ll just both get lazy and just lay in bed. Have a marathon of some of your favorite romantic movies while I cuddle you and while you’re munching on your food.” “Ay! Gusto ko ‘yan,” natutuwang bulalas niya. Goodness! Walang duda, pinagpala talaga siya dahil kanya si Daniel—isang pambihirang lalaki na hinding-hindi niya pakakawalan. Maaaring may mga mood swings ito at dark-days episode pero bawing-bawi naman iyon sa kabuuan ng pagkatao ni Daniel. Napaka-sweet nito at lubhang mapagmahal.  Isang tunay na lalaki na hindi natatakot na sabihin sa kanya kung gaano siya nito kamahal at kung gaano ito ka-obssess sa kanya. Obssess, oo, pero hindi iyon iyong klase na nakasasakal, o nakakasakit. Iyon ang klase ng obsession kung saan mas mararamdaman ni Celine na mahal na mahal siya ng asawa. It was empowering. “Gusto ko ng Grapes. And young coconut meat, please.” “Walang problema.” Tinungo ni Daniel ang telepono. Nag-dial roon. Batid ni Celine na ang numero sa kusina ang tinatawagan nito. “Salamat,” nakangiting wika niya nang ibaba nito ang telepono. Ngiti ang naging tugon nito. “Sige na. Tapusin mo na ang paliligo mo. Titingnan ko rin muna sina Hugo at Christoff.” Sumunod naman si Daniel. Papasok na muli ito ng banyo nang tawagin niya. “Daniel.” Lumingon ito. “Hindi ko alam na posible pero lalo yata akong naiinlove sa asawa ko sa bawat pagdaan ng araw.” Lumamlam ang mga mata ni Daniel. “He makes every thing and every day special. I love him more each day. I love you. Sa bawat pagpintig ng puso ko ay pangalan mo ang isinisigaw nito.” “Oh, Sunshine,” usal ni Daniel bago inilang hakbang ang paglapit muli sa kanya. Sumampa ito sa kama. On instinct, Celine laid her back on the bed. Hanggang sa maging bilanggo na siya ng mga bisig nito. Walang inaksayang oras si Daniel at inangkin ang labi niya. Tumugon siya. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay pareho ng habol ang kanilang mga hininga. Nang hahagkan na nito ang leeg niya ay pinigilan niya ito. “Daniel, stop, literal na may sabon pa ang katawan mo, ayokong maging laman iyan ng tiyan ko.” Mataginting ang tawa na kumawala sa lalamunan ng asawa. “Right. Sorry,” anito. “Magbabanlaw na ako. Mabilis na mabilis lang,” anito bago nagmamadaling tinungo ang banyo. Celine was laughing so hard. Ah! This is heaven.   TOTOO nga, sinamahan siya ng asawa sa matamlay na araw niya. She indulged on her food cravings while Daniel was telling funny anecdotes. Nanood sila ng mga pelikula kung saan ginawa niyang sandalan ang dibdib nito habang nakayakap ang mga braso nito sa kanyang katawan. Naroon sila sa ibaba ng kama, si Daniel ay nakasandal naman sa kama.             “Inaantok ako,” aniya maya-maya. Hindi niya napigilan ang paghikab. Tumayo si Daniel. Sa gulat niya ay kinarga siya nito. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. She really felt loved. Ilan pa bang lalaki na tulad ni Daniel nabubuhay sa mundo? Masuwerte siyang nasa tabi niya ang isa.             Inihiga siya ni Daniel sa kama. Pagkatapos ay hinila nito ang comforter at kinumutan siya. “Titingnan ko lang ang mga bata, okay? Babalik ako.” Hinagkan nito ang ulo niya.             “Okay.” Sinundan niya ang tingin ng papalabas na asawa, hindi nabubura ang ngiti sa kanyang labi. Nakasuot lamang ito ng shorts at kaswal na puting t-shirt. Tulad ng nakagawian, wala na naman itong sapin sa paa. He looks so relaxed. So homey. Gustong-gusto niya ang bawat karakter ng pagkatao ng asawa. Nang makalabas si Daniel ay inapuhap ni Celine ang remote control ng monitor sa nursery. Binuksan niya ang monitor. Pahapon na niyon, oras ng pagtulog ng mga bata. Wala ang dalawang yaya. Si Christoff ay natutulog pa rin habang si Hugo ay nakita niyang umungot, hanggang sa mauwi iyon sa pag-iyak. Siguradong maaalarma ang mga yaya sa pag-iyak na iyon ni Hugo kapag narinig ng mga ito iyon sa monitor nila. Nakita niya ng pumasok roon si Daniel. “Dad—dy,” ani ni Hugo pagkakita sa ama. Agad namang nilapitan ni Daniel si Hugo pagkatapos sulyapan ang crib ni Cristoff. Napangiti si Celine ng kargahin ni Daniel si Hugo. “Hush. Don’t cry. Baka magising ang kapatid mo,” pagpayapa ni Daniel kay Hugo. Siya namang pagpasok ng yaya ni Hugo. “Sir, akin na na po si Hugo. Ako na po ang magpapatahan.” Pero ayaw sumama si Hugo. Itinuon nito ang ulo sa balikat ni Daniel. “Ako na ang bahala sa kanya. Thanks,” tugon ni Daniel. Hinaplos nito ang likod ni Hugo na noon ay pasinghot-singhot. “Hush. What do you want? You wanna be with daddy? Okay. Daddy got you…” Napangiti si Celine. Daniel is trying his best para mapalapit sa panganay na anak. Para maging pantay ang pagtrato at pagmamahal nito sa dalawang bata. “You wanna eat something?” tanong ni Daniel sa bata. “Merienda? Come, let’s see kung gising pa si mommy…”  Agad pinatay ni Celine ang monitor. Pagkuwa’y ipinikit niya ang mga mata at umakto na natutulog na nang sa gayon ay maging tuloy-tuloy ang pagbo-bonding ng mag-ama. Naramdaman niya ng pumasok sa silid ang mag-ama. “Oh, son, mommy’s sleeping already,” mahinang sabi ni Daniel. “Give mommy a flying kiss. Come on.” Ginawa marahil ng bata dahil narinig ni Celine ang mahinang pagtawa ni Daniel. “Good job, Hugo. Now, tayo na sa kusina...” Lumabas na ang mag-ama. Si Celine ay kuntentong hinagilap ang isang unan at niyakap iyon. Hinihila na siya ng antok nang tumunog ang telepono niya. Hinayaan niyang mag-ring umaasang kapag walang sumagot ay hindi na uulitin pa ang pagtawag. Pero ng tumigil iyon sa pagri-ring ay muli din agad iyong tumunog. “Baka importante,” usal niya bago inabot sa bedside table ang telepono. Si Marc ang tumatawag. Pero nasa Espanya ang pamilya ni Marc, hindi ba? Ano kaya ang posibleng itawag nito.   “MARC,” aniya nang tanggapin ang tawag ng kaibigan. “Alam mo na ang balita?” tila nanantiyang tanong nito. “Alam na ba ni Daniel?” Hindi alam ni Celine kung bakit kumabog ang dibdib niya. Iyong pakiramdam na may masamang balita na sasabog sa kanya ano mang sandali. Napabangon siya. Ang antok na nadarama ay tuluyang naglaho. Balita. Tila masamang balita ang hatid ng tawag na iyon ni Marc. “Balita tungkol saan?” “Kasama mo ba si Daniel ngayon?” Lalong tumindi ang kaba niya. “Nasa kusina sila ni Hugo. Marc, huwag mo akong pakabahin. Anong balita ba ang sinasabi mo?” “Si L-Lino…” “S-si Lino? Wha—what about Lino?” “N-naaksidente siya.” Lumabas ang singhap sa bibig ni Celine. Parang nanlaki ang ulo niya sa narinig. Binalot ng lamig at takot ang buo niyang pagkatao. Hindi niya batid kung lumabas ba ang singhap ng pagkagulat sa bumuka niyang bibig. “Ce, are you all right?” Lumunok si Celine. “What do you mean naaksidente? K-kumusta si Lino?” halos-walang boses na tanong niya. Bumaba siya ng kama, sapo ang dibdib na nagpalakad-lakad. “It’s in the news right now. Nanonood kami ni Riza sa The Filipino Channel nang magkaroon ng breaking news tungkol sa isang car crash. Kinilala ang biktima na si Avelino Razon.” “TFC? What…w-what do you mean? Lino is in Amsterdam,” nalilitong tugon niya. Natutop ni Celine ang bibig niya. God…Sana naman ay ligtas si Lino. “No. It’s a Philippine news. Baka umuwi siya? Hindi niya sinabi sa inyo na uuwi siya?” “God, wala kaming ideya. How is he? K-kumusta ang lagay niya?” “Kritikal, ayon sa balita. Yuping-yupi ang sasakyan. Nakilala lang siya dahil sa driver’s license niya.” Kinilabutan siya. Naalala niya ang pangyayari noong siya ang naaksidente. Nakakatakot. “Oh, my God. Oh, my God…” “Ce, alalayan mo si Daniel. Tatawag ako sa mga tao ko para makakuha ng mga impormasyon, lalo na kung saang hospital naroon si Lino. Patitingnan ko rin kung umuwi nga ba ng Pilipinas si Lino. I’ll call you again.” Wala sa sarili na naibaba ni Celine ang telepono. Kapuputol pa lang ng linya nang mag-ring uli ang telepono niya. Sa pagkakataong iyon ay si Gido naman ang tumatawag.    Natulala si Celine. Para siyang pinanawan ng lakas. Panginoon, sana po ay ligtas si Lino…halos kapatid na ni Daniel si Lino. Halos magkadugtong na ang mga pusod. Si Lino ay laging nasa tabi ni Daniel, umaalalay sa lahat ng pagkakataon. Nangangamba siya kung ano ang magiging reaksiyon ni Daniel sa balita. Importanteng tao si Lino para kay Daniel kaya nangangamba siya na baka mag-trigger iyon ng pag-atake ng depresyon. At batid niya na na hindi rin niya maitatago ang balita kay Daniel. Pero paano nga ba niya dapat sabihin rito ang balita na hindi ito mabibigla? Oh, hell! Paano ba hindi magiging kabigla-bigla ang isang balita ng aksidente?   NATUTULIRO pa si Celine nang bumukas ang pinto. Si Daniel ang bumungad. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang mapagtanto niya na alam na ni Daniel ang balita. No, walang mababakas na ano mang emosyon sa mukha nito; walang pag-aalala, walang takot. Guwardiyado ang emosyon ni Daniel. Pero ramdam niya na may mali. She can sense it and it was frightening her. Baka nagkaroon ng news flash sa telebisyon sa kusina o sa sala at napanood iyon ni Daniel.             “D-Daniel…” usal niya, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tiningnan ni Daniel ang hawak niyang cellphone at ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi mahirap sabihin na alam na niya ang balita.             “Puntahan natin si Lino,” sabi ni Daniel. It gave her goosebumps. Naninindig ang balahibo niya sa kakalmahang iyon ni Daniel. Kahit ang mga mata nito ay blangko. Parang robot si Daniel. Hindi iyon normal. Hindi normal para sa isang tao na umakto ng ganoon kapag kritikal ang mahal nito sa buhay. Mas gusto niya itong makita na nag-aalala para kay Lino. Mas gusto niya itong makita na hindi mapalagay, o naiiyak sa pag-aalala at takot. Hell. Iyon nga lang sabihin niya na mabigat ang pakiramdam niya ay agad nakalabas ng banyo ang asawa kahit nasa kalagitnaan ito ng paliligo at puno ng sabon ang katawan at buhok. Tapos ngayon, heto…             “O-oo.” Si Celine ang nahihirapan, siya ang gustong maglupasay at humagulhol kaiiyak para sa asawa. Sinugod niya ng yakap ang asawa, mahigpit na niyakap. Bukod sa pag-aalala kay Lino ay bumabangon ang kaba sa puso niya. Kaba para sa kakaibang inaakto ng asawa. Natatakot siya sa sandaling sumabog ang emosyon nito. It would be a catastrophe. Parang bagyo, kalmado ang pinaka-mata pero mapanira ang kabuuan. “He’ll be all right, Daniel. He’ll be all right,” pagpayapa niya, umaasang masasaling niya ang puso nito para mailabas ang tunay na nararamdaman nito sa sandaling iyon.             “Sige na, maghanda ka na. Aalis tayo sa lalong madaling panahon. Inabisuhan ko na ang piloto.”             Oh, God… Napapikit si Celine. He didn’t even hugged her back. Pakiramdam niya ay hindi na naman siya makapasok sa mundo ng asawa. Tila may napakalawak at napakataas na pader sa pagitan nila. “S-sige. M-maghahanda na ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD