WALA PA ring ipinapakitang emosyon si Daniel. Nasa kotse na sila at nagbibiyahe sa kinaroroonan ng hospital na ibinigay ni Gido. Ang mga bata ay iniwan na nila sa Cavelli Place sa mga yaya nito kasama ng mahigpit na bilin. Si Daniel na katabi niya sa backseat ay parang robot pa rin. Ni hindi magawang magbukas ng paksa ni Celine. Kunsabagay, ano nga ba ang puwedeng pag-usapan sa ganoong sandali? Tuloy ay napakatahimik ng biyahe nila.
Napansin ni Celine na pumapasok na ang sasakyan sa vicinity ng hospital. “D-Daniel. Narito na tayo,” anunsiyo niya. Tumango lang si Daniel. “Lando, pakibaba na lang kami sa main entrance,” aniya sa tsuper nila.
Ilang sandali pa at pumapasok na sila sa lobby ng hospital. “Celine, Daniel,” pagtawag sa kanila ng isang tinig na nakilala ni Celine na pag-aari ni Peter. Lumapit ito sa kanila, tila ba inaantabayan na talaga ang pagdating nila.
“Nasaan na si Lino? Kumusta siya?” tanong niya. Nagpatuloy sila sa paglalakad.
Sinulyapan ni Peter ng tingin si Daniel bago ito sumagot. “Nasa operating pa rin. Naroon si Gido at inaantabayan ang paglabas ng mga doctor.”
God! “Tayo na.”
Narating nila ang kinaroroonan ng operating room. Naroon nga si Gido. Nakaupo ito sa bench sa waiting area, tumayo nang makita sila. “Ano’ng nangyari? Hindi namin alam na narito sa Pilipinas si Lino,” tanong niya, pilit nagpapakatatag sa sitwasyong iyon. Noong maospital si Daniel at makita niya ang iba’t-ibang tubo at medical machines na nakakabit sa katawan nito ay parang gusto na rin niyang mamatay. Hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pag-iyak. Para siyang pinapatay sa pag-aalala. Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso niya. Para siyang tino-torture at pulit-ulit na hinihiling na sana ay siya na lang ang nakaratay sa hospital bed, siya na lang ang naghihirap. ‘Yong takot, ‘yong demonyong nangbubuyo sa isipan mo na hindi makakaligtas ang mahal mo sa buhay ay talaga namang nakakasira ng ulo. Baka ganoon din ang nararamdaman ngayon ni Daniel, lamang ay hindi nito iyon mailabas. Maybe it was just trapped inside him, bubbling up and waiting for explosion.
“Hindi ninyo alam na pauwi si Lino?” nagtatakang tanong ni Peter. “Pero tinawagan niya ako noong Miyerkules. Sabi niya ay uuwi siya sa Biyernes, ngayon nga. May gusto umano siyang i-discuss sa akin.”
“What?” naguguluhang tanong niya. “Nabanggit ba niya kung ano ang pag-uusapan ninyo?”
Umiling si Peter. “Hindi eh. Pagkatapos, nakatanggap na lang ako ng tawag kay Gido tungkol sa…aksidente.”
“I saw the news on TV,” ani ni Gido, nabaling dito ang atensiyon ni Celine. “N-nagulat din ako. Agad akong lumarga at inalam ang lahat.”
“P-papaanong naaksidente si Lino?” tanong ni Celine. Siya ang nagtatanong dahil tahimik lang si Daniel. Pero batid niyang inaabsorbed nito ang mga impormasyon.
“Ayon sa ulat at sa mga saksi, tila nawalan daw ng preno ang kotse ni Lino. Hanggang sa bumangga na siya sa isang truck.”
“DOC, kami ang kamag-anak ng pasyente. How is he? Ano ang kondisyon niya.” agad na tanong ni Celine habang lumalapit sa doctor na lumabas mula sa operating roon. “Sabihin ninyong maayos na siya.” Bilang doctor, hindi na mabilang ni Celine kung ilang beses siyang nalagay sa sitwasyon kung saan kailangan niyang iulat ang naganap sa loob ng operating room. Madaling magbigay ng magandang balita at sabihing ‘ligtas na ang pasyente.’ They mean to save lives. Iyon ang sinumpaan nila. Kaya ang magbigay ng magandang balita ay nagdudulot din sa kanila ng saya at pride. Pero kapag alanganin o kaya ay malungkot ang balita ay naaapektuhan din sila kahit pa nga hindi naman nila kaano-ano ang pasyente. Kahit tinuruan silang maging propesyunal sa lahat ng bagay ay mahirap pa rin para sa kanila ang sandaling iyon.
Inalis ng doktor ang suot na surgical mask. “His vital signs are all normal. Naagapan na rin namin ang internal bleedings ng pasyente, ganoon din ang mga sugat sa labas. We’re doing our best. Ganoon man, hindi namin masabi na stable na ang kalagayan ng pasyente…”
“What? Pero bakit?” Napahawak siya sa braso ni Daniel.
“May injuries siya sa ulo. Naiwasan sana iyon kung gumana ang airbag ng sasakyan niya. These injuries are swelling up. Nagkakaroon din ng pamumuo ng dugo sa kanyang utak. Inihahanda namin siya sa mahabang operasyon para tanggalin ang mga dugong iyon.”
Nanuyo ang lalamunan ni Celine. Operasyon sa ulo? Alam ni Celine na delikado ang bagay na iyon. “P-please gawin ninyo ang lahat para makaligtas si Lino. I’m doctor Celine Hampton Cavelli. I…I know some of the best surgeons. Idudulog ko sa kanila ang kaso ni Lino. Kung may kailangan kayo, kahit ano, please don’t hesitate to inform us. Please, please, do everything. Everything to save him.”
Tumango ang doctor. Nasa mukha nito ang simpatya. “Gagawin namin ang lahat para mailigtas ang pasyente. Sa ngayon ay puwede na ninyo siyang makita. Pero sandali lamang. Hindi kayo maaaring magtagal dahil inihahanda na namin siya sa isang mahabang operasyon. Excuse me,” anang doctor bago umalis. Lumabas na rin ang ilan pang doctor at nurse sa operating room.
Pilit nagpapakatatag si Celine, pilit kinakalma ang kalooban. “Da—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang malalaki ang hakbang na tinungo ni Daniel ang operating room at pumasok roon. Napasunod si Celine. Naabutan niya si Daniel na parang tuod na nakatayo habang nakatingin kay Lino. Si Lino na kaawa-awa ang hitsura at halos hindi makilala dahil sa mga galos, sugat, benda, at pamamaga ng ilang parte ng katawan. Ang ulo ni Lino ay nakabenda pero may mga mantsa ng dugo ang bendang iyon. Isang oxygen tank ang tumutulong sa maayos na paghinga nito. Nanikip ang dibdib ni Celine. Agad na nag-init ang kanyang mga mata. Kinagat niya ang nagiginig na labi.
Damn it, Daniel! Magpakita ka naman ng emosyon! Ipakita mo naman na may halaga siya sa ‘yo! gusto sana niyang isinghal sa asawa. Pero sa halip na gawin iyon ay yumakap siya sa asawa. Sa pagkakataong ito ay naninigas at puno ng tensiyon ang katawan ni Daniel. “A-ayos lang kung iiyak ka, Daniel. K-kung…k-kung matatakot ka at mag-aalala,” garalgal ang tinig na sabi niya, ang kanyang mukha ay hilam na sa luha. “K-kausapin mo siya. Sa-sabihin mong l-lumaban siya. S-sabihin mong magpagaling siya…” Hindi nakayanan ni Celine ang pamimigat ng dibdib at tuluyan niyang pinakawalan ang mga hagulhol. “Daniel, he needs you! Kailangan niyang marinig ang boses mo, madama ang presensiya mo…”
NAGNGALIT ang mga bagang ni Daniel. Ang tila pelikula ng masasayang ala-ala nila ni Lino mula pa noong mga bata pa sila na nagpi-play sa utak niya ay tila biglang pinatay at nagdilim ang monitor. Oo, mula ng mapanood niya sa telebisyon sa kusina ang balita tungkol sa aksidente ni Lino ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang alalahanin ang nakaraan, ang mga masasayang alaala nila ni Lino. He’s playing it in his mind over and over again. Kumakapit siya sa mga alaalang iyon para labanan ang reyalidad. Para maiwasan niya ang kumunoy ng depresyon. Para hindi niya mapansin ang tinig ng halimaw sa isipan niya.
Pero ngayong nakita na ng mga mata niya ang kalagayan ng kaibigan ay hindi na niya mapanindigan ang pagkontrol ng damdamin. Parang pinipilas ang puso niya sa kalagayang ito ni Lino. It felt like déjà vu. Noong nasa ganitong sitwasyon din si Celine noong maaksidente ito. Parang masamang bangungot at gustong-gusto na niyang gisingin ang sarili.
Yinakap siya ni Celine. “A-ayos lang kung iiyak ka, Daniel. K-kung…k-kung matatakot ka at mag-aalala,” garalgal ang tinig na wika ni Celine. Ramdam niya ang mga luha nito na bumabasa sa suot niyang damit. “K-kausapin mo siya. Sa-sabihin mong l-lumaban siya. S-sabihin mong magpagaling siya…” Mariing pumikit si Daniel. Pero hindi naagapan ng pagpikit ang maiinit na luha na sa iasng iglap ay naipon sa mga mata niya. Nagrerebelde ang mga luhang iyon. Nagkukumawala. Matindi ang pagnanais na makalaya mula sa preso ng kanyang damdamin. “Daniel, he needs you! Kailangan niyang marinig ang boses mo, madama ang presensiya mo…”
Hindi siya tumutol nang igiya siya ni Celine papalapit sa kamang kinararatayan ni Lino. Afterwards, Celine stepped aside. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang palad ni Lino. “L-Lino…” Sa pagbuka ng bibig ay tuluyan na rin siyang napahagulhol. Oh, God! Parang puputok ang puso niya sa pag-aalala. Ang taong laging nasa tabi niya, karamay sa lahat ng sandali ay hayon helpless, delikado ang buhay. Gusto niyang magmura nang magmura at maghanap ng masisisi. Gusto niyang tawagin Siya, at magmakaawa para sa buhay ng kaibigan. Hindi, hindi niya kakayanin na mawala si Lino. He was more than a friend to him. Dito siya minsan humuhugot ng lakas, sandalan sa lahat ng oras. “Y-you can’t do this to me… y-you can’t, you bastard...” garalgal ang tinig na wika niya. “M-mas sanay akong ako ang nakahiga riyan at ikaw ang umaalalay sa akin. D-don’t do this to me. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. H-hindi ako kasing tatag mo. Oh, brother! L-laban. Lumaban ka… I c-can’t lose you,” garalgal ang tinig na wika niya.
Kinalma ni Daniel ang sarili. Hindi siya puwedeng magpadala sa takot at sa pag-aalala niya. Hindi niya i-e-entertain ang dumidilim na parte ng isipan niya at hindi niya pakikinggan ang mapang-udyok na tinig roon. Kailangan niyang payapain ang tila gumigising na bulkan sa kanyang kalooban. No. Magiging matatag siya. Kailangan siya ni Lino. Hindi niya ito bibiguin at--- natigilan si Daniel. Dali-dali siyang lumabas ng silid.
“DANIEL!” nag-aalalang napasunod si Celine sa asawa. Naabutan niya ito sa hallway. Paroo’t-parito sa paglalakad. Pagkuwa’y muling naupo sa tabi niya at tila aburido na inihilamos ang mga palad sa mukha. Sina Peter at Guido na ansa hallway ay halatang may ideya na rin sa nangyayari kay Daniel. They gave her an encouraging look. Agad siyang lumapit rito. “D-Daniel…”
“Sunshine…” The tension in his voice was unmistakeable. Tiim ang labi ni Daniel. Naninigas ang tensiyunadong mga panga. Halatang nagbabago ang mood ni Daniel. Anxiety was lurking in his eyes.
“Gusto mong umuwi na muna tayo? Sina Lino at Gido na muna ang bahala rito,” pagyayakag niya.
Tumiim ang bangang ni Daniel. Halata ang pagtatalo ng emosyon sa mga mata ni Daniel. Hindi nito gustong iwan ang kaibigan pero batid din nito na nagbabago ang mood nito. Aatake ang depresyon. “H-hindi ko mapigilan…” frustrated na wika nito bago ikinuyom ang mga kamao. “Damn it, Damn it,” gigil nitong dagdag.
“Alam ko. Alam ko,” umuunawang tugon niya. Calm down, Daniel. Please calm down…“P-puntahan na muna natin ang mga bata. Baka hinahanap ka na rin ng mga anak mo.” Binalingan niya sina Peter at Gido. “Kayo na muna ang bahala kay Lino,” aniya.
Nagtinginan, nagpalitan ng sulyap sina Peter at Gido. May tahimik na mensahe ang mga mata ng mga ito. Pero puno na ng pag-aalala ang puso ni Celine para intindihin pa ang bagay na iyon. “Sige na, Daniel. Kami na ang bahala kay Lino,” sabi ni Peter.
“Hindi namin siya iiwan. Maasahan mo kami,” ani ni Gido.
“Thanks, guys. Tayo na, Daniel,” aniya.
Mariing pumikit si Daniel. Umiling ito. “N-no. Y-you stay here. A-ako na lang ang uuwi.”
“Pero…”
“Please,” tugon nito. “K-kaya ko ang sarili ko. Dito ka na lang muna. Mas… mas kailangan ka ni Lino dito,” kumislap ang mga mata ni Daniel sa luha.
Nagmatigas si Celine. “Ganito na lang, Ihahatid. Pagkatapos tsaka ako babalik dito sa hospital.” Kailangan niyang makasiguro na ligtas na makakauwi ang asawa. “Please? Gusto ko ring makita ang mga bata.”
“Okay,” pagsang-ayon na rin ni Daniel. Tinawagan ni Celine ang driver at sinabing uuwi sila.
“ANO’NG iniisip mo?” tanong ni Celine sa asawa. Malapit na sila sa Cavelli Place. Alas otso na niyon ng gabi. “Buksan mo sa akin ang isipan mo, Daniel. You know I got your back. You know you can count on me,” aniya. Nananahimik na naman kasi ito. Napansin niya na ang mga kamao nito ay kuyom, halos mamuti at lumabas ang mga buto sa diin ng pagkakakuyom. Inabot niya ang palad nito. Pilit niyang pinagsasalikop ang kanilang mga daliri. Hindi naman nagmatigas si Daniel. He accepted her hand. Dinala niya ang palad nito sa labi niya at dinampian ng halik. “Daniel open up to me, please, sweetheart. Sabihin mo sa akin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo.”
“Natutuliro ako,” ani ni Daniel. “L-Lino’s the brother I never had. N-ni minsan, hindi ako pinag-alala ni Lino. Lagi na ay malakas siya, matatag, at kontrol ang sitwasyon. I… I always look up to him. Always depend on him. N-ngayon lamang nagkakaroon ng sariling buhay at sariling oras si Lino para sa sarili niya tapos…tapos h-heto at… a-at n-nanganganib ang buhay niya.” Malakas na bumuga ng hangin si Daniel para pagluwagin ang kalooban. “H-how cruel life can be?”
Nag-init ang mga mata ni Celine. Hanggang sa tuluyang malaglag ang mga luha sa mga mata niya sa emosyong iyon ng asawa. “Mabuting tao si Lino. Ililigtas siya ng Diyos,” she assured him.
“Ma’am, Sir, narito na po tayo,” anunsiyo ng driver na si Lando.
Pagtingin ni Celine sa labas, nakita nga niyang naroon na ang kotse sa pribadong parking area ng Cavelli Place. Sila lamang ang gumagamit noon. Bagaman kasya ang tatlong sasakyan roon. Naroon na rin kasi ang pribadong elevator na derektang patungo sa penthouse.
“You go ahead, Lando,” sabi ni Daniel. “Iwanan mo na kami ni Celine.” Agad namang tumalima ang driver. Bumaba ito ng sasakyan at lumabas sa pintong ang lalabasan ay ang pinaka-lobby ng Cavelli Place. Nasundan niya ng tingin ang driver. Mula roon ay doon na ito sasakay ng elevator patungo sa unit ng pamilya nito na malapit sa penthouse. “C-Celine…” medyo naghahabol ng hininga na tawag-pansin sa kanya ni Daniel. Muling itinuon ni Celine ang atensiyon sa asawa. Nakita niya itong binasa ng dila ang nanunuyong labi. Tila nadoble ang tensiyon sa aura nito. Naagaw din ng pansin niya ang palad ng asawa na nasa kandungan nito. Daniel was holding, caressing, squeezing his manhood. And it was already hard. Ibinalik ni Celine ang paningin sa mukha ng asawa. “It’s… It’s mania…” usal nito bago muling lumunok. Sa liwanag ng ilaw ng sasakyan ay nakita ni Celine ang dagling pag-aapoy sa pagnanasa ng mga mata ng asawa.