Chapter 18

3732 Words
“IT’S… IT’S mania…” Manic depression. Mania. Alam iyon ni Celine. Isa iyong klase ng atake kung saan walang sawa o paulit-ulit na makikipagniig ang sufferer na parang isang manyak. Ang sabi pa ng ilan, kapag daw inaatake ng mania ay daig pa ang taong nakainom ng sangkatutak na date rape drug, o kahit na anong gamot na nagpapataas ng s*x drive. Sa durasyon ng pagsasama nila, iyon ang unang pagkakataon na aatakihin si Daniel ng mania. “Gaano katagal ang atake?” tanong niya. Umusod siya rito. Dinala niya ang palad niya sa pisngi ng asawa at hinaplos iyon, sinusubukang kalmahin ito. “A few hours… O-overnight…” Pumikit si Daniel. Kinagat ng mariin ang labi. His breathing was already rugged. Parang hindi na ito mapalagay. “S-si Lino ang madalas na umaayos ng lahat. I mean, siya ang nagdadala sa akin ng… b-babae…” anito, his hand still working on his shaft. Kinagat nito ang lower lip at mainit na tinitigan siya. His cheeks were flamed with passion. Patuloy pa rin ang pagtaas-baba ng dibdib nito dahil sa hindi pantay na paghinga dala ng pagnanasa. Daniel looks so erotic.  Sa totoo lang ay na-a-arouse siya sa hitsura ng asawa. The pool of desire was starting to build up between her thighs. Nagiging ang bawat himaymay ng kanyang kalamanan. Rumaragasa ang mga dugo sa bawat ugat niya. “Do you want to do it with someone else?” tanong niya. Magwawala siya kung iyon nga ang kaso. Nagmulat ng mga mata si Daniel. Madilim at delikado ang emosyon roon. “Paano mo naitatanong ang bagay na iyan?” angil nito. At pinagngalit ang mga ngipin. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. “How could you ask me that? Damn it. Mula nang makita kita ikaw na lang ang gusto ko. Akala ko ay malinaw na sa ‘yo ang bagay na ‘yan, huh? Wala na akong ibang gusto kundi ikaw lang!” Ngumiti siya, ikinasiya ang tugon ng asawa. Ans she was more turned on. Dahan-dahang inilapit niya ang katawan rito. Ganoon din ang mukha. She was giving him a dose of her sweet breath to make him want her more. Daniel breathe and filled his lungs with the scent of her. Hinuli niya ang hindi mapalagay na paningin ng asawa. “Naitanong ko iyon because… I’ll kill you if you lay your hands to anyone else. Akin ka lang, Daniel,” mapag-angkin na wika niya. Daniel groaned. His stare was scorching hot. Mas lalong naging hindi pantay ang paghinga nito at pinadadaaan na ang hininga sa nakabukang labi. Ang reaksiyong iyon ay lalong nagpalakas ng loob ni Celine. Pero hindi lamang si Daniel ang naapektuhan. She, too, was so awash with need, with primal need. She smiled wickedly. Umusog pa siya. And then she tried to get a hold of his arousal.  “N-no,” makapal ang boses na wika ni Daniel, pinipigilan siya sa nais niyang mangyari. Inalis nito ang kamay niya sa p*********i nito. “D-don’t.” “Daniel,” protesta niya. Nakakaramdam na siya ng frustrations. Inaatake si Daniel ng Mania at siya lang umano ang gusto nito pero bakit wala pa itong ginagawa? Muling lumunok si Daniel at muling binasa ang labi. He was really horny. Pero tila pinipigil nito ang sarili. Why the reservations? “Come on, Daniel…” mapang-akit na sabi niya. “Ako lang ang kailangan mo, ‘di ba? Ako lang ang gusto mong angkinin. Ipakita mo, Daniel. Kumilos ka at ipakita mo na ako lang, ako lang ang makapagpapasaya sa ‘yo. Do you want me to talk dirty? Do you have any s*x fantasies na hindi pa natin nagagawa?” Daniel groan gutturally under his rugged breath. Umiling ito, marahas na umiling. “Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo, Celine!” singhal nito sa kanya. “Masasaktan ka. During mania, I only care about myself. I won’t care with your own orgasm, your pleasure. Or, whether you come or not. Sarili ko lang ang iintindihin ko. I won’t make love to you, instead, I will f**k you. You hear me? I will f**k you and treat you like a w***e. Naiintindihan mo ba?” Yes. Naiintidihan niya ito. Mania is about f*****g, not making love. “Do not underestimate ma, Daniel Cavelli. Hindi ako mahinang babae,” matapang na saad niya. “Damn it! I want you, too, Daniel!” aniya rito bago tuluyang sinakop ang maliit na distansiyang naglalayo sa kanila at inangkin ang labi ng asawa. Mainit at mapusok ang halik. Kinuha niya ang palad nito at dinala sa kanyang dibdib. Hindi na lumaban pa si Daniel. She almost gasp when Daniel squeezed it hard. He find and twisted her n****e so that the dart of pain sent a jolt straight to the core of her being. Umungol si Celine. And the pain was converted to sting of sensual sensation. She became extra aggressive…   NAALIMPUNGATAN si Celine sa paggalaw ng kama. Si Daniel pababa ng kama. Agad nagising ang diwa niya. Nagmulat siya ng mga mata. Sa malamlam na liwanag ng night lamp, nakita niya ng pumasok ito ng built-in cabinet. Paglabas ay may suot na itong pantalon at akmang isinusuot ang isang polo shirt. “Hey,” pagkuha niya sa atensiyon nito. Itinaas niya ang isang kamay, pinalalapit ito sa kanya.             Si Daniel, nang makitang gising siya, ay agad nakasampa ng kama. “Hey.” Yumuko ito at dinampian ng halik ang noo niya. “Magaan na nga akong gumalaw at kumilos, nagising ka pa.”             She gave him a light smile. “Ganoon siguro talaga kapag sanay na kang yakap at katabi ng mahal mo,” tugon niya. Natutuwa siya na masaya na mukhang lumipas na ang atake ni Daniel. He seemed all right. Mabilis na sinulyapan niya ang wall clock at nakita niyang alas kuwatro na ng umaga.             “How do you feel?” nag-aalalang tanong nito, sinusuklay ng mga daliri ang buhok niya. Hindi maitago ang pag-aalala sa guwapong mukha. “A-about last night? Are you hurt? Sore?”              Itinaas niya ang isang palad, idinampi sa labi ng asawa ang hintuturo bago marahang hinaplos ang labi nito. “I am fine,” paggarantiya niya rito. Bagaman, oo, masakit nga ang katawan niya. And she was a liitle sore. Papaanong hindi gayung walang kapaguran na inangkin siya ni Daniel. Mula sa masikip na sasakyan hanggang sa parking lot, sa elevator, at sa bawat sulok ng silid nila. Aaminin niya, marahas si Daniel. He was wild, undecisive, and dominant. Tama ito sa babalang ibinigay sa kanya na may mga pagkakataon nga na ang sariling kaligayahan lang nito ang iniintindi. Bagaman may mga pagkakataon na passionate ito. He took her tirelessly, s*x after s*x, f**k after f**k. Lovemaking after lovemaking. Naghalo ang mga pawis nila, nagsanib ang mga ungol, nag-isa ang mga katawan. Hindi siya makapaniwala sa tagal, lakas, at haba ng resistensiya ni Daniel. He was always hard and hungry. “Medyo masakit ang katawan ko, oo. And I’m also a little sore, yes. But aside from that, I am perfectly fine, Daniel. Perfectly fine.” Mula sa hinahaplos na labi, pumaloob ang palad niya sa buhok ng asawa sa likod ng ulo nito. “Masaya akong hindi mo idinistansiya sa akin ang sarili mo. I love you. You and your imperfections,” aniya. Kumislap sa pagmamahal at kasiyahan ang mga mata ni Daniel. “I… I don’t know what else to say. Hindi ko mahanap ang tamang salita para ipahayag ang damdamin ko.” “Kahit simpleng ‘I love you’ ay okay na,” nakangiting tugon niya. “Oh, Sunshine…” Daniel’s lips quivered. Namula ang mga mata nito sa pagbabanta ng luha. “I love you. I love you so much,” puno ng pagmamahal na usal nito. Tumagos iyon sa puso ni Celine. Tumagos hanggang kaluluwa niya. Maaaring kumplikadong tao ang kanyang asawa pero kailanman ay hinding-hindi matatawaran ang pagmamahal nito sa kanya.             “I love you, too. Oh,” Si Lino nga pala! Bumangon siya at hinagilap ang cellphone niya.             “Pinakialaman ko ang cell phone mo. Alam kung sa ‘yo muna sila mag-uulat,” sabi ni Daniel. “At…?” kinakabahan niyang tanong. Nag-iwas ng paningin si Daniel. “W-walang balita. Walang text, ni miscall. K-kaya nga pupunta na ako sa hospital.” Mabilis siyang bumangon. “Magbibihis lang ako. Puntahan natin siya.”             “No, Sunshine. Ako na lang. Manatili ka na lang rito at magpahinga.” Nilingon niya ito at tinaasan lang ng kilay ang asawa. Natatawang napakamot ng ulo si Daniel. “Sabi ko na nga ba at hindi ka magpapaawat.”             She grinned. “Kaya balak mong umalis na lang habang tulog pa ako?”             Simpatikong ngumiti ito. “Yes, sorry. Pagkatapos kasi ng nangyari kagabi, akala ko ay hindi mo kakayaning lumakad man lang,” pilyong sabi nito. “I rocked your world, remember?” Sinisikap magbiro ni Daniel kahit puno ng pag-aalala ang puso nito para sa kaibigan.              “Baliw,” pagsakay naman niya bago pumasok sa built-in cabinet.             “Baliw sa ‘yo,” pahabol na tugon naman ni Daniel. Maluwang ang ngiti na napailing na lang si Celine. Pagkuwa’y tahimik na umusal siya ng panalangin at pasasalamat para kay Lino at sa mabilis lamang na episode ng depresyon ni Daniel.   “TATAWAGAN ko mamaya si Nanay at pakikiusapan sila na pumarito muna para siyang tumingin sa mga bata habang nasa hospital tayo,” ani ni Celine. Nakapagbihis na siya at handa na. “Or, ang mga bata muna ang ihabilin natin sa kanila tutal matagal na rin nilang gustong hiramin ang mga bata.”             “Oo, sang-ayon ako. Please, do that,” ani Daniel. “Mas mapapanatag ang loob natin kung may kapamilya na kasama ang mga bata kesa sa mga yaya lang. Handa ka na?”             “Oo. Tayo n—” natigilan si Celine. Napatingin siya sa mukha ni Daniel. “Narinig mo iyon?” Ang narinig na paglagabog at tila pagtili ang tinutukoy niya.             Hindi sumagot si Daniel. Ang hintuturo nito ay inilapat sa nakatikom na bibig sa aktong pinatatahimik siya. Marahang tinungo ni Daniel ang salansan ng ilang libro. May iniangat itong isang libro at sa isang iglap ay umabante ang isang partisyon ng rack. Tila sekretong drawer iyon. Mula roon ay nakita niyang may dinampot si Daniel. Baril. Natutop ni Celine ang bibig. Hindi niya alam ang tungkol sa sekretong drawer na iyon. Pero hindi iyon ang panahon para mag-usisa siya lalo pa at naulinigan nila ang pag-iyak ni Christopher. “Tawagan mo ang security nitong building,” utos sa kanya ni Daniel. Ginawa niya. Pero mukhang may problema sa linya ng telepono. Sinubukan niyang tumawag gamit ang cell phone. “Walang signal,” aniya. “Daniel, umiiyak si Christopher,” nag-aalalang wika niya. Naalala niya ang mga monitor sa silid ng mga bata at sa labas ng silid nila. Walang lumabas sa CCTV ng sala at sa iba pang CCTV. Pero natutop niya ang bibig ng sa monitor ng silid ng mga bata ay bumulaga roon ang dalawang yaya na nakatali at may busal sa bibig. Umiiyak ang mga ito. “G-God… Daniel…” May nanloob sa kanila, iyon ang malinaw. Sinabotahe ang mga CCTV para hindi nila makita ang mga nangyayari sa labas ng silid. “A-ang mga bata. A-ang mga anak natin…” hintakot na bulalas niya. Tiim ang bagang ni Daniel. “Manatili ka lang dito,” anito bago tinungo nito ang pinto. Dahan-dahang binuksan iyon at… “Hello, Daniel,” sabi ng tinig na agad nakilala ni Celine na pag-aari ni Peter. “Peter…? Peter, ano’ng… ano’ng ibig sabihin nito?” galit at hindi makapaniwalang tanong ni Daniel. Iyon ang pumigil sa tangkang paglapit ni Celine. What the hell is happening? S-si Peter ang nanloob? “Ibaba mo ang hawak mong baril, Daniel. Kung ayaw mong kumalat ang utak ng anak mo dito,” narinig niyang wika ni Peter. “Peter! Put that gun down, damn it! What’s wrong with you?” malakas ang tinig na wika ni Daniel. Nasindak si Celine sa narinig. Anong baril? Anong pagkalat ng utak ng anak nila? “Dyyyy!” palahaw naman ni Christopher. Pagkarinig sa anak ay hindi na nagpaawat si Celine at sumunod kay Daniel. “Celine stay inside,” utos ni Daniel. Pero hindi siya nagpaawat at inusisa ang nagaganap sa maliit na siwang ng nakabukas na pinto. “Oh, my God—” tila itinulos si Celine sa kinatatayuan sa kanyang nasaksihan. Si Peter, hawak si Christopher at nakatutok sa ulo ng luhaang bata ang baril. Pakiramdam ni Celine ay na-drain ang lahat ng dugo niya sa katawan. “Oh, my God, Oh, my God…” tutop ang bibig na bulalas niya. “P-Peter, ano’ng ginagawa mo? I-ibaba mo ang baril, nakikiusap ako. Baka…baka aksidenteng makalabit mo ang gatilyo niyan. A-akin na ang anak ko…” pakiusap niya, pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa eksenang iyon. Hindi siya napigil ni Daniel ng tuluyang lumabas siya at abutin ang kanyang anak. “P-Peter…” luhaang wika niya. “A-ang anak ko, akin na si Christopher. P-please…” “Diyan ka lang, Celine!” matigas na utos ni Peter. Napahagulhol na si Celine. “Daniel, ibababa mo ba ang baril mo o hindi?” baling nito kay Daniel bago idiniin ang dulo ng baril sa ulo ni Christopher. “N-no, no, no!” natatarantang wika ni Celine. “Please, no!” hagulhol niya, takot na takot para sa anak. Binalingan niya ang asawa. “Daniel, ibaba mo ang baril na iyan. Ano pa ba ang hinihintay mo?! Sundin mo na siya!” singhal niya. “Daa—Dyyy! Maaa!” patuloy na palahaw ni Christoff. “Oh, God, Christopher, anak… Diyos ko, Diyos ko… Daniel put the gun down, please.” Tiim ang bagang na ibinaba ni Daniel ang baril. Humalakhak si Peter. “Ganyan nga. Ngayon, ilapag mo sa sahig ang baril, Daniel. Pagkatapos ay sipain mo patungo rito. Huwag na huwag kang magkakamali ng kilos dahil hinding-hindi ako mangingiming iputok ito.” “Daniel please, sundin mo siya,” umiiyak sa takot na wika ni Celine. Sa namumulang mga mata ni Peter at sa pagsinghot-singhot ay hindi maikakaila na nasa ilalim ito ng impluwensiya ng droga. There was no hint of fear in his eyes. Para bang wala silang ano mang halaga para rito. Why he was doing this? Ano ang kasalanan nila?  Sumunod naman si Daniel, ibinaba ang baril at sinipa iyon patungo sa kinatatayuan ni Peter. “Hindi ko alam kung ano ang kasalan ko sa ‘yo para gawin mo ang bagay na ito,” malamig ang tinig na wika ni Daniel. “Pero huwag mong saktan ang pamilya ko. Huwag mong saktan ang mga anak ko, Peter. Let them go.” Takot na takot si Celine. Lalo pa at nakita niyang mariing nakakuyom ang mga kamao ng asawa. She knew there was a raging anger inside him. Nilapitan niya ang asawa, ikinapit sa braso nito ang nanginginig na mga palad bago iyinuko ang ulo. Diyos ko, sana ay hindi siya atakihin uli ng depresyon… “Mga anak?” tila nakakalokong tanong ni Peter. Umupo ito at dinampot ang baril ni Daniel. “Isa lang ang anak mo. Ito lang,” inginuso nito ang hawak na bata. “’Yong isa? Si Hugo? Anak ‘yon ni Gido.” Parang nanlaki ang ulo ni Celine sa narinig. She was shocked, too shocked to respond. Si Daniel ay ramdam din niya ang mas tensiyunadong katawan. Nag-angat siya ng ulo. Napatingin siya sa silid ng mga bata. Siya namang paglabas roon ng isang tao karga si Hugo. “G-Gido…” Ni hindi alam ni Celine kung nagkaroon ng boses ang pagbigkas na iyon. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Kung si Christopher ay walang ingat ang pagkarga at tinututukan pa ng baril, si Hugo ay walang baril na nakatutok at maingat itong karga ni Gido. “G-Gido, ano ang ibig sabihin nito?” hilam ang luha na tanong niya. Mariing kinakagat niya ang dila, umaasang panaginip lang ang lahat ng iyon. But she could feel the pain, and the terror. Magkasabwat sina Gido at Peter sa panloloob sa kanila. Kaya nakapasok ang mga ito kahit secured ang pinto nila, kaya nasabotahe ang mga CCTV, kaya— God! Siyempre, alam nila ang mga pasikot-sikot sa penthouse. Alam nila kung papaano makakapasok na hindi gagana ang alarma ng penthouse. At ang telepono? Ang kawalan ng signal ng cell phone niya? Siguradong kagagawan rin iyon ng mga ito. Naupo si Gido sa sofa. “Narinig n’yo si Peter. Ako ang ama ni Hugo.” “Putang ina, ninyo!” sigaw ni Daniel. Pulang-pula ang mukha nito sa galit, parang bulkan na sasabog. Umakto ito na susugurin si Gido. Ni hindi ito napigilan ni Celine. Subali’t nakakailang hakbang pa lang ay umalingawngaw na ang putok ng baril. Celine shrieked in horror. Halos panawan siya ng ulirat sa putok na iyon ng baril. “No!” naglulunoy sa luha ang mukha tili niya. Para siyang masisiraan ng ulo sa bangungot na pinagdadaanan nila sa sandaling iyon. Pagkatapos ay nakita niya ang pagbagsak ng katawan ni Daniel. Si Daniel ang binaril. Agad niya itong dinaluhan. “Daniel! Oh, my God. Oh, my God…” hagulhol niya. Kahit papaano ay nakadama siya ng relief ng makita niyang sa balikat lamang ang tama ng asawa. It wasn’t a fatal shot. Ganoon pa man ay agad na namula ang bahaging iyon ng damit ni Daniel at kumalat ang dugo.. Umaktong tatayo uli si Daniel. Madilim na madilim ang mukha nito. Mariin ang pagkakatikom ng mga labi. “You bastard! I will kill you! I will f*****g kill you!” galit na wika ni Daniel, tila hindi ininda ang tama ng baril. “Ganoon?” sabi ni Peter bago muling itinutok ang baril. “H-huwag! Huwag, huwag, huwag…” Hindi magkandatutong wika niya bago iniharang ang sariling katawan sa asawa. “Oh, God! H-huwag, huwag…” natutulirong wika niya. “Celine—” “Daniel, please… Plea—se,” pigil niya sa asawa. Binalingan niya sina Peter at Gido. “Ano bang kasalanan namin sa inyo, ha? Bakit n’yo ginagawa ito?” naghi-histeryang tanong niya. “Akin na ang anak ko. Parang awa n’yo na!” “Huwag kang mag-alala, Celine, dahil magsasama-sama rin kayo. Sa hukay,” sabi ni Gido bago humalakhak. Maging ito ay napuna niya na nasa ilalim ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot. “Pagbabayaran ninyo ito. Isinusumpa ko. Susundan ko kayo hanggang sa impyerno!” sabi ni Daniel sa pagitan ng nagngangalit na mga ngipin. “Pakawalan n’yo ang mag-ina ko at tayo ang magtuos!” Nanginginig ang katawan ni Daniel sa galit. “Hindi, Daniel. Kapag pinakawalan namin sila, masisira ang plano,” ani ni Peter. “You’ll die here. All of you.” Tumindig ang mga balahibo ni Celine sa katawan. Papatayin silang mag-anak roon, iyon ang konklusyon ni Celine. “P-plano?” mapait na tanong ni Celine. “Pinagplanuhan ninyo ang lahat ng ito? Bakit? Para saan? Hindi ko maintindihan… I—itinuring kayong higit pa sa kaibigan ni Daniel. Why are you doing this? Sabihin ninyo!” Oh, God. Nasa ibaba ang unit ng driver nila na si Lando pero malabo na marinig nito ang kaguluhan sa penthouse kahit ang putok ng baril dahil sound-proof ang buong penthouse. God have mercy on us. Iligtas N’yo po kami. Parang awa N’yo na, iligtas N’yo po kami, piping panalangin niya.   “OKAY, mangungumpisal na ako,” ani ni Gido. “Tutal naman eh mawawala na rin kayo. Sige, makinig kayong mabuti, ha? Dawalang taon na ang nakararaan mula nang magsimula akong malulong sa sugal. Nakakaadik. Hanggang sa mamalayan ko na lang na ubos na ang pera ko. Ubos na ang ipon ko sa bangko. Nagkautang-utang ako. At ang kaalamang bilyones ang pera mo, Daniel, ay talaga namang katakam-takam. Nakakapaglaway, Daniel…”             “Pera?!” ani ni Daniel. “Pera ang dahilan ng lahat ng ito? Pera lang Gido? Itatapon ninyo ang pagkakaibigan natin dahil lang sa putang inang pera?!” bulyaw ni Daniel. “You could have asked me! You son of a b***h!” aktong susugod na naman si Daniel pero pinigilan ito ni Celine. Maging siya ay hindi makapaniwala sa narinig. Pera lang pala ang dahilan ng lahat ng ito. Humalakhak lang si Gido. “Hindi lang ako sa sugal, nagumon, Daniel. Pati sa ipinagbabawal na gamot. Huh. Wala kang ideya. Kaya nagsimula akong magplano,” pagpapatuloy ni Gido. “Paano nga ba mapapasaakin ang pera mo? Doon na pumasok sa eksena si Ciara. Isang anak sa labas ang solusyon. Plinano ko ang lahat, Daniel. Pinaibig ko si Ciara.” “W-what? K-kung ganoon ay anak mo nga si Hugo?” tanong ni Celine. “Sinabi ko nga, ‘di ba?” pagsingit ni Peter. “Inanakan niyan si Ciara. Tapos ako, ako, hinikayat din ng gagong iyan. Nalulong din ako sa droga dahil sa kanya. Pinakitaan niya ako ng magandang plano at nasilaw naman ako,” nakangising wika nito. “Paghahatian namin ang pera mo.” “Traydor! f*****g traitor,” nagngingitngit na usal ni Daniel. Tumawa lang si Gido. “Hindi mo alam pero milyones na ang nadidispalko namin sa pera mo. Pinagtatakpan lang ni Peter ang mga libro. Pero hindi kami sa makuntento sa pa-kupit kupit lang, Daniel. We want it all.” “Hayup! Mga demonyo kayo!” aniya. “Minanipula ko ang lahat. Mula sa pagb-brainwash kay Ciara, sa pagpaparehistro kay Hugo bilang anak mo, hanggang sa DNA testing. Maliit na pera lang ang kailangan para magkaroon ng resulta na positibo ang nakalagay. So do you get it now? Kapag nawala kayo, kay Hugo mapupunta ang lahat ng kayamanan mo. Si Hugo ang solong tagapagmana ng bilyones na pera, sangkatutak na investments, properties, companies, assets… lahat, Daniel, kay Hugo lahat mapupunta.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD