Chapter 19

3055 Words
NIYAKAP siya ni Daniel. Ibinaon nito ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat niya. “Celine, go back to the room,” bulong nito sa kanya sa desimuladong paraan. “May fire exit doon, ‘di ba? Please save yourself. Lock the door and save yourself. You can make it.” Ang silid nila ay ilang hakbang lamang ang layo mula sa kinatatayuan nila. “H-hindi, hindi…” nangangatal ang labi na usal niya. Papaanong inuutusan siya nito na iligtas niya ang sarili at iwan doon ang mag-ama niya? No. Sama-sama na lang silang mamatay doon. Dahil ganoon din naman ang suma kung sakaling makaligtas siya at hindi ang mag-ama niya. Mamamatay din siya sa pangungulila at sa pag-iisa. Mawawalan ng saysay ang buhay niya. Mababaliw lang siya. Hindi. Hindi niya iiwan ang dalawa. “S-sige na. P-pakiusap,” ani ni Daniel, garalgal ang tinig nito, ramdam niya ang pagtulo ng mainit na luha ng asawa sa balat niya. “I love you. A-always remember that I love you. I’m… I’m raging inside. N-nakukumawala sa dibdib ko ang halimaw. Hindi ko na makokontrol pa ang sarili ko. Mamamatay akong lumalaban.” Hilam ang mukha sa luha na umiling siya. Hindi niya pinakinggan ang asawa. Tumayo siya. “P-papatayin mo rin lang kami, give me my son, please…” pakiusap ni Celine, naglulunoy pa rin sa luha ang mga mukha. “Parang awa mo n—a! Ibigay mo sa akin ang anak ko. Patayin mo kaming yakap ko siya!” Parang gusto ng sumuko ni Celine sa sandaling iyon. Paaano pa nga sila makakaligtas? Walang kinikilala sina Gido at Peter na tanging ang iniisip ay ang perang makukuha.             Nakakalokong tumawa si Peter, ganoon din si Gido. “He was our leverage, Celine. Hindi mo ba alam na magaling sa martial arts si Daniel? He can always outsmart us. Pero kapag hawak ko si Christopher, hindi siya mangingiming magkamali ng kilos.”             “Pasensiyahan na lang tayo, Celine,” sabi ni Gido.             “Pasensiyahan?! Mga hayop kayo!” histerikal na sigaw niya, bago malutong na pinagmumura ang dalawa. “Give me my son, give me my son!” Tumayo si Daniel. Napakadilim ng mukha nito. Kuyom ang mga kamao.“S-si Lino? Kayo din ba ang may kagagawan ng aksidente niya?” malamig nitong tanong. Tumaas ang nakakuyom na mga palad nito at sinabunutan ang sariling buhok. “Ah—h!” “N-no, Daniel…” hintakot na bulalas ni Celine nang magsimula si Daniel na saktan ang sarili. He was hitting his own self. Nagsisimula ng mawalan ng control sa sarili si Daniel. Celine felt helpless. Wala siyang magawa. Walang ibang magawa kundi matakot at umiyak. Tuwang-tuwa naman sina Peter at Gido na makitang nawawala na ng control sa sarili si Daniel.  “Well, plano talaga naming patayin din si Lino. Pero, no, hindi kami ang may kagagawan ng aksidente. Baka isa sa mga naapakan niya sa pagtake over ng DeKart? Who knows? Pero nakita namin ang sitwasyon  para isagawa ang plano. Lahat ay umaayon. Lahat ay perfect timing,” sabi ni Gido. “At ikaw, Daniel, ikaw ang lalabas na responsible sa m******e na ito. Puwede naming palabasin na inatake ka ng depresyon dahil kritikal ang lagay ng kaibigan mo. Then you go rampage. Kinuha mo ang baril mo, nagwala ka, at pinagbabaril mo ang mga yaya ng mga bata, ganoon din si Celine at si Christopher. Pagkatapos tsaka mo kikitlin ang sarili mong buhay. Siyempre kunwari ay himalang makakaligtas si Hugo. Ang medical records mo ang magpapatunay na magagawa mo nga ang bagay na ito. Walang maghahanap ng mas malalim na imbistigasyon dahil tutuluyan din namin si Lino.” “Ah—h!” hiyaw ni Daniel. Sabunot ang sarili na umuklo ito. Na para bang may mga demonyo na nagdidigmaan sa kalooban nito at si Daniel ang naiipit sa digmaang iyon. Parang baliw si Daniel, wala sa sarili. “Damn it, damn it, damn it!” anito bago patuloy na sinasaktan ang sarili. Para itong natutuliro, hindi alam kung saan papaling. Mariing pumikit si Daniel. Nang magmulat ito ng mga mata ay hinagilap nito ang pinakamalapit na gamit, ang vase, at ibinalibag iyon. Para itong toro na nagwawala. “Daniel…” pigil niya, pero iwinasiwas lang nito ang kamay niya. “Ganyan nga, Daniel. Sige, magwala ka,” natutuwang sabi ni Gido sa pagwawalang iyon ni Daniel. Si Peter ay nakangisi rin na tumabi, nananatiling hostage si Christopher. Wala nang nagawa si Celine kundi ang umiyak ng umiyak. Ni hindi iniinda ni Daniel ang balikat na nagdurugo. Itinatapon nito, iwinawasiwas ang kung ano mang mahawakan. His eyes were black.  Nang mapatapat ito sa kanya ay walang pangingiming itinulak siya ni Daniel. Celine cried in horror. Parang wala na talaga itong nakikita, walang kinikilala. “Daniel please hold on!” Hiyaw niya. “Huwag kang bumitaw, please. I love you! Oh, my God. Oh, my God….” Halos baligtarin ni Daniel ang buong penthouse. Sina Peter at Gido ay mala-demonyo ang pagkakangisi na umiiwas lang sa daraanan ng nag-aalimpuyong si Daniel. “Sige, Daniel, pinadadali mo lang ang pagse-set up namin sa iyo. Turn this place upside down. Put your finger prints in them,” ani ni Peter. Daniel is now in the kitchen. Ang mga gamit naman doon ang binabaligtad nito, iwinawasiwas, itinatapon, sinisipa, binabasag, at kung ano-ano pang pagwawala. Hindi ito mapipigilan. He was raging. Para itong ipu-ipo na nanalasa. Hanggang… “Rot in hell!” dumadagundong na sigaw ni Daniel bago magkasunod na ipinukol sa deriksiyon nina Peter at Gido ang kung anong hawak ng mga palad nito. Napatili na lang si Celine nang mapagtanto kung ano ang nangyari. Ang mga mata niya ay nanlaki sa nasaksihan. Si Peter, may nakatarak na kutsilyo noo nito. Mulagat ang mga mata nito at tuluyang nabitawan ang baril, ganoon din si Christopher. Mabilis na gumana ang reflex ni Celine, nag-dive siya at sinalo ang bata. Nang masalo ang anak ay mahigpit na niyakap niya ito, ipinaloob sa mga bisig niya, at prinotektahan. “Oh, God. Oh, God…” umiiyak na usal niya. “Maaa!” umiiyak na palahaw ni Christopher. Mapula na ang mukha nito at naghahalo na ang luha, sipon, at laway. “Hush. Yakap ka na ni mommy. It’s okay, it’s okay. It’s over, son. Daddy save us…” aniya. Nang marinig niya ang pagpalahaw ni Hugo ay napalingon siya sa deriksiyon nito. Si Gido. May punyal din na nakatarak sa tapat ng dibdib nito. Pero hindi tulad ni Peter na wala ng hininga, si Gido ay naghihingalo pa. She gets it. Naaalala niya ang kuwento ni Lino na mahusay umano si Daniel sa larong dart. Lagi daw itong nakaka-bull’s eye. Koordinado umano ang reflex nito, ang ritmo, at ang vision… At ang skills na iyon ay ginagamit din umano ni Daniel sa pangangaso. Ngayon ay ginamit iyon ni Daniel para makaligtas sila sa sitwasyong iyon. Thank God. God is so good. Hindi Niya hinayaang mapahamak sila. Tumayo si Celine na karga si Christopher. Tinungo niya ang kinaroroonan ni Hugo at kinarga rin ito. “K-kaawaan ka ng Diyos,” umiiyak na usal niya kay Gido. Si Gido na marahil ay nagsisisi din dahil sa huling sandali ay may pumatak na butil ng luha sa mga mata nito. Tapos na ang bangungot. Tapos na ang pinakamahabang oras sa buhay ni Celine. Ligtas na sila. Naagaw ang atensiyon ni Celine ng isang lagabog. “D-Daniel…” bulalas niya. “Daniel!” hiyaw niya ng makita niyang bumagsak ang katawan ni Daniel at magsimula iyong manginig na para bang kinukumbulsiyon. Huwag kang mataranta Celine, huwag…paalala niya sa sarili. Binitiwan niya ang mga bata bago mabilis na tinungo ang silid ng mga yaya. Tama siya ng hinala na nakagapos nga ang mga ito at mat busal. Mabilis na kinalas niya ang isa. “Humingi ka ng tulong  sa security sa baba, bilis!” utos niya bago kinalas din ang sa isa pa. “Tumawag ka rin ng ambulansiya sa baba. Si Lando gisingin!” Nang makalas niya ang gapos nito ay ito na ang nagtanggal ng busal. “O-opo, opo…” umiiyak at hindi magkandatutong tumakbo ito palabas. “Ang mga bata, tingnan mo sila,” utos niya sa isa pa bago nagmamadaling bumalik kay Daniel. Seizure. Daniel is having a seizure. Naghagilap si Celine ng kutsara at inilagay iyon sa bibig ng asawa. Pagkatapos ay kinuha niya sa silid ang mga paunang gamot na dapat maiturok sa katawan ni Daniel sa pagkakataong inaatake ito ng seizure. Bagaman natataranta, maayos naman niyang naibigay ang mga gamot na kailangan. Ang sugat sa balikat ay tinalian ni Celine ng pinunit na bahagi ng kanyang damit. “Y-you’ll be all right…” aniya sa asawa, niyakap niya ang nagkokumbulsiyon nitong katawan. Tiningnan siya ni Daniel, may kislap iyon ng pagmamahal, may luha ng saya sa kaalamang ligtas na silang mag-ina. “I love you. Ligtas na tayo, l-ligtas na tayo, Daniel. It’s over. Thank God it’s over…” puno ng emosyon na usal niya. “D-Daniel…” hintakot na wika niya nang tumitirik na ang mga mata ni Daniel. “Danie—l! Tulong, tu—long!”   “ANAK, kumain ka muna,” anang nanay ni Celine sabay dampi sa balikat niya.             Umiling siya. Kasabay niyon ang pagtulo ng luha niya. “H-hindi ho ako nagugutom. Ang mga bata po?” Hinawakan niya ang palad ng walang malay na si Daniel. Agad na dumating ang driver na si Lando at ang mga security personnel ng Cavelli Place. Mabilis na isinugod nila sa hospital si Daniel. Thank God dumating sila sa tamang oras. Nailigtas ang buhay ni Daniel, natanggal na rin ang bala sa balikat nito. Hindi pa nga lang ito nagkakamalay.             Celine kissed Daniel’s hand. Hindi sila binitiwan ni Daniel, hindi ito sumuko, hindi tuluyang nagpadala sa agos ng atake. Kinapitan nito ang pagmamahal para sa kanila kaya kahit sa gitna ng madilim na atake nito ay nagawa pa rin nitong iligtas sila. Love, indeed, is a powerful feeling.             “Katatawag lang ng kapatid mo. Tulog na daw ang mga bata,” tugon ng nanay niya.             “Celine!” sabi ng humahangos na mga tinig. Paglingon niya nakita niya sina Riza at Marc. Napatayo siya. Yumakap siya kay Riza at umiyak sa balikat nito. “My God! I’m sorry… N-nag-aalala rin kami para kay Lino kaya umuwi kaming mag-asawa. Hindi namin inakala na… na… Oh, my God…” Si Marc ay hinaplos din ang likod niya.             Ang nanay niya ay sumenyas na tutungo sa kabilang silid. Sinagot niya iyon ng tango. Nang bahagyang kumalma ay humiwalay na si Celine sa yakap. “H-hindi ako makapaniwala sa nangyari,” masakit ang dibdib na tugon niya. At muli ay naglandas ang maiinit na luha sa mga mata niya. Ikinuwento niya ang naganap sa penthouse. “A-ang bilis ng mga pangyayari. ‘Yong mga taong pinagkatiwalaan namin, itinuring na mga kaibigan ang siyang gagawa ng ganoon. Parang bangungot lang ang lahat. Nagawa nilang malaman ang password sa private elevator kaya hindi nalaman sa lobby ang pagpasok nila. May susi sila ng penthouse, may signal jammer kaya walang signal ang cellphone, inalis ang CCTV’s, pinutol ang linya ng landline, pati mga alarms ay sinabotahe nila. P-pinag-isipan nila ang lahat…” daing niya. “P-pinagplanuhan nila ang lahat para lamang makamkam ang pera ni Daniel. Pati ang walang muwang na bata ay ginamit nila.”             “Devil!” galit na wika ni Marc.             “Hindi hinayaan ng Diyos na magtagumpay ang plano nila,” ani ni Riza. “God! Sa panahon ngayon ay hindi na talaga natin alam kung sino pa ang puwedeng pagkatiwalaan.”             “How’s Daniel and Lino?” tanong ni Marc.             “Stable na ang lagay ni Lino. Successful ang operasyon. The doctors said, he’ll be all right. Nailipat na siya sa recovery room, sa kabilang silid. N-nandoon ngayon si tatay. Daniel’s okay, too. Hinihintay ko na lang na magising siya,” tugon niya. Salamat sa Diyos at             Dumaan ang ilang sandaling katahimikan.             “I heard sinadya ang sira sa preno ng sasakyan ni Lino, pati sa airbag” ani ni Marc. “Malinaw na ginalaw ang sasakyan ni Lino.” “Hindi daw sina Gido ang may gawa niyon. Baka daw ang may gawa niyon ay ang taong naapakan niya sa gagawin niyang pagte-take over ng DeKart Corporation. Kaya nga umuupa ako ng mga tao para magbantay sa silid niya.”  “Hindi nga malabo na magkaroon ng kaaway si Lino dahil sa DeKart. Don’t worry, ako ang bahala sa pagpapaimbistiga sa nangyari kay Lino. Sisiguraduhin ko na magbabayad ang may sala,” tiim ang bagang na wika ni Marc. “Hindi rin iyon palalampasin ni Daniel.” Sa ugali ni Daniel hindi nga malabong gawin nito iyon. Daniel would let them suffer. Ipaparamdam nito sa mga taong iyon na nagkamali ang mga ito ng kinanti. “A-ang hindi ko maintindihan ay kung bakit umuwi si Lino ng Pilipinas na hindi namin nalalaman. Hindi iyon gawain ni Lino. He always let us know when he’s coming.” “Pasasaan ba at malilinawan din ang lahat,” ani  ni Riza. “Magpahinga ka na rin, Ce. You look so tired and restless. Magiging maayos na ang lahat…”   DANIEL turned rampant. Nagdidilim ang paningin niya. Parang sasabog ang ulo at dibdib niya sa nagsisiksikang galit at poot habang sa isipan ay nakikita niya ang demonyong humahalakhak. Naririndi siya, natutuliro. Gusto niyang durugin ang lahat ng lahat ng mahakan niya. Gusto niyang ibalibag at basagin ang lahat ng maabot niya. Tapon dito. Tapon doon. Binabalibag, binabasag, binabaliktad niya ang ano mang mahawakan. He was so furious and totally frantic. Something was screaming in his head. Para siyang mababaliw. Nagkukumawala ang lakas at enerhiya niya. Daniel didn’t even know why he was doing it. Basta sinusunod lang niya ang dikta ng madilim na isipan. Lahat ng madaanan niya ay gusto niyang durugin at itulak.  “Daniel please hold on!” Hiyaw ng isang tinig na rumihistro sa pandinig ni Daniel. Something jolted in him. Was it his heart? Parang kilala niya ang tinig na iyon. C-Celine…?  “Huwag kang bumitaw, please. I love you! Oh, my God. Oh, my God….” sabi ng tinig. Isang munting ilaw ang tinig na iyon sa kanyang madilim na paningin. At ang tumatawang demonyo ay pilit na pinapatay ang munting ilaw na iyon. No, no. Hindi niya iyon papayagan. He will hold on to that small light. Please, God, help me. Help us, nausal niya sa isipan. And then just like that, sa isang iglap ay nahawi ang madilim na kurtina ng kanyang paningin. Parang bula na pumutok sa kawalan ang demonyong humahalakhak sa isipan niya. Sa isang iglap ay bumalik sa isipan niya ang sitwasyong kinasusuungan ng pamilya niya at panganib na nakaamba. You’re smart, Daniel. Kapag pinagana mo ang puso at isipan, laging malalaman mo kung ano ang gagawin mo. In times of trouble always trust and listen to your heart, sa kung anong dahilan ay umalingawngaw ang tinig na iyon ng kanyang ama. It was one of the many wisdoms his father had told him under the night-sky. “Sige, Daniel, pinadadali mo lang ang pagse-set up namin sa iyo. Turn this place upside down. Put your finger prints in them,” narinig niya ang demonyong tinig ni Peter. Kaya umakto pa rin si Daniel na nagwawala. But he had control of everything now. Alam niya kung ano ang gagawin. Kutsilyo. Kailangan niya ng mga kutsilyo. Itinuon niya ang deriksiyon ng kunwari pa ring pagwawala niya sa kusina. He threw everything. Habang gumagalaw ay palihim niyang tinitingnan ang eksaktong posisyon ng mga target niya. Hindi siya magmimintis. He had it calculated in his mind. He will show no mercy. He will give them a fatal shot that would drag them to hell. Doon ang mga ito nababagay, sa impyerno. Nahawakan niya ang mga kutsilyo at tila naglalaro lamang ng dart na ipinukol ang mga iyon… Malakas na suminghap si Daniel kasabay ng pagmumulat ng mga mata. Sa loob ng ilang sandali ay nakatitig lamang siya puting kisame ng hospital. Oo, batid niyang nasa hospital na siya. Nararamdaman niya ang kirot sa balikat niya pero mas nararamdaman niya ang init na nagmumula sa palad niya. Dumederetso ang init na iyon sa puso niya. Nang ituon niya doon ang paningin. Nakita niya ang asawa na nakayukyok sa gilid ng kama habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa palad niya. Otomatik na namuo ang luha sa mga mata ni Daniel at tuloy-tuloy iyong naglandas sa pisngi niya. Naaksidente si Lino, Nagtraydor sina Peter at Gido, Hindi niya anak si Hugo… sa lahat ng mga pangyayaring iyon, nagpapasalamat pa rin siya na ligtas na sila. God is good. Tinulungan siya Nito. Binigyan ng liwanag gamit ang pagmamahal ni Celine. Naalimpungatan marahil na gising na siya, nagtaas ng ulo si Celine. And in an instant, she cried. They cried. Yumakap sa kanya ang asawa at pareho nilang iniluha ang nangyari. “Nasaan si Christopher?” tanong niya. “Si Hugo?” “He’s fine. They’re fine. Nasa kapatid ko ang mga bata, natutulog daw.” Ikinulong nito sa mga palad ang kanyang mukha. “Ligtas din si Lino. Magigising siya ano mang oras.” “T-thank God,” nangangatal ang labi na bulalas niya. “Thank you for saving us.” Umiling siya. “Ikaw ang nagligtas sa akin. Ikaw ang nagligtas sa atin. I heard your voice and I hold on to that. Oh, God…” Hinagkan niya ang labi ng asawa. Agad din naman itong tumugon. Pagkatapos ng halik ay mahigpit na nagyakap sila. Malaki ang epekto sa kanya ng pagtatraydor nina Peter at Gido. Mahirap tanggapin ang nangyari. Para siyang sinaksak ng paulit-ulit. Ni wala man lang siyang nakitang palatandaan na pinagbabalakan na pala siya ng masama. Alam niyang mahihirapan na siyang magtiwala pa. He would be extra careful next time…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD