“HINDI MO gagawin iyan, Daniel,” umiiling na sabi ni Lino. “I will and I can,” matigas na saad ni Daniel. Napailing si Celine. Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Pag-iinitan ni Daniel ang DeKart at mga kumpanyang may kinalaman doon. Si Lino ay nakahiga sa hospital bed habang si Daniel ay may cast ang isang braso. Nakaupo ito sa isang silya habang siya ay naroon sa sofa at doon nakaupo. Sadya siyang dumistansiya para bigyan ng espasyo ang dalawa. “And you will do exactly what I said,” nagngingitngit na wika pa ni Daniel. “I-pu-pull out natin lahat ng pera natin sa DeKart. At hindi ako titigil hangga’t hindi dumadapa ang kumpanyang iyon. Pagbabayarin ko sila hanggang sa gumapang sila sa lupa!” “You will let me handle this,” hindi yumuyuko na sabi naman ni Lino. “Wala kang gagawin, Da

