“TAMA BA ang narinig ko?” tanong ni Daniel sa kausap niya sa telepono na walang iba kundi ang kaibigang si Lino. Nasa library siya noon at pumipirma sa mga papeles na dinala nina Peter at Gido nang makatanggap siya ng tawag mula kay Lino. Si Lino na halos inialay na ang sarili para magiging ‘alalay’ niya dahil sa kanyang kondisyon. Si Lino na siya ring nagpamulat sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya kay Celine. Finally, nang maging maayos ang lahat sa kanila ni Celine ay nakumbinsi rin niya ang kaibigan na ang sarili naman nito ang asikasuhin nito. Inikot ni Lino ang daigdig. He visited places from places. And from time to time Lino was calling him to check how he is doing. Hindi na siguro iyon maiaalis pa kay Lino dahil noon pa man ay sila na ang magkasama.
“Tama ang narinig mo,” sabi ni Lino. “Gusto kong makuha ang controlling shares ng DeKart Corporation. I believe, isa ang DeKart sa pinaglagakan mo ng mana ko mula sa mga magulang mo.”
Iyon nga din mismo ang narinig niya na sinabi ni Lino pagkatapos nitong kumustahin sa kanya sina Celine at Christoff. Inalis ni Daniel ang suot na salamin sa mata. “That is correct. Malaki nga ang shares mo sa DeKart. And if you want it, you can have it. Your share plus my share equals controlling shares. You can even have the whole company if you want.” Tumawa siya. “Although kinukumbinsi nga kita na maging full time businessman, nagulat lang siguro ako sa intensidad ng boses mo. May I ask why?”
“Alin ang ‘why’? Ang kagustuhan kong makuha ang DeKart, o ang intensidad sa boses ko?” balik-tanong ni Lino.
Tumaas ang sulok ng labi ni Daniel. Hindi na maipagkakaila, mukhang upset talaga si Lino. “Pareho,” tugon niya.
“Well, there’s this woman—nah. Never mind.”
Aha! At babae pala ang dahilan. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Daniel.
“So babae pala ang dahilan,” sabi niya, nasa mood para tuksuhin ang lalaking marahil sa ibang buhay ay kapatid niya. Narinig niya ang pag-ungol ni Lino. “Let me guess, buddy. This particular woman is belittling you? Hindi niya alam na mayaman ka naman talaga? That you have investments here and there?” Pero ano ang kinalaman nito sa DeKart Corporation? Hmm. “Wait. That woman was somehow connected to DeKart?”
“Bulls eye,” walang-gana ang boses na tugon ni Lino. “Met her in India. Pagkatapos nagkita uli kami sa Munich, Germany. I’m telling you, Daniel, she’s a witch. I did some research at nalaman ko na konektado siya sa DeKart. Tingnan ko lang reaksiyon niya kapag nalaman niyang magiging boss niya ako.”
Humalakhak si Daniel. “Celine and I would love to meet her soon. Okay, kakausapin ko sina Peter at Gido. Sa palagay ko naman ay hindi mahirap kunin ang pamunuan ng DeKart dahil noon pa man ay marami ng may ayaw sa kasalukuyang namumuno. Consider it done, Lino.”
“Salamat. Oh, speaking of Gido, nasabi ko ba sa ‘yo na nakita ko siya sa City of Sins?”
“Las Vegas?”
“Oo, sa Light House—isang casino. So nagpunta ako doon, gumastos ng ilang dolyar sa mga slot machines.”
“Slot machines?” kunot-noong tanong niya. “Are you kidding me? Why not spend some money playing poker? Magaling ka sa larong iyon. Puwede ka ngang maging professional poker player. Lagi mo akong pinahihirapan kapag naglalaro tayo.” Siya ang nagturo kay Lino sa paglalaro ng poker. He was so good. Madali itong natuto. A natural. Siya ang nagturo pero siya ang madalas na matalo nito. Poker is a game of bluffing. Bonus na lang kung suwerte ang dating ng mga baraha sa ‘yo. Pero kahit hindi pabor sa ‘yo ang mga hawak mong baraha pero magaling kang mang-bluff ay mananalo ka.
Tumawa si Lino. “Palalampasin ko ba ang poker? Nagpainit lang ako sa mga slot machines . Pagkatapos niyon ay nag-ikot-ikot ako sa mga mesa ng naglalaro ng poker. Apparently may isang mesa na maraming audience, mukhang mainit ang nagaganap na laban. I guess malakihan na ang nakataya. So sumiksik ako sa mga tao, at ‘yon nakita kong isa si Gido sa mga nakaupo.”
“Nananalo ba, o natatalo?”
“Sadly, natatalo. At halata na sa mukha ang frustrations. Kaya siya lalong natatalo dahil nababasa na siya ng mga kalaban niya. Sabi mo nga, huwag ipakita ang totoong nararamdaman. Kapag ganoon ay mababasa ka ng kalaban.”
Napasipol si Daniel. “You should teach him some techniques. Wait, sabi mo nakita mo ‘kamo? Kung ganoon hindi ka nagpakita sa kanya?”
“Oo. Ayokong mapahiya sa akin ‘yong tao. Umalis na lang ako doon at lumipat ng ibang casino.”
NANG MATAPOS ang tawag ni Lino, isang tawag pa ang natanggap ni Daniel mula sa isang tauhan. “Sigurado ka ba sa impormasyon mo?”
“Yes, boss. Positive. Malapit na namin silang matunton,” tugon ng nasa kabilang linya.
Kuntentong tumango si Daniel. “Great,” aniya. May sasabihin pa sana siya sa kausap pero bumukas ang pinto at pumasok si Celine. Madalian niyang pinutol ang tawag. “I’ll call you again,” aniya bago ibinaba ang telepono.
“Time to get ready,” nakangiting wika sa kanya ng asawa.
Ipinapaalala nito ang speaking engagement na dadaluhan nila. Celine would be a speaker. Dahil sa aksidenteng pinagdaanan ng asawa ay naging advocacy na rin nito ang pagbibigay-leksiyon tungkol sa responsableng pagmamaneho. Maraming sakop ang responsableng pagmamaneho, si Celine ay nasa linya ng awareness tungkol sa panganib ng pagmamaneho ng lasing. She would talk here and there, sharing her story and how she almost lost her life because she was driving while drunk, senseless, and unfocus. At sa tuwina ay nakasuporta siya sa asawa.
Nilapitan niya ito. Inabot niya ang isang palad ni Celine at itinaas iyon. Celine got the cue. Umikot ito sa harap niya. Daniel felt playful, hinapit niya ito sa baywang at iginiya sa isang sayaw. Tawa ng tawa si Celine bagaman umaayon naman sa ginagawa niya. Nakangiti lang siya, nakatitig sa asawa. Sa magandang mukha nito, sa sayang nakaguhit roon, at sa hindi maipagkakailang pagmamahal.
“Ahh,” usal ni Celine nang makita nito na nakatitig lamang siya rito. Tumigil ito sa paggalaw, bago marahang yumakap sa kanya. Ibinaon ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. Ipinikit naman ni Daniel ang kanyang mga mata at ninamnam ang sandaling iyon.
He was truly happy and content. Totoo nga marahil na kaya hindi siya sinusumpong ng sakit niya ay dahil wala namang dahilan para ma-depress siya. The world is in his hands. “Tumawag si Lino. And guess what? I think Lino found the one.”
Nag-angat ng mukha si Celine. Her luscious lips were parted in surprise. “Totoo nga ba?” Natutuwang tumango siya. Ikinuwento niya ang naging pag-uusap nila ni Lino. “Hindi na ako makapaghintay na makilala ang babaeng iyon. I think she’s special,” ani ni Celine.
“Malamang. Nakuha niya ang atensiyon ni Lino,” aniya habang hinahaplos ang pisngi ng asawa. Siya nga pala. Wanna have some fun later? Maglaro tayo ng poker.”
“Poker?”
Ngumisi siya. Namimilyo ang kislap ng mga mata. Naglalaro ang imahinasyon. “Strip poker.” Sa larong iyon ng poker, kung sino ang matatalo sa bawat round ay kailangang magtanggal ng isang kasuutan sa katawan. Puwede lamang silang tumingin sa katawan ng isa’t-isa pero hindi puwedeng humawak. Maliban na lang siyempre kung pareho silang sumabog sa pagnanasa. Muling napangisi si Daniel. Sisiguraduhin niya na siya lagi ang mananalo. Ah! How was it possible that he loves and desires her so much? Ganoon nga ba talaga kapag nagmamahal?
“Strip poker, huh?” Naningkit ang mga mata ni Celine, as if he was estimating him. Pagkatapos ay tumango-tango ito na animo tinatanggap ang hamon niya. “Call.”
“Great!” bulalas niya. “Tingnan natin kung sino ang mauubusan ng kasuutan mamaya,” mayabang na tugon niya.
Nginisihan lang siya ni Celine na para bang sa isipan nito ay may pinaplano rin ito.
“DRUNK DRIVING or merely drinking and driving continues to plague our country with hundreds of casualties and severe injuries every year,” ani ni Celine. Sa isang gymnasium sa Pasig City ginanap ang talk. Nakipag-ugnayan sila local na pamahalaan, NGO’s, at iba pang organisasyon na may kaparehong advocacy. Sa kampanyang iyon ay gumagamit sila ng totoong kuwento at karanasan ng mga taong nawalan ng miyembro ng pamilya o minamahal dahil sa iresponsableng pagmamaneho. They gathered some news clips and photos on car accidents involving drunk driving. Kailangan nilang magpresenta ng mga totoong pangyayari para matulungan ang mga ito na mapagtanto ang karahasang idinudulot ng pagmamaneho ng lasing.
“I, for one, almost lost my life. I was… I was dead for a few seconds or minute. The doctors were able to revive me but I fell in comatose stage for months….” Bahagyang gumaralgal ang tinig ni Celine sa bahaging iyon. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata. Celine looks for her husband. Nginitian siya ni Daniel at binigyan ng sumusuportang ngiti. “…If you’re drunk, don’t drive at all. Don’t take chances, don’t dare take the risk of ending up in hospital, or in jail and not being able to drink ever again. Sa mga inang tulad ko, dapat na magkaroon tayo ng aktibong parte sa para maipaintindi natin sa mga anak natin ang panganib na dulot ng iresponsableng pagmamaneho. Awareness should start at home. Thank you.”
Masigabong palakpakan ang ibinigay kay Celine nang matapos siyang magsalita. Si Daniel ay agad tumayo at lumapit sa entablado para alalayan at salubungin siya. Niyakap siya nito at hinagkan ang kanyang ulo. “You did great. As always,” anito. “I’m so proud of you.”
“Thank you,” nakangiting tugon niya.
“Ladies and Gentlemen,” anang emcee. “Let’s give another round of applause to our gorgeous crusader, Doctor Celine Cavelli.” Muli ngang dumagundong ang masigabong palakpakan. Sinagot iyon ni Celine ng ngiti at binigkas ang pasasalamat.
Maya-maya ay magkakaroon ng auctions. Ang kikitain sa auctions ay mapupunta sa pondo ng samahan. Ang iba ay mapupunta sa ilang foundation na konektado sa kanila. Bilang pakikibahagi, si Riza---na sikat na photographer--- ay nag-donate ng isang obra nito. Si Marc ay nakibahagi rin. Isang helmet na pag-aari nito noong nangangarera pa ang iniambag nito. Sigurado siya na magkakandarapa ang mga tagahanga ng dalawa sa mga items na iyon.
Tinungo na nila ang mesang laan sa kanila. “You’re a very effective speaker. Lahat ay nakikinig sa ‘yo. Lahat ay nakatingin sa ‘yo. Nasa iyo ang lahat ng atensiyon,” mahinang sabi nito pero malinaw na nakarating sa pandinig niya.
Nang marating ang mesa nila, ipinaghila siya ng asawa ng silya niya. Naupo siya. “Hmm. Do I sense a hint of jealousy there?” tudyo niya. Nakasunod ang tingin rito habang tinutungo ang sariling upuan.
Tumawa si Daniel. Naupo na rin ito. “Hindi ko mapigilan,” pag-amin nito. “But, I’m not implying na nasa iyo ang atensiyon nila dahil lang sa nakakabighani kang pagmasdan. No. You really did great. Marami kang naimumulat na mga mata dahil sa ginagawa mo. Maraming buhay ang naliligtas. I’m really proud of you.”
Inabot ni Celine ang palad ng asawa na nasa ibabaw ng mesa. Agad naman na ibinuka ni Daniel ang palad at tinanggap ang palad niya. “Maraming salamat sa suporta, Daniel.”
“Honestly, noong una mong sabihin sa akin ang plano mo, pinagbigyan lang talaga kita sa gusto mong mangyari. But when I heard you talk? I was thunderstrucked. Maging ako ay maraming natutunan sa ‘yo. Naipangako ko sa sarili ko na ibibigay ko sa ‘yo lahat ng suporta ko sa proyekto mong ito. You’re awesome. I think dapat palawigin ang campaign. Dapat na mas maraming conference pa ang maisagawa, lalo na sa mga teenagers. Mas maaga silang maging aware, mas mabuti. Para kapag sila na ang nasa harap ng manibela mas responsable na sila. Don’t worry about the funds. Nariyan ang Cavelli Charities na ikaw ang presidente. I can also look for sponsors.”
Binitiwan niya ang kamay ng asawa at dinala ang palad niya sa pisngi nito. “Salamat.”
“Kahit ano para sa ‘yo, Sunshine,” anito. “I love you.”
“LADIES AND GENTLEMEN, the auction will start in two minutes…” anunsiyo ng emcee. “Kindly check your brochure of the featured items and…”
“Dapat kang lumahok,” kunwa ay utos ni Celine sa kanya. Dinampot nito ang booklet na nasa mesa at iniabot sa kanya. Sa booklet na iyon nakalathala ng mga bagay na ipapa-auction sa pagtitipong iyon. Nakasaad doon ang kumpletong impormasyon ng bawat item.
Daniel chuckled. Tinanggap niya ang booklet at mabilisang pinasadahan ng tingin ang mga naroon. “Okay. I think I’ll fight for this one.” Itinuro niya ang helmet ni Marc. Ang helmet na iyon ay ilang beses na isinuot ni Marc sa mga karera nito kaya maituturing na valuable item iyon. He looks at his wife. Hindi siya nabigo sa inaasahan na magiging reaksiyon nito. Celine was shock. Wala nga naman siyang amor sa motorcycle racing kaya bakit niya gugustuhin na makuha ang bagay na iyon?
“Bakit iyan? I heard nagpadala ng representative ang negosyanteng si Roman Custudio para diyan. And God knows kung sino pang taga-hanga ni Marc ang nagpadala ng emisaryo para lamang sa helmet na iyan.”
“I know,” nakangising tugon niya sa asawa. “Tagahanga siya ni Marc and he’ll get this item come what may. Sa tingin ko rin ay hindi lang si Roman ang naghahangad na makuha iyan lalo pa at inianunsiyo ni Marc ang tungkol sa auction. Makikita mo mamaya. Ito at ang kay Riza ang kikita ng malaki.”
“Aha!” Ngumiti ng maluwang si Celine. Nakuha na nito ang gagawin niya. “Lalaban ka sa auction nang sa gayon ay tumaas ang presyo niyan? And when you think the price is high enough you’ll concede and let Roman get the helmet?” Marahang tango ang isinagot ni Daniel. Nangingiting umiling-iling naman ito. “Wise move. Uhm, sasaglit lang ako sa ladies room, okay.”
“Do you want me to go with you?” tanong niya.
Natawa ito. “Hindi na.”
“Okay.” Nang makaalis si Celine, inilabas ni Daniel mula sa inside pocket ang cell phone niya at binasa ang ilang mensahe na dumating kaninang nag-e-speech si Celine. Nasa asawa kasi ang buong atenisyon niya kaya hindi niya ininda ang mga dumating na text messages kahit na mahinang nagba-vibrate ang telepono. Alerto lang naman siya sa cell phone kapag hindi sila magkasama ni Celine.