Final Walk 1

1004 Words
"Baby tapos ka na bang iligpit ang things mo? aalis na tayo any minute from now" Mama asked while putting tapes on some of her boxes na dadalhin niya. Aalis na kami papuntang Aurora dahil doon daw nalipat ang work ni Papa. Ayaw ko man umalis dito ay wala akong magagawa dahil kailangan. I just hope that everything will be fine kapag nakarating na kami ng lugar na iyon. Sana ay madali akong makakapag-adjust because I am unfamiliar with that place. By the way, I am Diana Lorelei Voss, nag-iisang anak lang ako kaya hindi ako sanay na masyadong makihalubilo sa iba. Madalas kong hilingin na sana ay magkaroon na ako ng baby brother or sister, kahit ano pa ang maging kasarian nito ang hinihiling ko lang din naman ay sana may makasama naman ako kahit papaano lalo na kapag busy sila mommy. I am not that close with my cousins dahil madalag lang din kaming nagkikita kasi malayo sila saamin, isama mo narin sa rason na nahihiya ako sa kanila. "Yes mama, may orphanage po doon?" napalingon sila ni papa saakin ng itanong ko iyon. "Yes baby, why?" Tanong ni Mama "Niligpit ko rin po kasi pati yung mga gamit ko na hindi ko na kakailanganin. Balak ko po sanang idonate" nakangiti kong sabi. Lumapit naman saakin si Papa at niyakap ako. "Ang bait naman ng anak ko. Oh siya sige, huwag kang mag-alala dahil kapag tapos na tayong maglinis sa lilipatan natin ay pupunta tayong bahay ampunan para mabigay mo sa mga bata doon ang mga niligpit mo" nakangiting sabi ni Papa. "Yey! Sige po. I am so exciteeeed" masiglang sabi ko habang tinutulungan si Mama na magtape ng ibang karton. "Mama pwede po ba akong makipagkaibigan sa kanila?" Kunot noong tanong ko. "Of course baby" sagot niya ng hindi ako nililingon. "But" doon pa niya ako nilingon at nagtatakang tinignan. "Nahihiya po ako eh. I am not good in making friends po kasi since nasanay akong mag-isa" pag-amin ko. Nakita ko ang guilt at lungkot sa mata ni Mama after hearing those. Omg, what did I say? Baka isipin ni Mama na kasalanan nila. "But it's not your fault Mama, sadyang malayo lang tayo sa mga relatives natin kaya hindi ako close sa kanila and besides home school po right? Kaya po ganon. I'll try my best na makipagkaibigan sa mga bata sa orphanage pagpunta natin doon" pagbawi ko sa sinabi ko kanina. Bakit ko pa kasi iyon sinabi? Ngumiti lang si Mama at hindi na nagsalita. Ilang sandali lang ay may bumusina na sa labas. "Anjan na ang truck na magdadala ng mga gamit natin" imporma ni Papa saamin. Bigla naman bumalik uli yung excitement ko. Sana ay marami akong magiging kaibigan sa lilipatan namin. I'm shy pero susubukan ko na makihalubilo dahil alam ko naman na mababait sila. 'Sana' "Mama saan po tayo sa Aurora lilipat?" Sanay na saakin sila Mama dahil masyado talaga akong matanong lalo na sa mga bagay na hindi ako familiar o hindi ko alam. Madalas kasi akong macurious sa mga bagay-bagay. "To your Mamita" simpleng sagot niya. "Really?" Masayang tanong ko. Mamita is my grandmother. Nanay siya ni Mama. I am close to mamita dahil sobrang bait niya at masyado niya akong sinospoil. Gusto nga niya akong kunin kanila mama at doon na patirahin sakanya pero mukhang hindi na kailangan iyon dahil kami na mismo ang pupunta sakanya. Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin bago kami nakarating. "Mamitaaaaaa" masiglang sabi ko habang tumatakbo palapit kay Mamita na siyang nagbukas ng pinto para saamin. "Lore, apo" nakangiti niyang salubong saka ako niyakap pabalik. "How are you po mamita?" Nakangiting tanong ko. "Maayos naman kami dito apo, oh siya tumuloy ka na sa loob at may nakahanda ng pagkain para sainyo doon" humalik muna ako sa pisngi niya bago tumakbo papasok. "Kamusta ang byahe?" Rinig kong tanong ni Mamita. "Nakakapagod Mama pero ayos lang, ligtas at maayos naman kaming nakarating iyon ang mas importante" magalang na sagot ni Papa. "Asan nga pala ang Papa?" Tanong naman ni Mama "Ako ba ang hinahanap mo?" Pabirong tanong ni Dada, my grandfather. "Dadaaaaaa" tumakbo ako palapit sakanya atsaka siya niyakap. Binuhat naman niya ako saglit at hinalikan sa noo. Hindi mapagkakailang matanda na sila pero malalakas parin ang mga ito lalo na si Dada na mukhang marami pang kayang gawin. "Mamita" napalingon ako sa batang biglang tumawag kay mamita. I think she's older than me. "Oh Zyres iha halika dito" lumapit naman siya kay Mamita pero agad ding nagtago sa likod nito ng makita sila Mama at Papa na kaharap nito. "Siya na ba ang anak ni ate Hanna?" nakangiting tanong ni Mama. Natigilan naman ako sa narinig. I heard that Tita Hanna and Tito Bill died a year ago dahil sa car accident at himala na nabuhay ang anak nila. Siya pala ang batang iyon. Bigla akong nakaramdam ng awa para sakanya dahil bata pa siya ay nawalan na agad siya ng mga magulang. Sa pagkaka-alam ko ay sina Mamita na ang kumopkop sakanya. She is the eldest granddaughter of Mamita and Dada. Dalawa lang si Mama at Tita Hanna na magkapatid that made me the youngest one. "Zyres this is your Tita Lara and Tito Daniel. She is your Mommy's younger sister" pagpapakilala ni Mamita kanila mama kay Ate Zyres, it's okay to call her ate right? Since she's older than me. "H-hello po" nahihiya niyang bati. "You really look like ate" nakikita ko ang lungkot sa mga ni Mama habang sinasabi iyon "Kung okay lang sa iyo ay pwede mo akong tawaging Mommy Lara magmula ngayon at siya naman ang Daddy Daniel mo. Ayos lang ba iyon anak?" Nagulat ako ng biglang tumulo ang mga luha ni Ate Zyres matapos sabihin iyon ni Mama. Agad naman silang nagpanic at pinapatahan siya. Wala sa sariling lumapit ako sakanya at niyakap siya. "And I am Lore, I can be your sister. A-ate?" Alanganin kong tawag sakanya bilang mas nakababata sakanya. Natigilan naman siya at tinitigan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD