Final Walk 2

1012 Words
"A-ang ganda mo" wala sa sariling sabi niya habang humihikbi parin. Naramdaman ko namang biglang namula ang mga pisngi ko sa narinig. "She is our daughter, Diana Lorelei" pagpapakilala ni Mama saakin, ngitian ko naman si Ate Zyres saka nilahad ang kamay ko sakanya. Pinunasan muna niya ang mga luha niya saka niya iyon tinanggap na may alanganin na ngiti sa mga labi. Siguro ay nahihiya parin siya. "Tara na kumain na muna tayo dahil baka lumamig na ang ipinahanda ko" agad naman kaming nagpunta sa kusina saka sabay-sabay na kumain habang nag-uusap sila Mama. Samantalang kami naman ni Ate Zy ay tahimik na na kumakain, ramdam ko ang ilang sa pagitan naming dalawa. 'Ayos lang ito, alam kong di magtatagal ay magiging malapit din kami sa isa't isa, sadyang naninibago lang talaga kami' Pampalubag loob ko sa sarili. "Uhm, A-ate Zy?" Alanganin kong tawag sakanya. Nasa loob kami ng magiging kwarto ko ngayon at tinutulungan niya akong magligpit. Sa room ako nila Mama natulog kahapon dahil sa pagod ay hindi ko na kasi nalinis itong kwarto ko at maagang nakatulog. Katabi nito ang kwarto ni Ate Zy. Nasa fourth floor ito dahil iyong kela mama ay nasa third floor pati ang dating room nila Tita Hanna atsaka ang music room at iba pang entertaiment rooms na melon sila dito sa mansion. Sa second floor naman ang kwarto nila Mamita pati ang office nila at library. Samantalang nasa first floor naman ang guest rooms at maid quarters. Pero may dalawang guest room din na kaharap ng room namin ni Ate Zy para daw sa mga pinsan namin na bibisita o ibang kamag-anak. Sinadya nilang nasa huling palapag kami dahil nga medyo tumatanda narin sila Mama at Mamita ay madali na silang mapagod sa pag-akyat baba sa hagdan hindi gaya namin atsaka konektado rin kasi itong floor namin sa roof top na pwede naming tambayan ni Ate Zy. "Ba-bakit? Mali ba ang pagka-ayos ko nito? S-sorr—" "No, no Ate. It's okay. Itatanong ko lang po sana kung marami ka ng friends dito?" Nakangiti kong tanong para i-assure siya na walang mali sa ginagawa niya. "Honestly wala pa akong mga naging kaibigan dito dahil mula ng lumipat ako dito ay hindi naman ako gaanong lumalabas ng mansion" nakayuko niyang sabi "atsaka hindi pa ako gaanong nakakapag-adjust dahil hindi parin mawala saakin ang nangyari, a year ago" Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya. "S-sorry for asking. I didn't m-meant to—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong lingunin at binigyan ng ngiti. 'She's so pretty' "Ayos lang, hindi naman iyon big deal namimiss ko lang talaga sila Mommy" sabi niya. "Can you be my friend then? I mean pwede ba tayong maging unang kaibigan ng isa't isa dito sa Aurora?" Nakangiting alok ko sakanya habang nakalahad ang mga kamay sa harapan ko "Oo naman, that would be great though. Friends s***h s-sisters" ramdam ko ang pag-aalanganin niya habang binabanggit ang huling salitang iyon. "Friends s***h sister it is!" Masiglang sabi ko saka siya hinila at niyakap ng mahigpit. "Oh siya tapusin na natin to dahil sabi ni M-mommy Lara may pupuntahan kayo" nag-alanganin pa siyang tawaging Mommy si Mama at pasimple akong tinignan. "It's fine with me, I mean ayos lang saakin na tawagin mong Mommy si Mama because we are now sisters. Isa pa anong KAYO? TAYO Ate, sasama ka saamin okaaaaay?" Nilagay naman niya ang dalawang kamay niya sa harapan niya habang winawagayway iyon ng sabay at umiiling. Tila ba sinasabing hindi na niya kailangan sumama. "Whether you like it or not sasama ka, sige ka magtatampo ako sayo" kunwaring nakasimangot na sabi ko. Napabuntong hininga naman siya saka ako nilingon. "Sige na nga. Siya dalian na natin ng makapaghanda na tayong pareho. I didn't know you are this makulit type" natatawa niyang sabi na para bang wala na talaga siyang ibang choice kaya pumayag na siya na sumama saamin. At least nag-improve na yung ilang na nararamdaman namin sa isa't isa dahil unti-unti na iyong nawawala at napapalitan ng pagkakomportable siguro ay dahil rin iyon sa pinsan buo kami at nananalaytay saamin ang dugo ng mga magulang namin. I heard Tita Hanna and Mama were so close back then, halos hindi na nga daw sila mapaghiwalay. Kahit daw noong kinasal na sila ay kung hindi lang sila napilitang bumukod na ay ayaw nilang maghiwalay parin at napagdesisyunan pang tumira sa iisang tirahan lang. Pero dahil sa malayo rin ang work nila sa isa't isa ay wala na silang ibang nagawa. "Saan po tayo pupunta Mama?" Nagtatakang tanong ko nang palabas na kami ng mansion. "Gaya ng promise namin sayo pupunta tayong bahay ampunan" nakangiti niyang sagot. Kumislap naman ang mga mata ko sa narinig. Finally, I can't wait to meet them. Hinawakan ko naman ang kamay ni Ate Zy para sabay kaming maglakad papunta sa sasakyan. "Are you ready Ate? Siguradong marami tayong pwedeng maging friends doon, marami tayong makikilala" nakangiti kong sabi. "Kinakabahan ako pero na-eexcite narin ako na makilala sila. Pakiramdam ko ay mababait naman sila" natawa ako dahil kitang kita ang kaba sa mga mata ni ate at medyo nanginginig rin ang kamay niya. So pareho pala kaming mahiyain at hindi alam kung paano makitungo lalo na sa iba pero pinilit kong itago ang kaba na nararamdaman ko para naman kahit papaano ay gumaan ang loob ni Ate Zy. Pagdating namin ng orphanage ay masaya akong bumaba kasabay si ate. Sinalubong naman kami ng mga sister at madre na nagbabantay sa mga bata doon. Nagmano kami ni Ate sakanila saka kami sabay na pumasok para makilala ang mga batang nandoon. Gaya ng inaasahan namin ay mababait sila at hindi nila pinaramdam saamin na iba kami sa kanila at baguhan lang kami dito dahil winelcome nila kami ng buong puso at may malawak na ngiti sa mga labi. Nakipaglaro lang kami sa kanila pagkatapos naming kumain lahat ng sabay sabay. "Ate cr po muna ako" paalam ko kay Ate Zy na kausap sil Pia, ang ilan sa mga naging kaibigan namin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD