5 years ago... "Jimmy please kausapin mo ko. 'Wag mo kong iwan," lumuluhang sabi ni Mika. Nasa airport sila at buti na lang naabutan niya si Jimmy na paalis na papuntang Singapore para doon mag-aral ng college. Pero, alam niya bukod pa roon, gusto na talaga siyang iwan nito. "Puwede ba, Mika mahiya ka naman ang dami nang nakatingin sa atin, umuwi ka na nasabi ko na ang lahat," mahina pero madiin ang bawat salita ni Jimmy. Inayos niya ang nagusot na jacket dahil hinihila nito. Inis na inis na siya dahil malapit na siyang pumasok sa loob pero inaabala pa siya ni Mika. Oo aaminin niya, kasalanan niya kung bakit naghahabol ito sa kaniya. Pinaglaruan niya ang damdamin nito. Nang malaman niyang binasted nito si Miguel, na bestfriend niya, ay binalak nilang gumanti, pero sa malinis na paraan.

