Pagkatapos masigurong wala si Jimmy sa paligid, mabilis na lumabas si Mika sa pinagtataguan. Patakbo na sana siya sa bakod para umakyat at dito na rin dumaan palabas, nang marinig niya ang boses ni Jimmy mula sa likuran. "Mika, It's time, huh?" Natigilang bigla si Mika, inilagay sa harapan ang bote ng beer na tanging nakita niya sa paligid bilang panlaban sana. Dahan-dahan siyang humarap kay Jimmy. Mabilis ding itinago sa likod ang bote at nagmakaawa kay Jimmy na ngayon ay nakatutok sa kaniya ang hawak nitong baril. "Please, 'wag mo kong patayin, maawa ka," umiiyak na sabi niya, mahigpit na hawak ang bote sa likuran. Nagsimulang lumapit si Jimmy, hindi pa rin inaalis ang pagtutok ng baril kay Mika. "Bakit? Bakit mo ginawa ang lahat ng ito?" Naniningkit na sabi ni Jimmy. "A-anong gin

