Tatlong araw ng tulala si Dylan. Para siyang tanga na titingin sa kawalan at ngingiti mag-isa. Kahit ang mga nasasakupan niya, nawiwirduhan sa boss nila. Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kanila ni Samantha Nicole. Isang suwerteng pangyayaring hindi niya akalaing matutulad. Nakaupo lang siya sa tapat ng computer at wala namang ginagawa. Kanina pa rin siya patingin-tingin sa cellphone. Hinihintay niya kasing mag-text man lang ito. Simula kasi ng mangyari iyon, hindi na niya nakausap ang babae. Ibinigay naman nito ang number at maayos silang naghiwalay noong umaga kaya baka lang naman may ugnayan na sila, dahil nga may namagitan na sa kanila. Pero kapag nagte-text siya at tumatawag, hindi naman ito nagre-reply o sumasagot. Iniisip na lang niya na sobrang busy ito sa pagmomodel

