"CHARITY, hindi ko akalaing magagawa mo ito sa akin," puno ng hinanakit na sabi sa kanya ni Angelo nang magkita sila sa isang restaurant kinabukasan. Siya naman ay kulang na lang ay ilublob na rin ang mukha sa iced tea na iniinom niya dahil yukong-yuko ang reaksyon niya habang kausap ito. Sa totoo lang ay takot na takot siyang pakiharapan ito pagkatapos ng nangyari kahapon. Pero dahil pinayuhan siya ni Cash na mainam na sabihan na lang niya dito ang lahat, tinanggap na niya ang paanyaya ni Angelo na magkita sila. Pero kahit ganoon, pakiramdam niya ay hindi pa rin siya handa na kausapin ito. Lalo na nang kahit hindi pa siya nakaka-isang sulyap dito ay ramdam na niya ang galit nito. Hindi niya inaasahan ang lahat ng mga nangyari pero kailangan niyang pakiharapan iyon. Halos umiy

