Naisip ni Charity na tamang ayusin na muna niya ang problema niya bago sila mag-usap ni Angelo. Magulo ang sitwasyon ngayon at kung sakaling isama niya pa sa problema niya ang pakikipag-ayos kay Angelo ay baka lalo lamang sumakit ang ulo niya. She already had enough problems because of what happened yesterday. Lalo na nang malaman ng pamilya ni Cash ang tungkol sa kanila. Tinawagan siya nito kaninang umaga at sinabing gusto daw siyang makilala ng pamilya nito dahil sa nabasang article. Dahil ang tanging may alam lang sa pamilya nito ay ang Tita Petty nito, nagulat ang mga ito dahil sa nangyari. Pero kahit ganoon, nais pa rin daw siyang makilala ng mga ito lalong-lalo na ang dalawa pang half brothers nito na sina Stock at Price. Ayaw niya sanang pagbigyan ito dahil kapag nang

