HINDI pa man nakakaupo si Charity sa loob ng formal dining room nila Cash, pakiramdam niya ay busog na busog na siya. Busog na busog na siya sa pandidiri dahil tila hindi man lang nahiya sa harap ng pakain ang dalawang half brothers at pati na rin ang ama ni Cash na maghalikan sa harap na iyon. Halos magkakasabay pa ang galaw ng tatlo habang kahalikan ang kani-kaniyang partners ng mga ito. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mapangiwi at mapahawak nang mahigpit sa braso ni Cash dahil sa nakita. Naramdaman niya na mahinang tumawa ito kahit hindi man ito nakaharap sa kanya at nakita ang maasim na mukha niya. "Masanay ka na sa mga 'yan, Charity," tatawa-tawang wika ni Cash. Kasing-asim pa rin ng suka ang mukha niya nang sumagot. "'Can't take it, Cash. Can I get out of here?" Mukhang

