Valentina SOBRANG excited ni Aleksandr na pumunta ng Puerto Rivas. Akala mo nga ay walang masamang nangyari sa kanya dahil mas iniisip niya ngayon ang pagpunta namin sa isla. Ako naman, I am having mixed emotions about returning to that place. Marami akong pilit na kinalimutan nang umalis ako sa Puerto Rivas and majority sa mga iyon ay hindi ko na gustong alalahanin pa. Iniisip ko, baka kapag bumalik ako sa lugar na ‘yon, maalala ko na naman. Sampung taon akong hindi bumalik sa Puerto Rivas. I wonder, ano kayang mararamdaman ko kapag nakabalik na kami roon? “Penny for your thoughts?” Hindi ko namalayan na hindi na pala ako mag-isa. Nasa tabi ko na si Vladimir at hindi ko alam kung kanina pa ba siya riyan. “Naandiyan ka pala, Vladimir,” I asked, stating the obvious. Naandito kami sa

