Vladimir MABILIS ang pagpapatakbo ko ng kotse habang tina-track ko kung nasaan sina Kamila. Isinuot ko rin ang earpiece ko para makausap ko ang mga tauhan ko. “Pakhan, nahuli na namin ang mga kinuha nilang lalaki para iligaw tayo. Wala po rito si Aleksandr. Mukhang nasa isang babae.” Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na sinundan ang kotse ni Kamila. Sinabi sa akin ng mga tauhan kong sinusundan din ang kotse ni Kamila na hindi nila magawang paputukan ng baril ito dahil baka kung mapaano si Aleksandr. Kaya ngayon, doble ingat kami. Lalo na at hindi sigurado ang eksaktong lugar kung nasaan si Aleksandr. Is he in the backseat? In the passenger seat? We still don’t know. Kamila’s car is tinted. Hindi kami pwedeng magpaputok ng baril na hindi nalalaman kung nasaan ang lokasyon ng anak

