Valentina HINDI ko pa ma-contact si Vladimir kaya nagdesisyon na muna ako na pumunta sa lugar kung nasaan sina Aleksandr. May mga awtoridad na rin doon. Siguro ay tumawag ang school nang mawala si Aleksandr. “Anong nangyari?” Hindi na ako nag-atubiling magtanong kung anong nangyari. “Nagpaalam lang po si Aleksandr na magpupunta ng restroom. Nang nagbibilang na ako ng estudyante, roon ko po napansin na hindi pa bumabalik si Aleksandr. Pumunta ako sa restroom para i-check is Aleksandr pero wala na siya roon. Nagpatulong na rin ako sa mga security pero wala rin silang nakitang bata. We checked the CCTV camera, pero walang Aleksandr na lumalabas ng building.” Hindi na ako mapalagay. Nag-aalburuto na ako dahil sa pag-aalala ko kay Aleksandr. “Miss Petrov?” Agad akong lumapit sa isang pul

